Chapter 33: Her Bloody Royals

14 0 0
                                    

MASIGLA siyang naglakad papasok sa loob ng kanilang mansiyon at may ngiting binati ang mga katulong. Natulog siya sa buong biyahe kaya may sapat siyang lakas upang gawin ang anumang naisin niya.

"Welcome back Boss Madam!"

Ngumiti siya at kumaway pabalik kay Bastien na kakalabas lang mula sa kusina samantalang dumaan sa kaniyang tagiliran ang mga tauhan na may binubuhat na suitcase.

Mahigit isang linggo siyang nawala sa tahanang 'yon at marami siyang naaalala sa bawat sulok ng bahay nila ni Vein.

"Na-miss ko kayo guys! I miss Chef Jenson's cooked food." Nakangiti niyang pahayag at tumango naman si Chef Jenson na may ngiti sa labi.

"We're happy to have you back Madame."

"She's hungry already," Tumikhim si Vein na kakalapit lamang sa kanila at yumakap sa kaniyang baywang.

"The table is ready Master Z and I also cook as many as I can for Madame." Natuwa siya sa sinabi ni Chef Jenson. Humiwalay siya kay Vein at agarang tinungo ang daan patungo sa dining room.

"Welcome back Boss! Na-miss ka ng bulsa ko."

Nilingon niya ang dalawa na mukhang magkakasingilan na naman dahil sa extra work ni Bastien being In-charge sa kompanya.

"Gusto ng refill,"

Dagdag pang turan ni Bastein na nagpangiwi sa kaniya. Tinalikuran niyang muli ang mga ito at mas pinili na lamang na umupo sa puwesto niyang upuan.

Natakam siya sa mga pagkaing inihain sa kaniya. Hindi siya nagdalawang-isip na kumain kahit na wala pa si Vein sa puwesto nito. Wala siyang pakialam kung marami ang nakatingin sa kaniya, nakangiti naman ang mga ito kaya hindi niya na inisip pa.

Takam na takam siya sa bawat pagkain na nasa kaniyang harapan at napatitig na lamang sa kaniya si Vein habang inilalapit nito ang iba pang putahe na ituturo niya.

Malaki at mahaba ang mesang kinalalagyan nila subalit ang pagkain na naroon ay tila para lamang sa kaniya. Gumuhit na lamang ang ngiti sa labi ni Vein habang pinagmamasdan siyang kumain.

LUMANGHAP siya ng sariwang hangin nang marating niya ang malawak na hardin. Ito na marahil ang pinakapaborito niyang bahagi ng pamamahay ni Vein.

Umupo siya sa gilid ng fountain at ibinaba ang kamay sa tubig. Hinayaan niya ang mga goldfish na lumangoy ng hindi  inaabala. Nanatili lamang siyang naka-upo roon hanggang sa may pares ng sapatos ang tumapat sa kaniyang harapan.

"Did you miss our house?"

"Hmm... Yeah. Mahigit isang linggo din tayong nawala dito."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at yumakap kay Vein nang maglahad ito ng mga kamay. Humiga siya sa dibdib ng Asawa at nilanghap ang nakaka-akit nitong pabango.

"Gusto mo na bang magpahinga Cara mia?"

"I'm resting in your arms already."

"A bed rest Cara Mia."

Nag-angat siya ng tingin kay Vein at agarang umiling. Kumunot ang noo ni Vein sa kaniya subalit sa isang halik sa labi ay napalitan ito ng ngiti.

Nanatili sila ng ilang minuto sa ganoong posisyon habang sumasayaw ng bahagya. Masaya ang mga nagdaang araw sa pagitan nila ni Vein at lubos niya 'yong ipinagpasalamat.

"I hope, we're always peacef-"

"Boss! Madam!"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang sumulpot sa harapan nila si Leon na halatang nabalisa. Naghiwalay kaagad sila ni Vein at tumingin sa binata.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon