(Last Shadow Point of view)
Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko., malinaw na lahat ng mga isinulat nya ay pawang katotohanan.
At ako ang hindi nakakaalam nito, sinadya ng himpilan na hindi ipaalam ang katotohanan sa likod nito para hindi ko malaman na ito ay taliwas sa hangarin ng assassin's guild.
..........
"kailangan ko nang bumalik baka hinahanap na ako ni Ama, Sapat na siguro ang nakita mo para sa hinahanap mong katotohanan"
nawala na sa isip ko na kasama ko pala sya...
Hindi ako makapagsalita para akong nahihiya sa kanya, bakit ako nakakaramdam ng ganito. Ang akala ko ay naglaho na lahat ng pakiramdam sa akin.
"wala ka namang dapat ikalungkot kung hindi ikaw ay malamang may iba silang uutusan para gawin ang misyon na patayin ang Ama ko.., Ito na siguro ang kapalaran ng aming Kaharian"
"Ganun paman hanggang ngayon patuloy parin akong umaasa na hindi masayang ang mga luha ng aking Ina."
Mabibigat ang kanyang mga salita, sa murang edad nya ay bukas na ang kanyang isipan.
Lumakad na sya palabas, at ako ay sumunod na parang wala ako sa aking sarili.
Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang makarating kami sa isang lamaking pintuan ang ganitong pintuan ay kalimitang makikita sa bulwagan ng palasyo.
Bigla syang tumigil at humarap sa akin.
Nagulat nalang ako nangsya ay biglang natumba patungo sa akin.
Kung iiwasan ko sya maaari syang masaktan, kaya hinayaan ko syang mapakapit sa akin.
ang mga kamay nya ay nakahawak sa aking balikat at ang kamay ko naman ay nasa bandang beywang nya.
Bakit ganito ang pakiramdam ko?...ngayon lang ako nakadama nang ganito..?
ganito ba ang pakiramdam ng niyayakap at yumayakap?
.......................
At bumukas ang pangunahing pintuan ng bulwagan
Nagulat ako nang bumungad ang pagkaramiraming tao....
nakangiti ang mga ito na parang inaasahan na ang mangyayari.
Biglang tumugtog ang orchestra at ang lahat ay pawang naghihitay sa aming gagawin.
"Paumanhin sayo, Hindi ko rin inaasahan ito, pwede mo ba akong samahan"
Parang wala na akong magagawa kundi ang paunlakan ang kanyang paanyaya
At kami ay bumaba ng hagdanan patungong Bulwagan.
Nakatingin ang lahat sa amin, ngayon lang ako nakaranas ng tingnan ng pagkaraming tao.
nakakapit sya sa braso ko habang kami ay bumababa.
Pagbaba sa Bulwagan sinalubong kami ng isang lalaki.
Hindi ako pwedeng magkamali sya ang Main Pillar, ipinakita sa akin ang larawan nya noong ibigay sa akin ang misyon sa himpilan.
Lumapit sya kay Earith at may ibinulong sya...
"Anak bakit di mo sinabi sa akin ang tungkol sa kanya., subrang busy ko siguro talaga at hindi ko na namamalayan dalaga na nga pala ang anak ko"
Mahina ang bulong nya subalit sa akin ay para narin nya itong isinigaw.
"Ano nga pala pangalan nya anak?"
"hah.. ah eh he.. Hero po Ama"
Hero ang sinabi nyang pangalan ko, siniko ko sya sa tagiliran.
"hindi mo kasi sinabi pangalan mo sa akin eh...."
"Mga kaibigan tunghayan natin ang pagsasayaw ng aking anak at nang kanyang kasintahan na si Hero"
Nagpalakpakan ang lahat at nagiba ang tugtog ng orchestra,
ano ang ibig sabihin ng kasintahan?
Hindi pa ako kailan man nakapagsayaw.. anong gagawin ko
"Ano ba tong ginagawa mo hindi ako marunong sumayaw ang alam ko lang ay ang tumapos ng buhay, naiintindihan mo ba"
"alam ko., kaya nga nagiisip ako eh., teka mabilis ang mga mata mo diba?"
"sundan mo lang ang gagawin ko okay ba yun"
"Bahala ka... gawin mo na"
At sya ay sumayaw na sinundan ko bawat galaw nya naparang isa lang kaming kumikilos
nakikita ko sa mga mata ng mga tao ang kanilang kagalakan.
at biglang nagbago ang tugtog mas mabagal ito kaysa dati.
Inilagay nya ang kamay ko sa beywang nya at yung kamay nya inilagay nya sa balikat ko.
mas madali yung ginagawa nya ngayon sinasabayan lang namin yung tugtog.
Nakatingin sya sa akin habang sumasayaw kami.
Ano ba itong nararamdaman ko parang sumasakit ang dibdib ko.
tapos parang namamanhid ang katawan ko., may kakayahan ba syang manghigop ang lakas?
"Salamat nga pala, hindi ko akalaing hahantong tayo dito., ipagpaumanhin mo narin ang mga nangyari.."
"Hmmp.. wala naman akong magagawa eh, ayaw kong mapahiya kapa sa kaunting mga araw mo"
Mayamaya ay nagsisayaw narin ang iba....
lumapit sa amin ang kanyang ama, iniabot ko ang kanyang kamay sa Ama nya at ako ay umalis na ng intablado.
Pinanuod ko lang sya sandali habang nagsasayaw sila ng Main Pillar
Nakatingin parin sya sa akin, napaka amo nang mukha nya kung ordinaryong lalake lang ako ay tiyak na mabibighani ako sa kagandahan nya.
Subalit ako ay isang Assassin at walang puwang ang ano mangemosyon para sa akin.
at isa pa hindi ako dapat magkaruon ng kahinaan.
gagamitin ko ang shadow step para makaalis ako dito ng walang nakakakita sakin.
Salamat sa Sandali.......Paalam Binibini............
Itutuloy>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Ficção Histórica>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...