Chapter 30: Frozen Bloodline

10 1 0
                                    

MATIIM niyang tinitingnan ang Asawa mula sa mahimbing ng pagkakatulog nito. Sa kabila ng lahat na nalaman niya tungkol sa Asawa ay naroon pa rin siya, takot na takot na mawala ito sa kaniya.

Mahal na mahal niya ito na sa sobrang pagmamahal niya ay wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na ang pagkatao niya ay isang instrumento lamang para sa kinabukasang hindi pa nila nasusumpungan.

Gusto niyang magalit sa taong may dahilan ng lahat subalit hindi niya kayang kamuhian ang magulang ng babaeng minamahal.

Ayaw niyang matulad ito sa kaniya, minsan niya ng kinuha ang mahalagang tao sa buhay nito, hindi sa ikalawang pagkakataon.

Kahit na mabigat sa kalooban niya ay nagtungo pa rin siya sa silid kung saan naghihintay ang kaibigan niyang si Kadmir. Bumungad sa kaniya ang dalawang royal guards sa pinto at sa pagkakataong 'yon ay nakaramdam siya ng kakaiba.

Hindi siya nagkamali ng inaakala nang bumukas ang pinto at sa pagpasok niya ay isang babaeng bampira na katangi-tanging pagkanilalang.

Wala si Kadmir sa loob ng silid na 'yon. Niloko ba siya ni Malcolm? Hindi niya masasagot ang katanungang 'yon maliban na lamang sa babaeng nasa kaniyang harapan, ang nakakaalam ng lahat.

"Vale Zarce De Cartejo Castellini or should I call you Vein, we meet again young man." Yumuko siya ng bahagya sa babaeng nasa kaniyang harapan.

"Cut it off, I'm your Shadow."

Ngumiti sa kaniya ang Babaeng bampira at ibinaba nito ang hawak na kupita.

"Do you still hate me?" Maamo nitong tanong sa kaniya na nagpakuyom sa kaniyang mga kamay.

"You know that I could kill you whenever I want." Nanatili siyang nakatayo sa harap nito subalit tumalikod naman sa kaniya ang babae.

"What stops you from killing me?"

Pumikit siya at pinakalma ang sarili, hindi siya maaaring mawalan ng kontrol sa sarili. Isang mahalagang babae ang nasa kaniyang harapan at ayaw niyang masira ang buhay na mayroon siya sa kasalukuyan.

"I need to know the truth."

"What truth you really seek to know?"

Muli itong humarap sa kaniya na may nangungusap na mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit napakaamo nito sa kaniya na parang wala itong ginawang kasamaan.

"Why did you turned me into a Vampire while I'm in my mother's womb, alive." Naglaho ang ngiti ng babae sa kaniyang labi at bumaba sa sahig ang paningin nito bago umiwas ng tingin.

"I told you already, I did that to cursed your father."

"Then why did you give the Royal ability to me? Why do I have to bear these abilities which meant only for Royal blooded?" Marahang natawa ang Babae sa kaniya. Muli itong humarap na may ngiti sa labi.

"Not all Royals possessed your abilities young man, it's a gift from me that this Clan will need in the future." Muli nitong sagot na mas nagpalito sa kaniyang isipan.

"Why me? Bakit kailangan ako pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit ako pa!"

"Because my eyes choose you! Pinili ka ng mga mata ko. The heaven knows I don't want to hurt anyone but it needs to be done."

"You ruined my family," Giit niyang pahayag sa Babae na nagpapikit rito at isang butil ng luha ang dumaloy sa pisngi nito.

"You're still lucky to have a mother by your side, a father who's willing to lose his pride for the sake of his son. A brother who's willing to bear everything for your sake. You're lucky to have them." Nakita niya ang pagkuyom ng kamay nito bago ito tumalikod sa kaniya at lumapit sa glasswall.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon