Chapter 2 "Tear Of Earith"

870 24 4
                                    

"Dumating na po sila" sigaw ng humahangus na mensahero.

"Sige papasukin sila"..

 "Magandang gabi binibini".......may biglang nagsalita sa tabi ko...huh! di ko napansin andito na pala sila.."ang mga "Death Guards"

    Ang "Death Guards", sila ang mga bayarang tagapagbantay, mataas ang kanilang reputasyon katunayan kilala sila sa buong Emperio ng IllusionadaAt dahil narin sa taas ng kanilang reputasyon napakataas ng bayad sa kanilang serbisyo. Tanging ang emperador lang at ilan sa mga gobernador nito ang kayang upahan ang "Death Guards". .. Ibang klase ang tibok ng kanilang mga puso masmabilis ito kaysa sa normal katibayan na lagi silang handa sa ano mang panganib.

    Hindi Emperador o governador ang Ama ko, sya ay ang Main Pillar of the Umbrella Pillars Association, kung baga sa payong yung nasa gitna. Ang Umbrella Pillars Association o (UPA) ay ang groupong naglalayong pag-isahin ang mga istadong nabuwag nang sakupin ng Ellusionada Empire ang buong Kontinente ng Terea. Binuo ng aking lolo ang Umbrella Pillars Association, at ito rin ang naging dahilan nang pagkaubos ng aming pamilya. Subalit kailangan namin ituloy ang kanilang naumpisahan, ito ang aming sinumpaang tungkulin, bilang natitirang myembro ng pamilayang "Neplim". 

    Ang "Neplim Family"  ay ang royal family na nagtayo ng "Fuertevil Kingdom" ang kaunaunahan kaharian dito sa kontinente ng Terea bago pa ito sakopin ng Illusionada Empire. At ang layunin ng Umbrella Pillars Association ay ang muling pagbuklorin at itayo ang nawasak na kaharian ng fuertevil. Isang simbolo ang Fuertevil Kingdom sa kontinente ng Terea, kung makikita ng ibang mga kaharian na Nakatayo ang Fuertevil , magkakaruon sila nang bagong pag-asa para lumaban sa Emperio ng Illusionada. At ito marahil ang dahilan kung bakit pilit na binubuwag ng emperio ang Umbrella Pillars Association.

    Ang "Terea Continent " ,...ayon sa matandang metolohiya ang Kontinente ng Terea ay nabuo mula sa mga luha ng Dyosa na si Earith, "Tear of Earith" ang lumang tawag dito, nanglumaon ay tinawag nalamang itong Terea. 

   "Maligayang pagdating sa inyo mga "death guards" nagpapasalamat ako at napaunlakan nyo ang aking imbitasyon". Bati ng aking ama sa kanina.

   "kami ang dapat magpasalamat sa pagkakataon na ito".,sagut nang isang lalaki na may malaking ispada, grabe napaka bigat siguro ng ispada na yun. Ang alam ko 10 ang elite member ng death guards, 4 lang sila na andito ngayon. 

   Tulad ng sinabi ko hindi Emperador o gobernador ang Ama ko, Kaya wala kaming kakayahang magbayad ng protection para sa mga death guards, Andito sila sa pansarili nilang hangarin. Kilala na at kinatatakutan ang assassin na si "Last Shadow"  isang nang alamat ang pangalan nya sa buong Terea, at dahil dito nais ng Death Guards na pigilan o hulihin sya para pataasin pa lalo ang kanilang reputasyon upang umabot ito sa buong Kontinente ng Terea. Alam ito ng aking Ama kaya ng makatanggap siya nang liham muna sa "last shadow" ipinagbigay alam niya agad ito sa death guards.


The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon