(Jess Point of View)
.........IKAW?....!
Lumingon ako subalit hindi ko sya makita.
At maya-maya lang ay parang hindi ko na maramdaman ang katawan ko...
Anong nang yayari sa akin?.
"Hihiramin ko lang sandal ang katawan mo, ito lang ang nakikita kong paraan?"
"Anong Ibig mong sabihin?"
"Nasa Ilalim ka ng aking Shadow Binding "
"wala na akong panahon para magpaliwanag ..ito na sya!"
Naramdaman ko nalang na gumagalaw ang aking katawan subalit wala na akong control dito.
Nakapagtatakang mas mabilis na akong gumalaw kaysa dati at naiwasan ko ang pagatake nung mamamaslang.,
Ilang beses din syang paulit-ulit na umatake sa akin subalit lahat ito ay naiwasan ko,
Sa aking pagiwas ay nakita ko ang punyal na noo'y nakatarak pa sa leeg nung isang mamamaslang
Agad ko itong hinugot at isinaksak malapit sa puso nang umaatakeng mamamaslang.
Agad itong bumagsak sa lupa.
"ganito ba makipag laban ang Last Shadow?"
Ni hindi man lang nya ginamit ang ispada na nasa likod ko, at ang isang assassin na tulad nya ay mabilis nya lang tinapos.
"Ibinabalik ko na sayo ang katawan mo, subalit kailangan mo munang magpahinga dahil wala kanang lakas na natitira,"
"Hanggang sa muli.... Death guard"
Naramdaman ko na uli ang katawan ko," ahhh.."nanghihina na ako at parang nanglalabo na ang aking paningin
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari at tuloyan ng nagdilim ang aking paligid....
(Earith Point of View)
" Ama natatanaw ko na ang ating karwahe"
Kanina ay narinig ko ang musika ng Last Shadow, kaya iniwan ko na si Jess
Nararamdaman kong narito sya para pigilan ang mga mamamaslang.
Subalit kanina lang parang biglang humina ang tibok ng puso ni Jess
, matapos bawian ng buhay yung isang mamamaslang.
Natitiyak kong nawalan sya ng malay.
"Sandali lang po Ama"
"Bakit anak?"
"Babalikan ko po si Jess"
"Subalit mapanganib Anak hayaan mo nang yung mga kawal"
"Wala na po ang mga mamamaslang at kailangan ni Jess ng Tulong"
"At ako ay tumakbo patungo ka kinaruruonan nila."
Nadatnan ko si Jess na wala ng malay sa tabi ng noo'y walang buhay na mamamaslang.
Lumulubog na ang araw at unti-unti ng nabalot ng dilim ang buong libingan.
Nasa paligid lang sya subalit hindi ko sya makita, alam kong pinagmamasdan nya ako mula sa malayo.
"Salamat sa isa pang araw na ito Last Shadow" bulong ko sa sarili ko habang tinatanaw ko ang papalubog na araw,
Ilang saglit pa at dumating na si Ama kasama ang ilan sa mga kawal.
Dinala naming si Jess sa pagamutan upang maalis ang lason sa katawan nya.
Hanggang sa makaalis kami ay nanatili sa Libingan ang Last Shadow.
Ano kaya ang nasa isip nya?
Bakit kailangan nya kaming tulongan para lang panindigan ang kanyang nasabi.
At si Jess itinaya nya ang buhay nya para iligtas kami, nasisiguro kong wala ito sa misyon nya ,...ano kaya ang dahilan nya sa pagsunod sa amin.?
(Last Shadow Point of View)
Nakaalis na sila.,
Nakapagtatakang parang alam nya ang aking presensya, nababasa ko sa mga labi nya na nagpapasalamat sya sa akin.
Mayroon syang kakaibang kakayahan....
Ang isapang ipinagtataka ko ay yung death guard anong ginagawa nya dito? Nakuha pa nyang itaya ang buhay nya,
bumaba na yata ang kabayaran sa mga death guards.,
subalit ang death guards ay hindi kumikilos ng mag-isa, malamang may natatagong lihim sa likod nito., at ang pakikialam nung isang death guard ay kusang loob nya.
Ganun pa man magpapasalamat narin ako sa kanya.
.......
.... dito na ako magpapalipas ng gabi..siguradong tahimik ang lugar na ito.
....
Ito pala ang libingan ng pamilyang Neplim..
Halos lahat sila ay pinaslang ng mga assassin, at Halos isang taon lang ang pagitan.
Dalawa nalang pala silang natitira., kapag tinapos ko ang buhay nila tuluyan nang makukumpleto ang libingang ito.
Ano kaya ang dahilan ng Emperio upang ipaubos nila ang pamilyang Neplim.
Sa pagkakaalam ko ay sila ang royal family na nagtayo ng Fuertevil Kingdom.
Subalit ito ay pinabagsak na ng Emperio,
"........ Ano ba tong iniisip ko.."
Isa akong assassin at ang pagpaslang ang aking sinumpaang tungkolin.,
Wala na akong pakialam sa kwento sa likod nito., ang misyon ay ang tapusin sila at yung ang aking gagawin sa aking itinakdang araw.
......
"huh" ito siguro ang puntod ng kanyang Ina
Kamukha pala nya ang kanyang Ina., sayang lang at hindi maganda ang kanyang kapalaran.
May libro na pinagpapatungan ng kanyang larawan.,
" Fuertevil Kingdom The Hope of Terea"
Ano kaya ang kwento sa likod nito?
Wala akong karapatang makialam sa kwento nito subalit maaari ko itong malaman.
Mahaba pa ang gabi may oras pa akong magbasa.......
Itutuloy>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Ficción histórica>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...