Chapter 29: Peculiar Cravings

10 0 0
                                    

TININGALA niya ang kastilyo kung saan nagsimula ang lahat ng kaguluhan sa kanilang buhay. Sa kabila ng magulong buhay na 'yon ay kasiyahan at pag-ibig ang katumbas na sapat ng dahilan para makuntento siya.

"We'll stay here for awhile because I want to burry Papa next to Mama in the Sepulcher." Naging pahayag ni Vein sa kanila nang makapasok sila sa loob ng kastilyo.

"I'm leaving now, Abby's waiting for me."

Tinapik ni Kadmir ang balikat ni Vein at ngumiti naman ito sa kaniya bago umalis.

"I'm leaving too, I need to talk to Aunt Ruffelia." Seryosong pahayag naman ni Malcolm na ngumiti rin sa kaniya bago naglakad palabas.

"Still calling her in that way?"

"It's hard to accept, I need more words from her. "Muling sagot ni Malcolm sa kaniyang Asawa at kumakaway pa ito habang naglalakad palabas ng pintuan.

Bumaling naman sa kaniya ang Asawa at binuhat siya nitong muli. Hindi na siya umimik at hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Vein. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagluluksa para sa Ama.

"I'm sorry, I'm not emotionally stable right now. Forgive me if I neglected you while we're heading to this place."

Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Wala namang pagkukulang sa kaniya ang Asawa, inalagaan at inalala pa din siya nito kahit na wala ito sa sarili. Sinagot niya na lamang ito ng ngiti at halik sa noo.

"I'm fine Moonlight, you didn't make me feel neglected at all." Ngumiti ng payak si Vein sa kaniya at hinalikan siya ng mabilis sa labi.

Nang marating nila ang kuwarto ay maingat siyang ibinaba ni Vein sa kama at tinungo ang closet nilang dalawa. Pinanood niyang kumilos ang Asawa hanggang sa bumalik ito na may dalang damit.

Tumayo siya at naghubad ng damit. Tinanggap niya ang inabot ni Vein sa kaniya at tinungo niya ang banyo. Ramdam niyang apektado ang Asawa sa pagkamatay ng Ama nito. Alam niya ang ganoong pakiramdam nang mamatay ang kaniyang Ama.

Hindi niya ipipilit ang sarili dahil kusa naman itong babalik sa kaniya kapag naging maayos na ang lahat. Kailangan niya ring isipin ang sarili dahil buntis siya.

NANG lumabas siya sa banyo ay wala na sa kuwarto nila si Vein. Inikot niya ang kaniyang paningin at natigilan siya nang masilayan itong nakatayo sa balkonahe.

Gusto niya itong lapitan subalit hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Wala siyang mahanap na tamang salita upang kausapin ito. Marahil kailangan nitong makapag-isip ng tama. He needs time to think, he needs space from everything.

Nagdesisyon na lamang siyang lumabas at hayaan munang mapag-isa ang Asawa. Sapo-sapo ang kaniyang tiyan nang magtungo siya sa kusina. Naging gawain niya na ang manghalungkat sa Ref ng makakain kaya hindi na siya nag-abalang magpaalam sa katulong.

Natatakam siya sa mga karne, kinuha niya ang isang buong plastik nito at niluto na ayon sa temperatura na ninanais ng kaniyang panlasa.

Naghiwa siya ng gulay at aksidenteng nasugatan ang sariling daliri. Tinungo niya kaagad ang lababo upang hugasan ito subalit saglit siyang natigilan dahil sa humihilom ng kusa ang sugat hanggang sa tuluyang nawala ang bakas ng matalim na kutsilyo.

Napatakip siya ng bibig dahil sa gulat at hindi makapaniwalang tiningnan ang daliri. Muli siyang lumapit sa chopping board at kinuha ang kutsilyo upang sadyain ang pagsugat sa sarili. Ganon na lamang ang pagkabigla niya dahil kusang gumagaling ang kaniyang daliri.

"What the hell Cara mia, why are you hurting yourself!"

Nagpa-igtad siya sa gulat nang marinig na sumigaw ang Asawa na nakatayo sa tapat ng pinto ng kusina. Humakbang kaagad ito patungo sa kaniya at tiningnan ang daliri niya.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon