TAHIMIK siyang nakatayo sa gilid ng rehas at pinapanood ang mga nagsasayawan sa dance floor. Nakatayo naman si Leon at Rowan sa hindi kalayuan sa kaniya at pinagmamasdan siyang kumilos.
Umalis siya sa lounge dahil ginusto niyang mapag-isa. Nahihirapan siyang makisama sa mga binata dahil nag-iinuman ang mga ito at bawal ang alak sa kaniya maliban na lamang sa red wine na sinisimsim niya.
Walang pinagka-iba ang club na 'yon sa Silhouette Club maliban na lamang sa impormasyon na alam niya na mga bampira ang naroon.
Nang mangalay ang mga paa niya sa kakatayo ay nagdesisyon siyang umupo sa pinakamalapit na table. Muli siyang nagsalin ng red wine sa wine glass at sumimsim ng paunti-unti.
Saglit siyang natigilan sa pag-inom nang may grupo ng mga babae ang umupo sa couch at ang dalawa pa ay tumabi sa kaniya.
"I hate to say this but,"
Napatitig siya sa daliri ng babae nang humaba ang mga kuko nito at pinalandas sa pisngi niya. Masungit ang mukha nitong nakatingin sa kaniya at halatang may galit sa mga mata.
"You're just a slut with a new face crawling for our boys attention." Tumaas ang sulok ng kilay niya sa narinig. Hindi niya inaasahan na agresibo ang mga babaeng tinutukoy ni Castro pero sinong Prinsipe naman kaya ang nagugustuhan ng babaeng nananakot sa kaniya.
"If I were you, I'll stay away from him. You don't know wh-"
"Get off your hands with the Madam. You're not permitted to touch a single strand of her hair."
Pareho silang napasinghap nang may baril na sumulpot sa harapan. Agarang bumitaw sa kaniya ang babae at tumayo habang nakatitig sa revolver.
Umayos siya ng upo at tumindig din ng tayo si Rowan at ibinalik ang baril sa strap bago umalis na parang walang nangyari. Ngumiwi siya sa ginawa ng tauhan niya subalit inaasahan niya ng poprotektahan siya ng mga ito.
"What the hell?"
"You have body guards inside the club?"
"She's a Vip,"
"Of course she's a Vip because she flirted our Royal Prince!"
Napasuklay siya ng buhok at bahagyang tinakpan ang tainga dahil sa ingay ng apat na babaeng nasa harapan niya.
"What do you want from me Miss?" Magalang niyang tanong sa babaeng bampira. Hangga't maaari ay gusto niyang maging mabait dahil Asawa niya ang may-ari ng Club.
"Stay away from our boys especially from Prince Malcolm."
"You're not a noble nor an Elite so you don't belong in our social circle. You're just a middle class bitch who fucks for money."
She was insulted and being embarrassed by the lady infront of her. Hindi niya inaasahan na ganito kagaspang ang mga ugali ng babaeng bampira.
"I'm sorry,"
Tanging sagot niya sa mga ito bago siya tumayo upang iwasan ang mas malaking gulo.
"Just leave this club, will you? You don't even belong in this place." Tiningnan siya ng mga ito mula paa hanggang ulo. Napailing na lamang siya at hindi niya inaasahan ang mga ugali nito.
Pinagbulungan na siya ng ibang bampira na nasa paligid at pinapanood ang nangyayari. Mukhang mga kilalang bampira ang lumapit sa kaniya at may kapit sa club dahil sa lakas ng loob ng mga ito na palayasin siya.
"Don't leave Miss, She's not yet the owner of this club to cast you out."
Natigilan siya sa paghakbang dahil sa babaeng naka-skater dress na humarang sa daraanan niya. Naka black bondage boots ito at may matapang na mukha.
BINABASA MO ANG
Blood Thirst (Noble Trilogy #1)
Vampire(Mature Content Ahead) l•R18•| Born with a Curse but brings fortune for the family. Vein Zarce Castellini only lives for that reason. He was a half-human half-vampire with uncontrollable bloodthirst. Known as a monster, merciless and ferocious beast...