NAGKATITIGAN silang dalawa, tila may namumuong tensiyon sa pagitan nila at naramdaman ito ng mga tauhan sa paligid.
Gustong-gusto niyang sumbatan ang Asawa subalit hindi niya alam kung paano siya magsisimula. Naguguluhan siya, nalilito, maraming katanungan ang sumagi sa kaniyang isipan subalit hindi niya alam kung paano niya 'yon itatanong.
Isang linggo pa lang silang ikinasal at marahil 'yon na ang magiging unang alitan nilang dalawa. She doesn't want to fight, ayaw niyang mag-away sila ni Vein. She needs to know the whole truth but she must refrain her anger.
Nangako siya sa Asawa na iintindihin ito ano pa man ang mga rason na 'yon kahit mawawasak siya ng katotohanan. Kailangan niyang panindigan ang mga sinabi niya.
Huminga siya ng malalim at pinahid ang pisngi niya. Pinakawalan niya ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at tipid na ngumiti nang lumingon siya sa Chef.
"I love the foods, they're delicious." Muli siyang umupo at kahit nanginginig ang kaniyang kamay ay pinilit niyang kumain.
"I'm sorry nabigla lang ako. Let's eat first before I talk to you. I don't want to missed this delicious food infront of me." Tila nakahinga ng maluwag si Vein subalit hindi na mawala-wala ang kaba sa kaniyang puso maging ang tensiyon sa pagitan nila ay ramdam niya.
Tahimik na kumain si Mira subalit nagdidigmaan na ang kaniyang puso't isipan. Kating-kati na ang dila niyang magtanong pero kailangang manatili siyang kalmado.
"Who's Vein? And who's Vale? Who's Zarce? May pangalan ka pa bang hindi ko alam?" She casually asked but it made his men gasped.
Iisa lamang ang naging laman ng isipan nila at 'yon ay lagot ang boss nila sa mga sekreto nitong nakabaon sa hukay.
"I want to know who's the man I really married. I'll wait for you Moonlight." Tumayo na siya matapos niyang punasan ang kaniyang bibig.
Nanigas pa sa gulat si Vein nang humalik sa pisngi niya si Mira subalit pinagpawisan siya sa ibinulong nito.
"You better satisfy me with your reasons or else your tree will get cut into tiny thin papers." Napalunok siya ng husto at tila nanlamig ang buong katawan sa narinig mula sa asawa.
"Enjoy your meal, it might be your last supper with me." Kahit na galit na galit siya ay nagawa niya pa ring tumawa dahil sa nakikitang reaksyon ng asawa.
Hinalikan niya itong muli sa noo bago siya umalis ng hapagkainan at nagtungo sa hardin na nasa gitnang bahagi ng buong bahay.
"I'm fucking checkmate." Kumento ni Vein sa sarili nang manginig ang kamay niya habang naghihiwa ng steak.
"Nasaan na ba 'yang apple at nang madurog ko ng husto. Kasalanan niya ito Boss." Sumenyas pa si Bastien sa Chef na huwag ng maglalagay ng mansanas sa hapagkainan.
"She caught me, I should've realized that."
FRUSTRATION was drawn in his face. Kung nahulaan niya ka-agad ang pagtatanong nito ay marahil napagtakpan niya ang sarili.
Napaisip pa din siya kung kailan at paano nagsimulang maghinala si Mira sa kaniya. How did she even realized that it was him?
"Nakakatakot si Boss Madam, kalmado lang Boss." Muling bulong ni Bastien sa kaniya.
"Nakakatakot talaga, muntikan na kami ni Leon na masapak noong pinigilan namin siyang lumapit kay Boss." Kumento pa ni Rowan sa kanila na mas nagpangiwi sa mga tauhan.
"My tree is in danger, I need to fix this before I rot in hell." Inubos niya ang lamang dugo na nasa wine glass bago siya tumayo.
"Kayang kaya mo 'yan Boss, babae lang naman si Boss Madam, isampa mo lang sa kama tapos ang usapan." Sinamaan niya ng tingin si Ethan bago siya tumalikod.
BINABASA MO ANG
Blood Thirst (Noble Trilogy #1)
Vampire(Mature Content Ahead) l•R18•| Born with a Curse but brings fortune for the family. Vein Zarce Castellini only lives for that reason. He was a half-human half-vampire with uncontrollable bloodthirst. Known as a monster, merciless and ferocious beast...