Chapter 09: Insufferable Hearts

18 0 0
                                    

NANATILI siyang nakatayo habang nakatitig kay Vale. Nagulat siya ng husto sa sinabi nito subalit gusto niyang malaman ang totoo mula sa bibig ni Vein.

"He's a Vampire... Mira."

Umiwas siya ng tingin nang pumatak ang namuo niyang luha mula sa mga mata. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ni Vale subalit nakita niya ang mapupulang mata ni Vein.

"Just tell me where he is... Please..." Pakiusap niya sa binata na nagpatungo dito. Hindi siya maniniwala hangga't hindi si Vein ang magsasabi sa kaniya.

"Vale.. nasan si Vein?"

"Hindi ka ba natatakot sa kaniya?... You saw how cruel he is for hurting this woman beside us. Bakit hinahanap mo pa din siya?" Pasigaw ng tanong ni Vale sa kaniya. Alam niyang galit na ito subalit wala na siyang pakialam sa ibang bagay, gusto niyang makita ang binata.

"Because I'm his Cara mia and I still believe that I'm.. still his Cara mia." Vale pursed his lips as he look at her.

"He's in the sepulcher, at the back of this castle..."

Nang marinig niya ang sinabi ni Vale ay hindi siya nagdalawang isip na tumakbo papunta doon. Alam niya ang kinaroroonan nito dahil itinuro ni Vale sa kaniya 'yon. Ang libingan ng namayang si Leonora De Cartejo, ang ina ng kambal.

Humampas ang malamig na hangin sa kaniyang buhok nang makalabas siya sa kastilyo at binaybay na ang may kadilimang gubat. Bakit ba kasi nakalimutan niyang magdala ng pang-ilaw.

Pinakiramdaman niya na lamang ang paligid hanggang sa bumungad sa kaniya ang maliit na bahay na gawa sa bato at may dalawang pabilog na poste sa harapan.

Huminga siya ng malalim bago nagdesisyon na pumasok sa loob at isinara ng maayos ang pinto. Nang humarap siya sa loob ay nakita niya ang binata na nakatayo sa harap ng isang altar na may garapon.

Napatitig siya sa larawan na nakasabit, umawang ang kaniyang labi habang nakatingin sa magandang mukha ng Ina ng kambal.  Bumaba ang paningin niya sa binatang hindi man lang kumilos kahit ramdam niyang alam nito na naroon siya.

"Vein..." She once called him in a soft voice.

"Leave me alone Mira." Hindi niya inaasahan na pati sa kaniya ay magiging malamig ito.

"Pero Vein.. gusto kong malaman ang totoo.. b-bampi-" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang sumulpot bigla sa harapan niya ang binata at sa isang iglap ay nakasampa na siya sa malapad at pahabang sementong bato na nasa harapan ng altar.

Napatitig siya sa mapulang mga mata ng binata kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Natitiyak niyang hindi takot ang nararamdaman niya kundi ang kaniyang natural na pakiramdam sa tuwing malapit ang binata.

"I am... a Vampire..."

Bumaba ang paningin niya sa binata nang maglabas ito ng mahahabang pangil. Napansinghap siya sa sandaling natitigan niya ito. Muli siyang nag-angat ng tingin sa binata at sinapo ang mukha nito.

"Ito ba a-ang dahilan k-kung b-bakit iniwan mo 'ko?" Lumayo ng kaunti sa kaniya si Vein at inalis ang mga kamay niya mula sa pisngi nito.

"I'll give you twenty seconds to run away from me before I decide to bite your neck and suck your blood until your strength was drained." Diretsong pahayag ng binata sa kaniya na mas nagpakirot sa puso niya.

"Y-you'll n-never d-"

"Thirst makes me lose my sanity and I'm telling you Mira... I can kill you at this rate so leave."

"Y-you're th-thirsty?"

"Very... Very thirsty. "

She cleared her throat when he stared intently to her body. Pinasadahan siya ng tingin ni Vein mula sa mga paa hanggang sa tumitig ito sa leeg niya na naka-awang ang labi.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon