HER sights were blurry, wala siyang maaninag na kahit ano subalit alam niyang may nangyayaring masama sa kaniyang paligid.
"Fight Princess, you have to survive!"
"123... Clear!.. raise the volume! Again!"
"Wake up My golden! Please wake up!"
Naririnig niya ang kaniyang ama na balisa at hindi mapakali, galit ito habang pilit na nire-revive ang katawan niya. She tried to call him but there's no voice coming out from her mouth.
"Mira! Wake up Mira! Don't leave me like this!"
"Stop it Claud, wala na tayong magagawa!"
"No! No! No! This can't be!"
"Mira! Anak! Gumising ka Mira!"
Naglaho ang boses sa paligid niya at tuluyang nabalot ng kadiliman ang kaniyang paligid. Umiyak siya ng umiyak subalit walang nakakarinig sa boses niya.
Natigil siya sa pag-iyak nang may maramdaman siyang tumutulo sa kaniyang bibig. Hindi niya matukoy kung ano ito subalit kusa itong pumapasok sa kaniyang bibig at dumadaloy patungo sa kaniyang lalamunan.
"Anak! Anong ginawa mo!"
"Bitawan mo si Mira! Anak! Pakawalan mo si Mira!"
"Claud! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!"
"Laurence! Kailangang mabuhay ng anak ko!"
"Anak! Bitawan mo Si Mira!"
"No Papa, I'm sharing my blood to her Papa."
"Mira will not Die. My Cara Mia will not die."
BUMALIKWAS siya ng bangon at napahawak sa kaniyang leeg. Tila natuyo ang kaniyang lalamunan kaya bumaba siya sa kama at kumuha ng tubig na nasa coffee table.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang hinihimas ang kaniyang noo. Hindi niya mawari kung anong klaseng panaginip 'yon. Wala siyang alaala na ganon. It was really weird to dream something like that.
Subalit nalungkot siya nang maalala niya ang kaniyang Ama. Naalala niya kung paano siya nito alagaan habang nasa paralyzed state siya sa loob ng isang taon.
Her tears begun to fall from her eyes. Akala niya ay nakamove on na siya sa biglaang pagkamatay ng Ama subalit hindi pa pala. The pain still consumed her heart. Napakahirap nitong kalimutan lalo na't ito lamang ang mayroon siya.
Pinunasan niya ka-agad ang mukha at muling tumayo para pumunta sa banyo. Ibinabad niya ang sarili sa bathtub at wala sa sariling tumingala sa kisame.
Her dream feels surreal. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang totoo ito na hindi. He also heard Vein's voice calling her Cara Mia pero impossible 'yon kasi hindi niya naman nakilala ang binata noon.
Tanging ang masungit na Vale lang ang nakilala niya.
Marahas siyang bumuntong hininga at tiningnan ang sarili sa salamin. Tinitigan niya ang sarili at muling sumariwa sa kaniyang isipan ang tagpo nila ng binata sa lumipas na gabi.
Uminit ang kaniyang pisngi sa naalala, napahawak siya sa kaniyang dibdib at muling isinuot ang roba. Tila mababaliw na siya sa kakaisip tungkol sa binata.
Nilibang niya ang sarili sa pamamasyal sa paligid ng lawa. Nang mapagod siya sa paglalakad ay umupo siya sa malambot na damo at pinagmasdan ang mga sisne na lumalangoy sa tubig.
Maaliwalas ang paligid subalit hindi gaanong mainit, sapat lang ang temperatura ng lugar upang manatili siya roon. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
BINABASA MO ANG
Blood Thirst (Noble Trilogy #1)
Vampire(Mature Content Ahead) l•R18•| Born with a Curse but brings fortune for the family. Vein Zarce Castellini only lives for that reason. He was a half-human half-vampire with uncontrollable bloodthirst. Known as a monster, merciless and ferocious beast...