Eariths Point of View
Hindi parin ako makatulog, napakahaba ng araw at gabing ito pinakamahaba sa lahat ng mga araw at gabi sa aking buhay.Marahil ay sa kadahilanang ito na ang huli.
Isang araw lang ito subalit napakaraming bagay na ang nangyari...
Nalaman ko ang totoong kwento sa buhay ng Last Shadow, namatay ang itinuring na ama ng Last Shadow sa harapan ko at gumawa ng isang hukay para maging libingan nito...Gumagawa kami ng libingan subalit ang ligaya ko ay higit pa noong pinilit ko syang sumayaw kasama ko., dahil sa hindi ko sya pinilit at hiniyaan nya akong gawin ang gusto ko...
narinig ko din sa kanyang mga puso ang pagtanggap nya sa akin, hinayaan nya akong pumasok sa puso nya na dati ay pilit nyang isinasara.
Kailangan ko nang matulog, kailangan ko ng panibagong lakas upang bukas ay makagawa ako ng isang hiwaga.....
Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata... nakapikit ang aking mga mata subalit hindi ako dalawin ng antok... hanggang makarinig ako ng isang napakagandang musika., musikang nagduduyan sa akin, musikang nagbigay sa akin ng kapanatagan at ako ay tuloyan ng ...na..ka. ............zzzzzzzzzzzzzzzzzz
Last Shadow Point of View
Sana ay tulog na sya sa mga oras na ito,.. dahil kung hindi ay magtutungo nanaman sya dito upang gulohin ang aking pananahimik.....
Naalala ko noong una ko syang makita, dito mismo,. hindi ko makakalimutan ang titig ng kanyang mga mata at ang kanyang ngiti ng pagtanggap sa katapusan ng kanyang buhay...at sa kauna-unahang pagkakataon ay naiwasan ko na kumitil ng buhay na dati ay inakala ko na hindi na kailan man maiiwasan...
Napakasarap talagang nangpakiramdam dito sa gitna ng hardin na ito,.. sabi nya ito ay nalikha lamang mula sa mga luha ng kanyang Ina.. kaya siguro kakaiba ang halimuyak ng mga bulaklak nito. halimuyak ng kapayapaan ...
Dito na ako magpapaumaga sa piling ng mga bulaklak,.. ito na marahil ang aking huling gabing mapayapa,...
Dahil magmula bukas mapupuno muli ng dugo ang aking mga kamay...
Tanging ang pagtapos ng buhay lamang ang alam kung gawin,..kaya ito ang gagawin ko para ituwid ang lahat., tatapusin ko ang aking naudlot na misyon dito sa palasyo,. pagkatapos ay tatapusin ko ang mga tiwaling kawani ng aming himpilan, ipapaalala ko sakanila ang tunay na nilalaman ng Assassins Oath bago ko tuluyang wakasan ang kanilang mga buhay..
Sa ngayon nanamnamin ko ang aking huling gabing mapayapa sa piling ng mga bulaklak......
Eariths Father (Main Pillar) Point of View
Maganda naman ang kinalabasan ng pagpupulong, sumangayon silang lahat sa aking panukala na ibigay kay Princess Leonny ang pamumuno at muling pagtatatag sa Kaharian ng Fuertevil,..
Haaay.., parang maayos naman na ang lahat, kahit papaanoy hindi na ako mangangamba sa kinabukasan ng aming kaharian, at malugod kung haharapin ang aking katapusan...
Kailangan ko nalang makausap si Princess Leonny upang pormal kong maibigay ang kaharian sa kanyang pamumuno..
Sana maintindihan ng aking anak ang lahat nang sa ganun ay matanggap nya ang lahat ng mangyayari..
Maraming salamat sayo Last Shadow, ikararangal ko ang mamatay sa iyong mga kamay.
Ang ibinigay nyang isang lingo ay sapat na upang magkaroon ng panibagong pag-asa ang aming nasirang kaharian...
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...