Chapter 20: Words With You

8 0 0
                                    

MASAMA pa rin ang loob niya sa Asawa kaya hindi niya ito pinansin at bumalik siya sa pagkakahiga. Nagtalukbong siya ng kumot at pumikit subalit sa isang iglap ay wala na siyang kumot na hawak at nasa ibabaw niya na si Vein.

"Are you okay?"

Hinaplos nito ang pisngi niya na nagpa-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi niya kayang titigan ang Asawa.

"I'm fine, It doesn't hurt that much, he's just a brat, spoiled, arrogant teen." Tumagilid siya para maiwasan ang Asawa. Umupo naman si Vein ng maayos sa gilid ng kama at hinawakan siya sa braso.

"I won't let that kid slip away. He deserves to know his place in my territory." Hinalikan siya ni Vein sa balikat at noo.

"Anong gagawin mo? Papatayin mo siya?"

"No, that's too fast and simple. I am more satisfied with torture."

Nagpantig sa tainga niya ang sinabi ng Asawa. Bumangon siya at umupo sa kama. Hinampas niya ito sa braso subalit palad niya lamang ang nasaktan.

"Kasalanan mo 'to! May pasabi-sabi ka pang 'di ka nag-eexist! Sobrang yaman mo pa lang bampira ka!" She's not mad, naiinis lang siya dahil sa mga nakakawindang nitong sekreto.

"Yes it's my fault but still, that kid slap your butt."

"You also spanked my butt. Should I torture your hands?"

Napakurap si Vein sa sinabi niya. Natigilan naman siya at nakaramdam ng hiya. Hindi niya na dapat 'yon sinabi.

"It's a different story Cara mia."

"Whatever Vein, just forgive that kid and banned him. That's enough, you don't have to go further than that. Lahat ng tao nagkakamali. They also deserve a second chance."

"You told me that you'll love me even if I was the deadliest creature in this world. I am that dreadful Vampire Cara mia, still holding onto your words."

Hindi siya naka-imik sa sinabi ni Vein. Totoo ang sinabi niyang 'yon subalit hindi niya alam kung makakaya niyang panindigan. This is what she wants. Pasukin ang mundong ginagalawan ng Asawa at panindigan ang mga salitang binitawan niya kahit ikawasak niya pa ito.

It also means to bear the bloodthirst of her husband.

"What if that kid was your son and he harassed another woman. Will you torture your own child?" Direktang tanong niya kay Vein nang harapin niya itong muli.

"Definitely not but I'm not going to tolerate his mistakes. He will pay the consequences even if it cost his life. Pero bago mangyari ang lahat ng 'yon sisiguraduhin ko munang napalaki ko siya ng maayos, na hindi ako magkukulang sa kaniya bilang ama. Tuturuan ko siya sa mga bagay na dapat niyang matutunan sa mundong ito. Mawalan man siya ng konsiyensya para sa ibang tao subalit hindi ang pagrespeto. Kung magkamali pa rin siya sa kabila ng lahat hindi ko na pagkukulang 'yon. It's his choice and he must pay the consequences."

"And if he's a Vampire... He deserves the love of a father that I never had. I will raise him well without a bloodstain in his hands." Tapat na pahayag ni Vein na nagpalambot sa puso niya.

"Huwag mong gawing batas ang mga kamay mo. That kid deserves to live. Stop turning yourself into a monster."

"A monster always protect his precious treasure. He can kill mercilessly just to keep it safe and unharmed. Hindi niya rin hinahayaan na mahawakan ng iba ang pag-aari niya dahil nagiging mabangis siyang halimaw."

Tinitigan niya ang mga mata ni Vein, nakikita niya ang sariling repleksyon sa kailaliman ng mga mata nito. 

"I regretted letting you off without me, I'm sorry. I'm just rushing to finished all the bereft papers. Those important papers that Bastein couldn't handle." Pinagtagpo ni Vein ang kanilang noo at hinalikan siya nito ng mabilis sa labi.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon