Chapter 32: Under The Sunset

16 0 0
                                    

PINANOOD niya si Vein habang naglalatag ito ng makapal na picnic blanket sa ilalim ng puno. Nakasandal siya sa sasakyan habang kumakain ng prutas.

Nang matapos ito sa ginagawa ay gumuhit ang ngiti sa labi ng Asawa at tinawag siya nito upang umupo sa tela. Lumapit siya kay Vein at umupo sa tabi nito.

Humalik sa pisngi niya ang Asawa bago ito tumayo. Tumunghay naman siya sa dalampasigan at pinagmasdan ang alon sa dagat. Tila dinala siya ng lugar na 'yon sa bansang kaniyang kinalakihan.

"Do you like the place?"

Tumango siya sa tanong ni Vein sa kaniya at sumandal siya sa balikat nito. Yumakap naman sa likod niya ang kamay ng Asawa at marahang hinaplos ang kaniyang braso.

"It feels nostalgic, both bad and good memories with you."

"Palagi kang nakasandal sa puno habang nagbabasa ng libro at palagi naman kitang kinukulit maglaro tapos magsasalubong na 'yang kilay mo at susungitan mo na ako." Natawa si Vein sa kaniya nang gayahin niya ang itsura nito noong mga bata pa sila.

"You always reject my offers but not the red velvet cupcake." Muli niyang pahayag sa Asawa bago niya kagatin ang ubas na kinakain niya.

"It's my favourite dessert, Mama always bake cupcakes with cherries on top." Naging sagot nito sa kaniya bago ito humiga sa nilatag na tela.

Napaka-simple ng date nila subalit sapat na ang lahat para sa kaniya. It was peaceful and alluring. Maganda ang tanawin at tahimik ang paligid. Silang dalawa ang naroon sa lugar dahil pribado ang lugar na 'yon.

"What's your favourite food?"

"As I remembered, It was called Beef steak. How about you Cara mia?"

"Uhm... I can't think of any, I love all the foods I eat." Marahang tumawa si Vein sa kaniya at iginiya siya pahiga sa braso nito. Tumagilid naman siya upang harapin ang Asawa na nakatihaya.

"I prepared lots of food for you so feel free to eat as much as you can then we're going to exercise after."

Lihim siyang napangiti sa naging pahayag nito.

Isiniksik niya ang ulo sa dibdib ng Asawa at ninakawan ng halik sa pisngi. Pinagmasdan nilang pareho ang mumunting sikat ng araw na sumusulyap sa mga dahon.

Tila kumikinang ang mga dahon sa puno dahil sa liwanag ng araw. Sinabayan pa ito ng malamyos na simoy ng hangin na nagpapalamig sa kanilang paligid.

"I love this date. I prefer this than going to a crowded place. I want more dates with you Vein. Let's do this again in the future. "

"We will Cara mia, I will set a special day for us. No work, No duties, just the two of us in a peaceful place." Lumawak ang ngiti sa kaniyang labi at dinampian niya ng halik sa noo si Vein.

Tumagilid naman si Vein at gumanti ng paghalik sa labi niya. Tumugon siya sa mga labi nito at nilabanan ng dila niya ang mapusok nitong labi.

Isang matagal na halik sa noo ang tumapos sa nararamdaman nila bago bumalik sa pagkakahiga. Yumakap siya kay Vein at isiniksik ang ulo sa dibdib nito. Napamulat siya nang maramdaman niya ang pagpatong nito ng malambot na tela sa kalahati ng kaniyang katawan.

"Can I sleep for awhile?"

Madaling araw na siyang nakatulog dahil sa ginawa nila at ramdam niyang inaantok siya sa pagkakataong 'yon dahil sa tahimik na kapaligiran.

"Take a nap Cara mia. Napagod kita kagabi hanggang umaga kaya dapat lang na magpahinga ka." Ngumiti siya at humalik sa labi ni Vein bago tumalikod sa Asawa at inayos ang sarili sa komportableng posisyon.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon