(Earith PoV)
Nahihilo na ako, lahat na yata ng rides dito nasakyan ko na, si Ama parang nasusuka na rin sya.
"Ama anong nangyari sayo dalawang rides palang nasakyan mo eh ganyan na itsura mo" :D
"Hindi talaga ako sanay anak, sa edad ko na ito ngayon ko palang nasubukang sumakay sa mga yan."
"Ahahah nakakatawa ka naman Ama".
"Sige Magpahinga muna tayo san dali, halika at maghnap tayo ng makakainan"
At kami ay nagtungo sa isang kainan sa loob..
"Sandali lang anak ako muna ay pupuntang banyo"
"Isuka mo nayan Ama eheheh"
"ahahah" tawa ni Ama.
nakakatuwa naman ito para nalang kaming magkapatid, kapag nasa palasyo kami, hindi kami makapag-usap ng ganito dahil lagi syang maykausap na iba.
Sayang nga lang at bilang na ang mga araw na ito, pero ok narin kasi kung hindi siguro sa palugit ng Last Shadow baka wala kami dito ngayon.
Ano kaya ang ginagawa nya sa mga oras na ito...?
....................................
.......................huh.. ano ito..... maliban kay Jess mayroon pang isa, at ito ay patungo sa direksyon namin....nakakatakot ang tibok ng puso nya,.. parang handa sya pumatay kahit anong oras.....
Si Ama marahil ang pakay nya, sigurado akong hindi sya ang Last Shadow.. pero bakit?
Hah!! biglang bumilis ang pagkilos nya.... patungo dito.. anong gagawin ko.. si Ama.....
Tumakbo ako patungo sa kinaruruonan ni Ama..
Ilang sandali pa ay biglang namatay ang Ilaw at nabalot ng kadiliman ang buong silid.
Humarang ako sa pintuan ng banyo para siguraduhing hindi makalabas si Ama ng hindi ko namamalayan.
Madilim pero nakikita ko silang lahat, ang mga ingay ng puso nila ay parang mga ilaw sa akin. papasok na sya ng kainan. Bakit ganun, akala ko sya ang sanhi kung bakit nawala ang ilaw, bakit para syang nagtaka ng pumasok sya na madilim dito.
Kung hindi sya.... sino??
"hah!! and tunog na yun, hindi ako pwedeng magkamali............ang kaisa-isang musikang gusto kung marinig.."
"Andito sya................................
(Last Shadow's PoV)
Ito pala ang tinatawag nilang amusement park napaka-ingay naman dito at subrang daming tao.
Anong ginagawa nila sa ganitong lugar., sinasayang nila ang mga natitirang araw na binigay ko sa kanila.
...Pumasok sila sa loob ng kainan, natagpuan na kaya sila ng reptilya.
"Huh"...ayun sya patungo sa kinaruruonan nila.
Hindi ko sya pwedeng tapusin sa harap ng maraming tao, siguradong magkakaproblema lalo yung matandang supremo.
Alam ko na, kung walang makakakita, walang makakaalam kung sinong tumapos sa buhay nya
Kailangan ko lang putulin itong linya ng kuryente, sapat na ang kadilimang yun...
(at pinutol nya ang linya patungo sa kainan)
Madilim pero nararamdaman ko lahat ng tao dito sa loob, 30 lahat ang tao dito sa loob... 5 ang nasa silid lutuan, 20 nasa mga hapag kainan at 3 nasa banyo... ang naglalakad sa pasilyo ay ang reptilya ... at ang mahiwagang binibini hindi ko nararamdaman ang aura nya pero ang kakaibang nyang halimuyak ay hindi kailan man maglalaho, nakatayo sya sa pintuan ng banyo.
May isa pang malakas na aura ang pumasok, sino sya.... hindi sya isang assassin, marahil isa sya sa mga hunter ,.kung hindi man ay myembro ng death guards.
Mukhang umaayon sa akin ng pagkakataon,.
Tatapusin ko ang reptilya bago pa maibalik ang liwanag,...
(Earith's PoV)
Naandito sya sa loob ng silid, ano ang binabalak nya?
"Hah!!!!.... tumigil sa pagtibok ang puso nung lalaking patungo sa amin..
Tinapos nya ang buhay nito sa isang iglap lang...
"Wag nyong sayangin ang natitirang araw na binigay ko sa inyo"
Andito sya sa tabi ko...ang kanyang musika, hindi ako makapaniwalang maririnig ko uli ito ng mas maaga at mas malapit. .
"bakit mo kami iniligtas.?"
"Hindi ko kayo iniligtas, ang nais ko ay ako mismo ang tatapos sa buhay mo, sa araw na itinakda ko"
"kung ganun,.. pwede ko bang malaman ang pangalan ng taong tatapos sa buhay ko?"
"wala akong pangalan...... at kung meron man hindi ko yun ibibigay sa taong tataposin ko ang buhay"
(at biglang nanumbalik ang liwanag)
Nakapagtataka ,....naglaho sya kasabay ng panunumbalik ng liwanag.,
tumambad sa mga tao ang walang buhay na katawan ng isang mamamaslang, nasa harapan iyon ni Jess, na noo'y nakapormang parang sasalakay., nagpalakpakan ang mga tao inisip nilang ito'y isa sa mga palabas ng kainan.
Wala akong nakitang dugo mula sa mamamaslang, ito marahil ang dahilan kung bakit inisip nang mga tao na palabas lamang ito. pero sigurado akong tapos na ang buhay nya.
Ngumiti na lamang si Jess at nag-bow sa kanila, sabay buhat sa walang buhay na katawan ng mamamaslang.
"Napakagandang palabas Hindi ba anak" narinig kong wika ng aking Ama habang pumapalakpak.
"ha.. ah.. eh... opo Ama ang ganda po...."
"Oh paano tuloy ang kainan" sigaw ng may ari ng kainan, alam kong hindi rin sya makapaniwala sa nangyari pero kailangan nyang gawin yun para magpatuloy ang kasiyahan.
Ipinagpatuloy namin ni Ama ang aming paglilibang.,
at natapos na ang isa sa mga natitira naming araw.
hindi na ako nangangamba sa ano mang mangyayari dahil alam kong sya ang tatapos sa aking buhay.
(Jess PoV)
Hindi ako makapaniwala sa nangyari, para akong pinaglaruan ng tadhana.
"sino kaya sya?........"
"Tinapos nya ang buhay nung isang mamamaslang na walang lumabas na dugo mula dito"
"Hindi ko rin nasundan ang kanyang pagkilos, at parang nahulog pa ako sa kanyang bitag"
"sya kaya ang Last Shadow..?
"Ginawa nya akong payaso grrrrrrr... magbabayad sya..."
Sigurado akong magpapakita syang muli.......
hmmm Mukhang nagugustohan ko na ang misyon ko na ito .......
Itutuloy>>>>>>>>>>>>
A/n
Hindi ako gaanong marunong gumawa ng action scene na pasulat :(, sana maimagine nyo yung nangyayari ^____^
hanggang sa muli.......
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...