Warning: Mature Content Ahead...
Read at your own risk.
TAHIMIK siyang naka-upo sa kaniyang opisina at tinitingnan ang mga papel na kailangan niyang asikasuhin. Subalit anong titig at pagbasa ang gawin niya sa mga ito ay hindi maalis sa isipan niya ang mga nalaman sa nakaraang araw.
Exterminate the Elixir Project
Tandang-tanda niya ang mga salitang 'yon na natanggap mula sa sariling Ama. Hindi niya alam kung bakit ganon na lamang ang kagustuhan nito na wasakin ang proyektong likha mismo ng inaaniban nitong pangkat.
Kill all the subjects on the List
Natulala siya sa kawalan nang mabasa niya ang pangalan ng matalik na kaibigan ng kaniyang Ama na si Claud Florescante. Nagdalawang-isip siya sa bagay na 'yon subalit kailangan niyang gawin anuman ang iuutos nito sa kaniya.
Because he thought it was for his own good.
Subalit natitiyak niya sa kaniyang sarili na hindi siya ang pinoprotektahan ng kaniyang Ama. May lihim itong itinatago sa mga kasamahan at may kinalaman ang pagkawala ng Elixir sa mismong araw ng pagkamatay ng kaniyang Ina.
The date given by Brianna was enough for him to clarify his assumptions.
Magagawang pumatay ng Elixir ng bampira kung hindi magtatagumpay ang paggamit dito.
Walong vampire subject ang namatay noon sa lab dahil nagkamali sila ng formula.
Naikuyom niya ang mga kamay at nagusot naman ang papel na hawak niya hanggang sa itinapon niya na lamang ito sa basurahan.
Hindi lason ang pumatay sa kaniyang Ina. Hindi siya maaaring magkamali. Vampires don't die because of poison. It's more than a poison.
We have to leave Son,
Don't hate me for doing this, I'm saving your life and your Mother knows that.
She sacrificed herself for your own sake.
Napahilot siya ng sentido habang inaalala ang mga salitang sinabi ng kaniyang Ama. Hindi niya na alam kung dapat pa bang manahimik siya sa usaping pilit niyang iniiwasan.
Ipinagpasalamat niya ang pananahimik nito sa pagpapakasal nila ni Mira. Hindi na Ito nagparamdam sa kaniya subalit natitiyak niyang may binabalak ang mga ito.
Napukaw ang kaniyang atensyon sa katok na narinig mula sa labas ng pinto ng kaniyang opisina. Makalipas lang ang ilang segundo ay bumukas ito.
Napatayo siya sa gulat nang si Raven at Kadmir ang bumungad sa kaniya.
"Do we have a meeting?" Nagtataka niyang tanong sa mga ito dahil sa biglaang pagsugod ng dalawa niyang kaibigan na wala man lang paalala sa kaniya.
"You fucker! Kung sinabihan mo ako ng mas maaga napigilan ko sana si Celestine!" May giit nitong pahayag sa kaniya subalit hindi siya nito sinuntok o anumang pisikal na pananakit na madalas nitong gawin sa taong kinaiinisan.
"You're my friend but I do respect a woman."
"The consequences is coming..." Muli nitong turan bago ito umupo sa visitor's chair sa kaniyang harapan.
"Just tell us directly because I'm going to say something important too." Seryosong pahayag ni Kadmir habang nakatingin kay Raven.
"Something is happening inside the Hunter's Organization." Direktang pahayag ni Raven na hindi niya maintindihan.
"Just tell us exactly what you really mean."
"I received an information that they're moving again. The project Elixir is activated." Muling pahayag ni Raven na nagpa-isip sa kaniya. The information was too sudden,
BINABASA MO ANG
Blood Thirst (Noble Trilogy #1)
Vampire(Mature Content Ahead) l•R18•| Born with a Curse but brings fortune for the family. Vein Zarce Castellini only lives for that reason. He was a half-human half-vampire with uncontrollable bloodthirst. Known as a monster, merciless and ferocious beast...