Chapter 14: Pain and Pleasure

19 0 0
                                    

TAHIMIK niyang pinagmamasdan ang lahat mula sa ikalawang palapag. Nakatayo siya sa may rehas habang sumisimsim ng alak.

Ramdam pa ng mga palad niya ang mainit nilang pinagsaluhan ng asawa subalit kinailangan niyang iwanan ito dahil sa hindi inaasahang problema.

"Master Zarce, nandito na sila."

Pagbulong ng kaniyang tauhan nang lumapit ito sa kaniya. Inubos niya ang laman ng iniinom na Cabernet Sauvignon at ibinigay sa waiter ang wala ng laman na wine glass.

Sumunod sa kaniya ang mga tauhan hanggang sa nakapasok sila sa loob ng isang elevator na naghatid sa kanila sa ika-apat na palapag.

Bumungad sa kaniya ang malawak na bulwagan na may kulay pulang mga upuan na napapalibutan ng itim na kurtina. Dinaanan nila ang mga ito hanggang sa bumungad sa kaniya ang itim na pinto.

Inilagay niya ng maayos sa strap holder ang kaniyang baril at pumasok sa loob kasama ang dalawa sa kaniyang tauhan.

"Mr. Zarce, it's nice to meet you." Pahayag ng isang lalaki na may katandaan na. Nabaling ang kaniyang atensyon sa dalawang itim na suitcase na nasa lamesa. Ito na marahil ang package na inaasahan nilang dumating.

"Let's proceed in the product."

Walang paligoy-ligoy niyang pahayag nang tumapat siya sa lamesa at umupo sa sofa na nakatiklop ang mga hita. Tumango naman ang matandang lalaki sa kaniya kahit pa napa-ismid ito sa pakikitungo niya.

Binuksan nito ang dalawang suitcase na naglalaman ng kulay pulang pulbura na isang kakaibang droga. Hindi niya pa nasilayan ang ganoong uri ng droga sa buong buhay niya at hindi niya batid kung para saan ito. Biglaan ang negosasyon na ipinagkatiwala ni Xennon sa kaniya.

"This is the newest drug we can offer for the Silhouette Club, exclusively." Pahayag nito na may ngisi sa kaniya.

"This is an aphrodisiac drug powder good for ladies and gentlemen. Unlike the other drugs, this one is more effective. It can also affect a human brain in instant and lastly it's incurable."

Kumunot ang kaniyang noo sa mga sinabi nito. Bakit siya bibintahan ng droga na puwedeng ikabaliw o ikamatay ng customer niya?

"So it's a lethal drug?"

"For humans yes it is but... For the bloody ones, it's not."

Sa isang iglap ay tinalon niya ang lamesa at tinutukan ng baril sa noo ang matanda. Napalunok ito sa kaniyang ginawa at kinabahan habang nakatitig sa baril na hawak niya.

"Give me a valuable reason not to kill you right now."

"I came from the Oasis,"

His eyes sharpened. Bumaba siya sa lamesa at ibinalik ang baril sa kaniyang strap subalit nang tumalikod siya ay hinugot niya itong muli at binaril ang dalawang tao na nasa likuran ng matanda.

Hinipan niya ang baril bago siya humarap sa matanda at prenteng umupo sa sofa. Tila namawis ang noo ng matanda sa nasaksihan at nanginig ang mga kamay nito. Takot ang bumalot sa puso nito sapagkat hindi niya inaasahan na ganito kadelikadong tao ang kaharap niya.

"Check the goods and we'll see how it works." Pahayag niya sa tauhan na agaran siyang sinunod.

Binuksan nito ang isang pakete at inihalo sa alak. May babaeng pumasok sa loob na siyang uminom sa alak at wala pang isang minuto ay tila nauhaw na ito sa lamang pangangailangan.

"This is good Master, I can feel how it flows in my veins. I'm extremely thirsting for a flesh right now." On that cue he stand.

Kinuha ng tauhan niya ang produkto at dinala ito palabas ng silid. "The deal is on Mr. Shire." Ngumiti ang matanda sa naging pahayag niya.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon