Chapter 18: Sands Of Fire

13 0 0
                                    

TULALA siyang nakatitig sa sariling Baraha. Hindi siya makapaniwalang isang pair lang ang mayroon siya. Out of five cards isang pair lang ang nakuha niya, ni-wala siyang Ace.

Tumingin siya kay Ethan at sinamaan ito ng tingin, ngumiwi naman si Ethan at tumungo. Huminga siya ng malalim at tumingin sa asawang seryosong nakatingin sa mga barahang nasa kamay nito habang sumisimsim ng alak.

Medyo nakaramdam siya ng inis nang mapansin ang pagitan ni Bastein at Mira. Dalawang dangkal ang layo ng mukha nito sa mukha ng asawa niya at nakasilip din sa baraha.

Bumaba ang paningin niya sa perang nangangalahati na subalit hindi pa din siya nananalo. Tila mas masuwerte ang Asawa niya sa laro nila.

"Full House Veiny," Ngiting wagi na pahayag ni Mira sa kaniya sabay lagok sa natitirang laman sa bote nito.

"Mukhang tinakasan ka ng swerte Boss." Bulong ni Ethan sa kaniya na mas nagpasidhi sa inis niya. Nagbukas siya ng panibagong beer at inubos ito sa isang inuman.

Mira stared intently to him with a cunning smile on her face. Natulala na naman siya na mas nagpangiti sa Asawa niya. Napatakip siya ng bibig at nagpigil ng ngiti.

Damn it! Paano ba siya maiinis sa sariling Asawa? He was betrayed by his own emotions. He's yearning for her attention yet they're in a situation that he might lose her for two weeks.

The tables suddenly turned when Rowan silently showed his cards after betting everything he have. Lahat sila ay umawang ang labi. Natalo sila ng pinakatahimik sa grupo.

"What the fuck! It's four Ace's!" Napahilamos sila ng mukha at hindi makapaniwala sa naging resulta.

"Oh shit! I'm sorry Bastien."

Paghingi ng paumanhin ni Mira sa tauhan niya. Natawa naman siya habang nakahawak pa sa relong pag-aari ni Bastien.

"Okay lang Boss Madam, basta hindi nanalo si Boss!"

"Natalo si Boss! Hahahah!"

"Rowan! sinuswerte ka! Tatlong milyon isang bagsakan!"

Sabay-sabay na naglabas ng mga beer ang mga kalalakihan at pinagbunyi ang pagkatalo niya. Napailing naman siya at ngumiwi nang makita ang asawang naki-inom sa mga tauhan niya.

"Paano na 'yan Boss Madam? Pareho kayong talo ni Boss?" Natawa si Mira at agarang tumingin sa kaniya.

Nag-init siya sa titig na ipinukol ng asawa. Her almond eyes sparkled with glint of flames from the bonfire. Mira's hair danced in the waves of wind and everything slowly moved within his sight.

Nakagat niya ang ibabang labi at tumayo na siya para ipakita ang pagkatalo niya. Ibinato niya kay Bastien ang relo at tumalikod na siya sa kanila.

SINUNDAN ng tingin ni Mira si Vein nang umalis ito sa harapan niya. Nakagat niya ang ibabang labi bago siya tumayo para sundan ito sa dalampasigan.

"Uhmm Gentlemen.. puwede na kayong bumalik sa bahay. Puwede bang iwan niyo kami ni Vein dito.. just the two of us.. Kung puwede lang." Naging pakiusap niya sa mga ito.

Nagkatinginan muna ang kalalakihan sa isa't isa bago magsitanguan ang mga ito at kumaripas ng takbo pabalik sa bahay.

She's not mad, hindi niya naman kasi magawang magalit sa asawa. Her pain is valid but his reasons is more valid. Paano niya ba kakamuhian ang taong nagparamdam sa kaniya na hindi na siya nag-iisa.

Tinitigan niya ang tindig ng Asawa habang nakaharap ito sa malawak na dagat at umiinom ng beer. He looks hot and sexy, she can imagine his bare back and she really loves Vein's well-shaped muscles.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon