Chapter 7 Day one "Utos Mula sa Kataas-taasang Himpilan"

599 20 1
                                    

(Earith Point of view)

"Gising na anak" ginising ako ng isang halik sa noo mula sa aking Ama

Masaya at nakangiting imahe ng aking Ama ang tumambad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata. kakaiba rin ang tibok ng kanyang puso ramdam na ramdam ko ang kanyang kasiyahan at kapanatagan, ano kaya ang nagdulot nito sa kanya? ngayon pang maypalugit na ang aming buhay.

"Oh Ama bakit andito kapa?, may pagpupulong kayong dadaluhan ngayon"

"Sige maligo kana at magbihis anak, isasama kita"  Hay naku maririnig ko nanaman ang mga ingay ng  mapagbalatkayong mga puso. hay,. kung hindi lang sa aking Ama...

Agad akong nagligo at nagbihis

paglabas ko ng palasyo ay nagaabang na ang karwaheng maghahatid sa amin, nakasakay narin doon ang aking Ama.

Paglabas namin sa tarangkahan ng palasyo ay may bigla akong naramdaman ang isa sa mga myembro ng death guards, hindi ako pwedeng magkamali, kahit napakarami ng naririnig ko alam kong kanya ang ganitong tuno, yon ay si Jess. Pero bakit andito pa sya? ang alam ko umalis na ang mga death guards bago pa sumikat ang araw.

Hindi ko alam ang pakay nya pero malamang may kinalaman parin ito sa Last shadow.

Habang naglalakbay kami ay patuloy sya sa pagsunod sa amin. para akong kinakabahan, pero ano pa ba ang dapat kung katakotan eh bilang narin ang araw ko.

Dahil sa pagsunod nya ay di ko namalayan na lumampas na kami sa pagdadausan ng pagpupulong.

"Ama lumampas na po tayo sa pagdadausan ng pagpupulong"

"hahaha ngayon mo lang napansin anak?"

 "Ini-isip mo pala talagang dadalo pa tayo sa pagpupulong hahaha".... masaya talaga ang aking Ama ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganyan

"Anak kung isang linggo nalang ang natitira nating buhay yun ay gugugulin ko na kapiling ka"

napayakap ako sa aking Ama, matagal ko ring pinanabikan na makasama sya., hindi sa pagpupulong o sa loob ng palasyo.,

Sa di kalayuan ay natanaw ko ang "freedom amusement park" ito ang pinakakilalang amusement park ng dating Fuertevil kingdom, ito sa hawak ngayon ng 2nd pillar na kabilang sa UPA.

Kumislap ang mga mata ko, matagal ko nang gustong magtungo dito, subalit dati wala kaming panahon para sa ganitong bagay. Parang panaginip na pupunta kami dito at ang kasama ko pa ay ang aking mahal na Ama. 

Napahigpit ang hawak ko sa aking Ama "Salamat po Ama" at ngumiti sya.

At nagtungo na kami sa loob.... 

"WoW" hindi ako makapaniwala napakaganda sa loob, nakukulay ang mga ilaw at ang lahat ay nakahandang pasayahin ang bawat papasok dito. Hindi na ako bata pero subra parin ang saya ko, at ganun din ang aking ama damang-dama ko ang kanyang kasiyahan, 

Hindi ko na pinansin ang nakasunod sa amin na death guard, hindi dapat masayang ang sandaling ito.

(Jess Point of View)

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ang chairman ng UPA at ang kanyang anak ay nagtungo sa ganitong lugar.

Ang alam ko ay may magaganap na pagpupulong ngayon...

Ang anak ng Chairman panay ang lingon nya kanina parang nararamdaman nya ang pagsunod ko.

Pero hindi ito pwedeng mangyari napakalayo ko sa kanila. kahit ang bihasa sa paggamit ng aura ay hindi ako mararamdaman... ngunit paano nya yun nagagawa? baka naman nagkataon lang na napapatingin sya sa deksyon kung saan ako naroon.

Hay naku ibig sabihin kailangan ko ring pumasok sa loob ng park na ito grrrrrrrr..

(Last Shadow Point of View)

Sa isang lugar di kalayuan sa Palasyo.

"Lumabas kana kung gusto mo pang mabuhay codename reptilya "

"hahaha! Kahanga-hanga talaga ang talas ng pakiramdam mo..... Last Shadow"

"Nasaginta ako ng aking misyon anong ang kailangan mo?" 

"Tapos na ang iyong misyon pinatatawag ka ng supremo, nakarating na sa Kataastaasang Himpilan ang kabiguan mo na tapusin ang Main Pillar." 

"Sinabi ko na nasagitna pa ako ng aking misyon, at Hindi pa ako kailanman nabigo, hayaan nyo akong gawin ito sa aking pamamaraan"

"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin , subalit ang misyon na tapusin ang Main Pillar ay ibinigay na sa akin ng Kataas-taasang Himpilan, pinuntahan kita para pabalikin sa pimpilan ayon sa utos ng ating supremo."

"Ang mga desisyon ay mula sa Kataas-taasang Himpilan, kaya alam mo na ang magiging kaparusahan kung sakaling pipigilan mo ako"

......"Sya nga pala ayon sa inpormasyon na nakalap ko ang Main Pillar ay nasa "Freedom Amusement Park" kasama ang kanyang Anak, hmm Nakapananabik na tapusin ang kanilang maliligayang araw."

"Ikumusta mo ako sa ating Supremo pagbalik mo doon, At wag mo sana sya bigyan pa uli ng problema dahil napakalaki ng tiwala nya sayo, sa kabila ng kabiguan mong tapusin ang Main Pillar pinababalik ka pa nya at nasasabik pa syang makita ka"

"Hanggang sa muli Last Shadow"......

Tuloyan na syang umalis..

"Ano ba itong nagawa ko, nabigyan ko pa ng problema yung matanda(Supremo)"

"Ang Kataas-taasang Himpilan",... Marahil ay Nagbigay ang Emperio ng malaking pabuya para taposin ang Main Pillar sa lalong madaling panahon, ano kaya ang dahilan.

        Ang Kataas-taasang Himpilan ay ang pinakamataas na kawani ng Assassin's Guild, sila ang tumatanggap ng kabayaran at nagbibigay ng misyon, sila din ang tumutostos sa mga gastosin  ng bawat myembro ng Assassin's Guild. Binubuo sila ng mga Supremo ng bawat Guild at sa kanila nagmumula ang mga desisyon.

"Bakit mas inuuna nila ang pera kaysa sa kanilang mga dignidad"

"Ang nasabi ko na ay nasabi ko na...... Ako ang magdedesisyon ng kanyang katapusan"

"Freedom Amusement Park,........"

wag kang mamamatay hantayin mo ako binibini.......

Itutuloy>>>>>>>>>>>>

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon