Chapter 12: First Taste, First Bite

19 1 0
                                    

Warning: Mature Content Ahead.

Read at your own risk...

INIKOT ni Mira ang paningin sa isang malawak na silid na magiging kuwarto nilang mag-asawa. Hindi siya makapaniwala na sa isang master's bedroom sila nanunuluyan matapos nilang gulatin ang lahat sa Hacienda De Cartejo na kasal na sila ni Vein.

Walang tumutol subalit marami ang hindi makapaniwala sa kanilang naging desisyon. Napangiti na lamang siya nang matapos na ang mga katulong sa pagsasa-ayos ng kanilang kagamitan.

"Maayos na po ang lahat Ma'am Mira."

"Makakaalis na kayo." Payak niyang sagot sa mga katulong na may ngiting umalis sa kaniyang harapan.

Tinungo niya ang banyo upang maglinis ng katawan, ihahanda niya ang kaniyang sarili sa unang gabi nila ng asawa. Namumula ang kaniyang pisngi sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan ang guwapong mukha ng asawa.

Hindi na siya makapaghintay na makita ito.

Pagkatapos niyang mag-ayos sa sarili ay lumabas na siya ng banyo at isinuot ang pinakamaganda at nakaka-akit niyang kasuotang pang tulog.

Tamang-tama naman ang pagkakataon dahil bumukas ang pinto at iniluwa nito si Vein. Natigilan siya sa sandaling nagtama ang kanilang paningin. Lumawak ang ngiti sa labi ng asawa na nagpalunok sa kaniya.

"Let's go?" Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito, bumaling siya sa kama at pagkatapos ay muling tumingin sa binata.

"Saan tayo pupunta?" She asked nervously,

Hindi siya sinagot ni Vein bagkus ay hinawakan siya sa kamay at marahang hinila palabas ng silid. Ibinalot nito sa kaniya ang pulang suit at naglakad sila palabas ng kastilyo.

"Vein..."

"I will introduce you to Mama, properly." Napalunok siya sa naging sagot ng asawa. Binuhat siya nito at walang kahirap-hirap na tinakbo ang pagitan ng kastilyo at ng libingan na may kalapitan lamang subalit nasa loob ng kakahuyan.

Marahan siyang ibinaba ni Vein nang marating nila ang sepulcher. Tiningnan nila ito ng may malamlam na mga mata bago sila nagdesisyon na pumasok sa loob.

Nagsindi ng kandila si Vein at inilagay ito sa bawat gilid ng altar. Muling tumingin si Mira sa kinalalagyan ng larawan na ngayo'y may takip na pulang tela.

"Before she died, she wished for me to find a woman who'll accept me for who I am." Panimula ni Vein nang harapin siya nito at iginiya patungo sa harap ng malapad na bato sa kanilang harapan.

"Mama, she's infront of you now."

Hinawakan ni Vein ang mga balikat niya at iniharap siya ng maayos sa altar. Lihim siyang napangiti sapagkat natatandaan niya pa ang mga sinabi niya noong iwan siya ni Vein sa mismong altar.

"I made a promised to find her, to treasure her, to give her half of my life. But I became a bastard, I hurt her, I made her cry, I pushed her away. I'm sorry Mama if I did that, I'm sorry for having this fear for her life." Niyakap siya ni Vein ng mahigpit mula sa likuran.

"Your Mama understand that my moonlight. Sa tingin ko naman ay masaya na siya na makita tayong ganito." Nilingon niya si Vein, sapat lang na magtagpo ang kanilang mukha.

"Cara mia."

"I already confessed to Mama Leonara before, sinabi ko sa kaniya kung gaano kita kamahal. How grateful I am that you came into my life." Kumalas siya sa pagkakayakap ni Vein sa kaniya at tapatan niya itong hinarap na may ngiti sa kaniyang mga labi.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon