PROLOGUE

70 2 0
                                    

NAKATUNGHAY siya sa labas ng bintana, matamlay ang mukha at walang mababakas na ngiti sa kaniyang labi. Suot niya parin ang isang itim na damit bilang pahiwatig ng kaniyang pagluluksa.

Bahagyang huminto ang sasakyan at hudyat Ito na narating niya na ang magiging bago niyang tahanan. Bumukas ang tarangkahan na gawa sa metal at nang pumasok siya sa loob ay bumungad sa kaniya ang malawak na parang na may lawa.

Namangha siya sa kalinisan sa paligid at mas nasabik ang kaniyang mga mata sa kastilyong kulay asul na nasa gitna ng nagagandahang hardin.

Huminto ang sasakyan sa bukana ng kastilyo at hindi siya nag-aksaya ng panahon na manatili pa doon. Lumabas siya ng sasakyan at walang pasabing naglakad papasok sa loob na hindi alintana ang mga katulong sa kaniyang paligid.

Huminto siya sa paglalakad nang marating niya ang bulwagan. Isang matipuno na may kaakit-akit na mukha ang sumalubong sa kaniya subalit walang ngiti na masisilayan sa labi nito.

Deep set of grey-green eyes, pointed nose, inverted triangle jaw shape that is perfect with his side parted hair. A handsome man with a cold gaze and fierce face. Hindi niya napigilan ang sarili na mamangha sa binatang kaharap.

"Mira," He said flatly while staring on her.

"Vale," Pabalik niyang turan sa binata at agarang iniwasan ang paningin nito. Gusto niyang kutusan ang sarili at namangha siya sa kaguwapuhan nito samantalang hindi naman sila magkasundo noong mga bata pa sila.

It's already in the past Mira, you're an adult now.

"Welcome to my Chateau,"

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito, hindi siya makapaniwala na tinatanggap siya nito kahit na hindi naman sila magkadugo. Marahil naroon siya dahil pinagbabakasyon siya ng kaniyang tiyo subalit hindi niya inaasahan na tatangapin siya ni Vale.

"You really don't need to act nice because I know I'm not welcome."

She needs to be blunt. Ayaw niyang umasa na may lugar siya sa tahanan nito. Kung hindi siya pinilit ng Tiyo ay hindi siya mapipilitan na magtungo sa bahay ng Castellini.

"Stop acting like a brat, we're not kids anymore."

"I'm not a brat!"

"You're acting one." He scoffed,

Tila umusok ang kaniyang ilong at uminit ang kaniyang ulo sa narinig. Gustuhin niya mang gantihan ito subalit may pumipigil sa kaniyang gawin 'yon.

"This is a mistake." Bulong niya na lamang sa hangin at inikot ang kaniyang paningin sa bulwagan.

"You'll stay here for three mont-"

"One month," Putol niya sa sasabihin ng binata.

"Isang buwan lang pagkatapos aalis na ako. I want to continue my studies so I have to go back." Tumango naman ito sa kaniya na tila pumapayag ito sa kagustuhan niya.

"That's a relief,"

Ngumiwi siya sa itinuran nito, alam niyang pinapakisamahan lamang siya ng binata dahil sa pakiusap 'yon ng kaniyang Tiyo. Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila at itinuring na siyang anak ng Ama ni Vale kaya naman hindi na siya bago para sa pamilya Castellini.

Ngayong wala na ang kaniyang Ama, tanging ang Castellini lamang ang kaniyang masasandalan. Wala siyang malapit na kamag-anak at wala siyang ibang mapupuntahan.

Marahas ang naging pagbuntong hininga niya nang makarating siya sa silid na kaniyang tutuluyan. Isang four-poster bed na kulay lila, dalawang malaking cabinet sa gilid nito. May sala set sa paanan ng kama at balkonahe.

Pagkatapos niyang ayusin ang kagamitan ay muli siyang bumaba at nagpakilala naman sa kaniya ang mga katulong na maninilbihan sa kaniya.

NAGING maayos naman ang pananatili niya sa kastilyo sa loob ng tatlong araw na nanunuluyan siya sa Castellini. Hindi niya madalas makita si Vale dahil abala ito sa pagpapalago sa negosyo at katahimikan 'yon para sa kaniya.

May ngiti siyang humiga sa malambot na kama at nahimbing sa pagkakatulog. Hating gabi na nang naalimpungatan siya sa narinig na putok ng baril. Tatlong sunod-sunod na putok ang kaniyang narinig kaya agaran siyang bumangon at sumilip sa balkonahe.

Napahawi siya sa kaniyang buhok at napayakap sa kaniyang sarili nang umihip ang malamig na hangin. May naririnig siyang hinaing ng isang taong humihingi ng tulong subalit hindi niya ito makita ng maayos dahil madilim sa paligid.

May naaaninag siyang bulto ng mga tao at sa tindig nito ay natitiyak niyang si Vale ang lalaking nakasuot ng pulang kamiseta.

"Vale is that you? What the hell is that noise?" Sumigaw siya mula sa balkonahe at napalingon sa kaniya ang mga taong naro'n.

Sinubukan niyang dumungaw sa balkonahe subalit sa isang kurap ng kaniyang mga mata ay may nilalang na nagpakita sa kaniya, naka-apak ito sa ibabaw ng rehas ng balkonahe, may mantsa ng dugo sa mukha at damit. Tila tumalon ito mula sa ibaba patungo sa kaniyang balkonahe.

Hindi siya naka-imik at nanatiling nakapako ang kaniyang mga mata sa lalaking nasa kaniyang harapan. Napakurap siya ng ilang beses at napatitig sa maamo at guwapong mukha na nasa kaniyang harapan.

"What the hell Vale! You scared me!" Nilapitan niya ito at hinila paalis sa ibabaw ng rehas ng balkonahe. Sinilip niya ang layo nito mula sa ibaba at halos manghina siya nang mabatid ang pagitan ng balkonahe at nang lupa.

"Are you crazy? How could you? Paano mo nagawang tumalon papunta rito? It's 20 ft above high." Napapailing niyang turan at may inis na nilingon ang binata.

"It's not a nice joke, you're so cra-"

Nahugot niya ang sariling hininga nang maramdaman ang tungki ng ilong nang binata sa kaniyang mukha. Kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib at napatitig siya sa mapupula nitong labi na may bakas pa ng dugo.

Naitulak niya ito ng malakas nang amoyin siya nito kasabay ng paghagod sa kaniyang katawan.

"What the hell Vale! What's wrong with you!" Niyakap niya ang sarili at sumandal siya sa rehas ng balkonahe. Sinamaan niya ng tingin ang binata subalit tila wala itong epekto dahil walang kabuhay-buhay ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.

"This is absurd,"

Iniwasan niya ito at pumasok sa loob subalit natigilan siya sa paghakbang nang yakapin siya nito mula sa likuran. Nanindig ang kaniyang mga balahibo nang amoyin nito ang kaniyang leeg, kinalas niya ang mga kamay nito at malakas na sinampal ang pagmumukha ng binata.

"What the hell Vale! Anong nangyayari sa'yo? Ang bastos mo!"

Umatras siya habang sapo-sapo ang kaniyang leeg. Masamang tingin ang kaniyang ipinukol dito.

Bumukas naman ang pinto ng kaniyang kwarto at pumasok sa loob ang binatang hindi niya inaasahan at inakalang nasa kaniyang harapan.

"Mira?" Halata sa mukha nito ang pagkabalisa habang nakatitig sa kaniya.

Kumunot naman ang kaniyang noo at nilingon ang lalaking sinampal niya. Napaatras siya ng wala sa sarili nang mapagtanto niyang magka-ibang tao na may iisang mukha ang nasa kaniyang harapan.

"I'm home, Vale." Turan ng binata habang pinapahid nito ang dugo na nasa gilid ng labi.

"Vein," Kumuyom naman ang mga kamay ni Vale habang may matalim na titig para sa binatang kaharap.

Umawang ang kaniyang labi at papalit-palit ang tingin sa dalawang binata na nasa kaniyang harapan.

"W-what the hell? D-dalawa kayo.. I mean may kakambal ka Vale?" Binalingan niya si Vale na halatang natigilan sa pagsasalita niya.

                         •|Clove_Verry|•            

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon