Chapter 10 Day Two "Ang nakalalasong Punyal"

525 18 2
                                    

(Earith's Point of view)

Habang pinagmamasdan ko ang larawan ni Ina na nasa ibabaw ng puntod nya, si Ama naman ay nagbibigay pugay sa puntod ng aming mga ninuno.

Marami narin sana ang bumubuo sa pamilya Neplim, kung hindi lang nagbago ang takbo ang kasaysayan, Marahil ang pamilya namin ang pinakama-impluwensya dito sa buong Terea.

Subalit maypagkakataon talaga na wala kang kakayahan pigilan ang mga darating na pangyayari. kung may kakayahan lang akong ibangon ang aming kaharian... 

Kapag nawala na si Ama tuloyan nang ma babagsak ang pundasyon ng Umbrella Pillars Association, at kasabay nitong maglalaho ang mga labi ng Fuertevil Kingdom.

Ganun pa man di ako dapat mawalan ng pag-asa hanggat may liwanag pa akong nakikita may pag-asa pa, ang katibayan nito ay ang kaunting liwanag na ipinagkaloob sa amin ng Last Shadow.

"Aking Ina gabayan mo kami ni Ama", sa ganitong pagkakataon naaalala ko ang aking ina, maliit pa ako noon pero damang-dama ko pa ang kanyang pagkalinga. 

Namatay ang aking Ina Matapos nyang harangin ang palaso na para sana sa aking Ama. Minabuti ng aking Ina na  ibuwis ang sarili nyang buhay upang hindi maglaho ang pagasa ng aming Kaharian. 

Matapos magbigay pugay ni Ama sa aming mga ninuno. lumapit sya sa akin at nagyaya na syang umuwi, malapit nang lumubog ang araw at unti-unti nang nagdidilim ang paligid.

Habang kamiy naglalakad palabas ng libingan, may naramdaman kong may dalawang taong papatungo sa kinatatayuan namin., maliban kay Jess na kanina pang umaga nakasunod sa amin, mayroon pang dalawa, at natitiyak kong masama ang binabalak nito.

Kinakabahan ako pero hindi ako dapat magpahalata, hinila ko ang kamay ni Ama patungo sa ibang daan, 

"saan tayo pupunta Anak ang karwahe ay nasa gate sa  gawing kanluran ng libingan."

"sandali lang po Ama may nais lang akong puntahan"

Naghahanap ako ng pwede naming pagtaguan, nakakahalata na ang aking Ama dahil humihigpit na ang kawak ko sa kanya.

"Anak anong nangyayari may kinatatakotan ka ba?"

"Ama may sumosunod po sa atin nasisiguro kung sila ay mga assassin"

"Paano mo nalaman anak?"

"Basta po wag na tayong mag-aksaya ng panahon kailangan nating makahanap ng matataguan"

Kailan man hindi nagduda ang aking Ama sa mga sinasabi ko kahit hindi nya ito naiintindihan. 

Nagkubli kami sa isang puntod na wala nang laman.. 

Naramdaman kong nag hiwalay ang dalawa, Ibig sabihin sinusobukan nilang hanapin kami.

Yung isa ay patungo sa gate kung nasaan ang aming karwahe, may ilan ding bantay dun pati na ang personal na kutsero ni Ama.

Masama ito yung isa ay patungo sa direksyon namin, mga isang daang metro ang layo mula sa aming pinagtataguan.

Palapit ito ng palapit at ng nasa tapat na ng puntod pinagtataguan namin tumigil ito at bilang nagbago ang tibok ng puso nya. Marahil ay naramdaman nya kami.....anong gagawin ko?

Tinanggal ko ang pagkakakapit sa akin ni Ama

"Ama magtiwala ka sa gagawin ko,...Ikaw ang pakay nila, siguradong di nila ako pagaaksayahan ng panahon. "

"anong binabalak mo anak?"

At ako ay lumabas mula sa aming pinagtataguan.

"Anong kailangan mo sa isang hamak na binibini?" matapang na sabi ko sa noo'y nakahanda nang sumalakay ng mamamaslang.

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon