Chapter 37: Roots of Truth

9 0 0
                                    

SHE felt lost and in pain. Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang maghiwalay sila ni Vein subalit nananatiling sariwa ang lahat sa kaniya na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Tulala siyang nakatunghay sa papalubog na araw habang dumadaloy sa kaniyang pisngi ang hindi nauubos na mga luha. Ikinulong niya ang sarili sa kuwarto at lumalabas lamang ng balkonahe sa tuwing sasapit ang takip silim.

"Mira, you look pale already."

Nag-aalalang bungad sa kaniya ni Malcolm nang puntahan siya nito at may dalang pagkain na nasa tray. Bahagya siyang sumulyap sa kakambal bago muling tumingin sa kawalan.

"I'm fine, just leave me alone."

Sinubukan niya ng lumayas sa pamamahay nito subalit hindi pumayag ang binatang kapatid. Hindi rin siya pinapalabas ng bahay dahil sa binalak niyang ilaglag ang bata. Uminom siya ng pampalaglag subalit mabilis na nalaman ni Malcolm ang binabalak niya at napigilan siya nito.

"Stop torturing yourself, think about the baby's health."

"That's the least of my concern." 

Walang emosyon niyang sagot sa kakambal at hindi na ito pinansin pa. Ayaw niya ng makipagtalo sa binata dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya sa buhay kahit wala naman siyang ginagawa.

"Mira, this isn't you."

"That's a good thing because I hate myself."

"Please eat, you're still a human for pete's sake."

"Just let me die, will you?"

Palagi siya nitong kinukulit na kumain na subalit wala talaga siyang gana at ilang araw niya ng hindi gustong kumain ng kahit na ano.

She's craving for a metallic taste of liquid called blood.

She wants to taste blood but she's afraid of hurting an animal.

Mas pinili niyang manahimik at tiisin ang sariling kalam ng sikmura. Wala na siyang pakialam sa sanggol na nasa sinapupunan niya. Wala na siyang pakialam kung kinakain na nito ang nutrisyon sa katawan niya.

It's making her weak but she prefers getting weaker than letting her child be born with a cruel life.

Hindi niya na tinangka pang lumabas ng balkonahe nang lumakas ang pang-amoy niya sa dugo. Naaamoy niya na ang matapang nitong amoy na mula pa sa buhay na hayop na gumagala sa kagubatan.

The urge is getting stronger but she's strong enough to fight back.  Binalot niya ang sarili sa ilalim ng kumot at tiniis ang pananakit ng kaniyang tiyan. Ramdam niya ang pagiging malikot ng sanggol sa sinapupunan niya at minsan ay humahapdi ito na nagpapasigaw sa kaniya sa sobrang sakit na nadarama.

Until one day she didn't thought of losing her balance. Parang may nabaling buto sa kaniyang likuran na nagpatumba sa kaniya mula sa pagkakatayo.

Nahirapan siyang huminga at nanlabo ang kaniyang paningin. Naaninag niya pa ang mga sapatos na patungo sa kaniya hanggang sa tuluyang dumilim ang kaniyang paningin.

NANG magising siya ay nakahiga na siya sa hospital bed suot ang isang puting hospital gown at may nakatusok sa pala-pulsuhan niya na dinadaluyan ng dugo.

Kumunot ang kaniyang noo sa nahawakan niyang hose sa ilong. Alam niyang para sa support oxygen 'yon pero bakit niya naman kakailanganin ng ganon?

"Mira, you're awake."

Nilingon niya ang taong nagsalita, napatitig siya sa kakambal nang lumapit ito at tiningnan ang mga mata niya.

"How are you feeling? May masakit ba? Nahihirapan ka pa bang huminga?" Hindi siya naka-imik dahil naagaw ng atensyon niya ang bampirang nakatayo sa pintuan at nakatitig sa kaniya.

Blood Thirst (Noble Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon