Chapter 9 Day Two "Ang Huwad na Pagpupulong"

550 18 1
                                    

(Jess Point of view)

"Magandang umaga pinuno" 

"Magandang umaga din Jess, may magandang balita ka, kaya ka naparito hindi ba?"

"Hindi ko alam kung maganda ito pinuno, pero isa lang ang natitiwak ko may hiwaga talagang bumabalot doon sa magandang binibi."

"May nangyari bang kakaiba ha, Jess, yang mukha mo para kang isang talunan"

"Nagmukha talaga akong talunan pinuno,.. hindi ako sigurado kung sya nga ang Last Shadow pero wala na akong ibang maisip"

...at Inilahad ko ang mga pangyayari sa pinuno...

"Base sa mga kwento mo nasisiguro ko na sya nga ang Last Shadow, ngunit ano ang dahilan nya para Ipagtanggol ang chairman at taposin ang kasamahan nya sa Guild"

"Pinuno may kutob akong hindi ang chairman ang ipinagtanggol nya, maaaring yung mahiwagang binibni ang talagang prenotektahan nya"

"Hindi kaya may pagtingin ang Last Shadow doon sa magandang binibini, hindi malayo yun pinuno dahil talaga namang nakabibighani ang binibining iyon"

"Hindi maaaring mangyari ang sinasabi mo Jess, ang Last Shadow ay hindi kailanman mabibighani sa anong mang ganda tandaan mo yan Jess." 

"Paano mo naman nasabi yun Pinuno?...."

"kapag wala kang alam tungkol sa kalaban, wala kang pag-asang talunin ito,"

"Makinig ka Jess ang Last Shadow ay isang assassin, at walang puwang ang ano mang-emotion sa kanila, maaaring may gustong patunayan ang Last Shadow sa anak ng chairman at yun ang hindi natin alam"

"ituloy mo lang ang pagsubaybay sa anak ng chairman, pero hanggat maaari iwasan mong makaharap ang Last Shadow." 

"Hindi ako natatakot sa kanya pinuno,. sakatunayan gusto kong gumanti dahil sa ginawa nya akong payaso sa harap ng maraming tao".

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Jess, subalit may panahon para sa pagbawi. Tulad nangsinabi ko, kung hindi mo kilala ang kalaban wala kang pag-asang talunin ito"

"Ilan tayong nagbantay sa palasyo nung nakaraan gabi Jess?"

"....ha!....a.. apat.... po.... pinuno.." 

"Naiintindihan mo na ang ibig kung sabihin Jess, nasa tamang lugar ang katapangan,.. mga tagapagbantay tayo, hindi tayo assassin o hunter,..Mahalagang manatili tayong buhay"

"Naiintindihan ko po pinuno patawad po sa inasal ko" 

"Walang anuman yun Jess maiintindihan kita...."

"sige po pinuno itutuloy ko na ang aking misyon.."

"Sige Jess magiingat ka, wag kang papadala sa emosyon"

"opo pinuno... paalam.."

................

Kung walang pagtingin ang Last Shadow doon sa binibining yun, ano ang dahilan nya, lalo akong nahiwagaan, masmadaling sabihin na nabighani sya dito... tulad ko.


(Earith Point of View)


Ang sarap ng tulog ko ngayon para akong natulog ng isang linggong tuloy tuloy... haaay hindi ko akalaing hanggang sa pagtulog ko ay maririnig ko ang tunog na yun, sana tuwing matutulog ako ay marinig ko musika ng kanyang puso..dati mga nakakatakot na tunog ng puso ang naririnig ko sa pagtulog ko. haay.. maiksi nalang  pero mas maligaya ang mga araw na ito.

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon