LIHIM siyang nakangiti habang nakatitig sa Ultrasound na nasa kamay niya. She's already a month pregnant but her baby bump seems two and a half months already.
Hindi niya namamalayan ang paglaki nito dahil hindi 'yon normal na pagbubuntis. Natulog lamang siya sa buong gabi at sa pagising niya ay malaki na ang tiyan niya. It grow fast especially at night.
Ibinalik niya sa loob ng sobre ang ultrasound at itinuon ang kaniyang atensyon sa labas ng bintana.
Apat na araw na ang nakalipas mula noong malaman niya ang lahat at panay pangungumbinsi sa kaniya si Malcolm na iwan niya na ang Asawa subalit hindi 'yon madali para sa kaniya.
She's in pain, hatred, madness or whatever it is but it doesn't mean she'll ruin her marriage. Sukdulan ang galit niya para sa Asawa subalit walang hanggan ang pagmamahal niya para rito.
Higit sa lahat ay mas inaalala niya ang sanggol na nasa sinapupunan niya. Asawa niya man ang pumatay sa Ama niya subalit nananatili ang katotohanan na ito pa rin ang Ama ng sanggol na dinadala niya.
Sobrang nasasaktan siya sa katotohanang 'yon subalit hindi niya na mababago ang lahat. Baka dumating din ang araw na iiwanan niya ito subalit gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung bakit pinatay ni Vein ang kaniyang Ama.
She will trade her pregnancy for that information. Kailangan niyang paaminin ang Asawa sa ginawa nito dahil hindi niya matanggap na walang pusong mamamatay tao ang lalaking minamahal niya.
There must be a reason for his crimes.
Alam niya sa sarili na hindi basta-basta papatay si Vein ng walang dahilan. Maybe one of the main reason was her father was a scientist working under the Elixir Project. May punto rin ang sinabi ni Malcolm na naging malaya sila nang mawalan ng pag-asa ang hunters tungkol sa pagbuo ng Elixir.
Gusto niyang isipin na naipit lang si Vein sa dalawang sitwasyon dahil sa pagiging bampira nito at dahil Ama rin nito si Tito Laurence niya na isa ring Vampire Hunter.
"We're heading to the Prime Building, Madam."
"Just drive safely Leon."
His men always been formal and sometimes casual. Hindi naman siguro masama kung magtanong siya sa mga ito.
"Can anyone share a story? I want to know how you end up serving Vein."
"Uhm... It's not a good story Madam." Si Rowan na ang sumagot sa kaniya. Nabaling ang kaniyang atensyon sa binata at tumango siya rito bilang pagsang-ayon. Gusto niya pa ring marinig ang kuwento nito.
"I'm just twelve when I meet him inside the orphanage. It looks good in the outside but in the inside, we're being ruled by syndicate."
Natahimik siya sa narinig mula kay Rowan. Hindi niya 'yon inakala na mararanasan ni Vein dahil ang Dad niya ang gumabay sa Asawa noong nanirahan ito sa kanila.
"We pack the drugs, sell them on the streets, sometimes we ask for Alms, we steal things and lastly we put an act to for kidnapping." Umawang ang kaniyang labi at naikuyom niya ang mga kamay.
Naranasan ni Vein 'yon pero paano?
What really happened to him after he left me?
Mas bumigat ang kaniyang nararamdaman at hindi niya na pinagsalita si Rowan. Para siyang sinasakal sa narinig dahil talagang hindi naging maganda ang buhay ng Asawa niya bago nito marating ang karangyaan sa buhay.
"How did he even arrived to that orphanage?"
"Boss Zarce is like a diary with password Madam. You'll never know each chapter of his life without trying to open his sealed lips." May punto si Leon sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Blood Thirst (Noble Trilogy #1)
Vampire(Mature Content Ahead) l•R18•| Born with a Curse but brings fortune for the family. Vein Zarce Castellini only lives for that reason. He was a half-human half-vampire with uncontrollable bloodthirst. Known as a monster, merciless and ferocious beast...