NANATILING dilat ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa puting kisame. Pagkatapos ibalita sa kaniya ni Janica na ililigtas siya ni Kadmir ay hindi na siya mapalagay sa kakahintay sa pagdating nito.
Natauhan siya nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong hindi niya inaasahan na makikita niya matapos ang mahabang panahon.
"Mira,"
Hindi niya ito pinansin at nanatili siyang nakahiga sa kama. Hindi niya ito kayang pansinin dahil nasasaktan siya na makita ito.
"Please talk to me Mira."
Pakiusap nito sa kaniya nang umupo ang lalaki sa kaniyang tabi at tinangkang hawakan ang kaniyang mga kamay. Bumangon siya sa kama at lumayo sa taong ito.
"I treated you like a father! I trusted you like how my Dad think of you as a brother, but you betrayed Dad! You used me to control Vein! Why Tito Laurence? Why did you do this to us?"
Tumungo ito at pinagsiklop ang mga kamay. Umiwas naman siya ng tingin at baka mawalan siya ng respeto sa lalaking kaharap niya at masaktan niya ito.
Ang tanging respeto na natitira sa puso niya ay ang kilalanin itong Ama ng Asawa niya. 'Yon na lamang ang kaniyang dahilan upang igalang pa rin ito kahit papano.
"I'm sorry Mira, I messed up this time. I didn't mean to end up like this but I can't escape everything now." Hindi siya nakakilos nang yakapin siya nito at hinalikan sa noo.
"Are you happy with Vein?" Muli nitong tanong na hindi niya maintindihan subalit nasasaktan siya.
"I heard from Vale that you're pregnant, my grandchild save you this time. He's Just like his father." Ngumiti ito sa kaniya na mas nagpakirot sa kaniyang puso.
"W-why are you saying this to me Tito?"
"Mr. Castellini, it's time to go in the main hall." Nilingon niya ang lalaking nakamilitary suit na may dalang baril.
"Fivs minutes, just five minutes Ronnen." Pakiusap ng kaniyang Tiyo sa lalaking armado. Tumango naman ito at lumabas ng pinto.
"I don't have enough time to explain everything Mira. I just want you to know how I treasure you and Vein. Pareho kayong mahalaga sa'kin. Ginawa ko ang lahat ng 'yon para iligtas siya mula sa kapahamakan. Claud and I tried our best to protect the two of you." Naluha siya sa pahayag nito sapagkat nagkamali siya ng iniisip tungkol sa Tiyuhin.
"Wala na akong naiintindihan sa nangyayari Tito Laurence, gulong-gulo na ako."
"In Hacienda De Cartejo, Leonora's Sepulcher, I keep something behind Leonora's frame. Find it for me and please give it to Vein. A mother's love is incomparable in this world and a father's love is irrational. He needs to know those things," Binitawan siya ng kaniyang Tiyuhin at tinungo nito ang pinto.
"Tito please, sagutin mo muna ako. Ano ba talaga ang totoong nangyayari dito?"
"Bakit pati ako itinago ni Dad?"
"Ang Mommy mo lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan mo Mira. I'm just doing my part as Vein's father." Pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang 'yon ay iniwan na siyang mag-isa ng Tiyo.
Hindi niya inaasahan na babanggitin nito ang kaniyang Ina matapos ang lahat ng kaguluhan na nangyari sa kaniya.
Mas naguluhan siya at napaisip sa nangyayari.
Paniniwalaan niya ba ang tiyuhin sa mga sinabi nito. The depths of his eyes seems affectionate and true. She can tell once he lies, kilalang-kilala niya ang Tiyuhin kung nagsisinungaling ito.
Napahilamos na lamang siya ng mukha at bumalik sa pagkakaupo sa kama. Kailangan niyang isiping mabuti ang lahat upang maintindihan ito ng paunti-unti.
Muli siyang naging alerto nang bumukas muli ang pinto at may dalawang lalaki na nakalab-coat ang pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Blood Thirst (Noble Trilogy #1)
Про вампиров(Mature Content Ahead) l•R18•| Born with a Curse but brings fortune for the family. Vein Zarce Castellini only lives for that reason. He was a half-human half-vampire with uncontrollable bloodthirst. Known as a monster, merciless and ferocious beast...