Chapter 19: Expensive Encounter

8 0 0
                                    

TAHIMIK siyang nakatitig sa harap ng fountain, pinapanood ang mga isdang lumalangoy sa ilalim ng tubig. Bumuntong hininga siya at umupo sa gilid nito. Hindi niya magawang sumaya kahit maganda naman ang nakikita niya.

Ginusto niya namang parusahan ang Asawa sa paglilihim nito subalit hindi niya inaasahang mas masasaktan siya sa naging desisyon.

Limang araw na ang lumipas at ramdam niya ang malaking pagbabago sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa parusa niya o marahil dahil nagtatampo talaga si Vein sa naging sagutan nila?

He's sweet, gentle and caring. Pero ramdam niyang may nagbago, mabilis lang ang paghalik nito at palagian kung umalis. Tila dumistansiya ang Asawa niya mula sa kaniya. He's not that intimate anymore and she hates it.

Mababaliw na siya sa kakaisip kung tama pa ba na magpatuloy ang ganoong relasyon subalit hindi niya tiyak ang dahilan. Baka nagkamali lang siya ng intindi sa mga pangyayari. Marahil marami talagang ginagawa ang Asawa.

Kung noon ay tuwing gabi niya lang ito nakikita, sa pagkakataong ito naman ay nasa bahay ang Asawa subalit nagkukulong ito sa opisina at hindi gustong maabala.

"Rowan... Puwede ba akong lumabas? Hindi naman siguro magagalit si Vein kung gusto kong mamasyal at magshopping?" Hinarap niya ang binatang tauhan na naatasang magbantay sa kaniya.

"Saan niyo po gustong pumunta Madam?"

"Shopping Mall? Or Boutiques? Tour me around, mukhang hindi naman sasama si Vein dahil may trabaho siya."

Tumango ito sa kaniya at nagpaalam na kukuha ng sasakyan. Bumalik naman siya sa kuwarto at nagpalit ng tea layered dress na kulay cream at gano'n din ang kulay ng kitten shoes.

Napatitig siya sa credit card na ibinigay ni Vein sa kaniya. A devilish smile appeared on her lips before closing the wallet and hide it inside her mini bag.

Naglakad na siya patungo sa entrance. Her smile faded when she saw three white expensive cars and her husband's men standing beside them.

"W-what the hell is this?"

Naglakad siya patungo sa gitnang kotse kung saan nakatayo si Rowan. Nakangiti ito sa kaniya at pinagbuksan siya ng pinto ng backseat.

"Boss will never let you out without security Madam. Please come in," She rolled her eyes before going inside.

Paano siya makakapagsaya kung sampung bodyguard ang kasama niya? Gusto niya lang naman lumabas para makahinga ng sariwang hangin ng Italy. Tila mas magiging kumplikado ang lahat at tiyak na agaw-pansin ang mga tauhan ng Asawa.

"I'm not asking for this," Naiinis niyang bulong sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana.

Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili habang nasa biyahe sila, nilibang niya na lamang ang mga mata sa magagandang tanawin sa paligid.

"Kilala si Boss dito bilang si Mr. Z Madam. Maraming nakakakilala sa kaniya pero dalawa lang ang kaibigan niya, si Boss Raven at Kadmir lang." Tumango siya sa naging pahayag ni Rowan sa kaniya.

"Mas mabuting huwag niyo na lang pansinin ang magtatangkang lumapit sa'tin Madam, karamihan kasi sa kanila ay kaaway ni Boss." Tumaas ang sulok ng kilay niya sa nalaman.

Marami palang kaaway si Vein? Hindi na bago 'yon dahil sa pagiging Gang boss nito. Iniisip niya pa lang kung gaano karami ay napapangiwi na siya.

"Saan niyo ba ako dadalhin?"

"Sa isang exclusive brand mall for S-Class and Vips Madam. " Umawang ang kaniyang labi sa naging sagot ni Rowan. Hindi niya alam na may nag-eexist na ganoong mall.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon