(Earith Point of View)
Tuloyan nang maglaho ang musikang nakapagbigay sa akin ng panandaliang kapanatagan
Hindi ko alam kong bakit para akong nalungkot,.. Pero magkikita pa kami,.....pagkalipas ng isang
linggo babalik sya, at maririnig ko itong muli.
Tumakbo pababa ng hagdan si Jess, magtutungo siguro sya sa kinaruruonan ng kanilang pinuno.
Hindi parin ako makarecover sa nangyari kanina, nagtungo ako sa gitna ng harden ng bulaklak at nahiga ako doon at lumanghap ng sariwang hangin.
Sariwa at mabango ang hangin, nakapagtatakang ang isang pusakal na mamamaslang ay magaaksaya ng panahong humiga rin dito.
Hindi ko parin maintindihan ang musikang nagmumula sa tibok ng puso nya, Taliwas ito sa nakakatakot ng kwento tungkol sa kanya, mapayapa ang pakiramdam ko habang naririnig ko ito. Para akong nasasabik na marinig itong muli, marahil siguro sa ngayon lang ako nakadama ng kapayapaan sa bawat tibok ng puso na narinig ko na.
At ang isa pang ikinagugulat ko ay ang edad nya, akala ko ang Last Shadow ay isang Matandang dalubhasa sa larangan ng pagpaslang dahil sa reputasyon nito, subalit parang kasing edad ko lang din pala sya, paano nya naabot ang ganun sa murang edad nya? nakita kung matalim pero may lungkot sa mga mata nya,.. ano kaya ang kanyang mga pinagdaanan, at paano sya naging isang mamamaslang wala na kaya syang mga magulang?
Ano ba itong nagyayari sa akin sa halip na matakot ay lalo pa akong nananabik na makita at makilala sya..........
"hah ano itong nakakapa ko..... mga bulaklak na pinitas, malamang sya ang pumitas nito para amoyin.." inamoy ko rin ito
"kung ganun may pag-asa pa.... hindi pa sya tuloyang nasasakop ng kadiliman... may bahagi pa sa puso nya na pilit lumalaban dito"
"at yun ang musikang naririnig ko, ang musikang bumighani sa akin"
"Nakakapanabik ang araw na muli syang babalik para tapusin ang buhay ko"
Para biglang lumakas ang aking katawan at tumayo ako., walang dapat masayang na sandali
Mayroon lang kaming isang linggo.
Dali-dali akong bumaba at tinungo ang kwarto ng aking Ama.
Wala na doon ang mga death guards, agad kung niyakap ang aking Ama.
"Ama mabuti at ligtas ka"
"OO anak natutuwa din ako at buhay pa ako para yakapin ka"
"Ama binigyan lang nya tayo ng isang linggo"
"Anong ibig mong sabihin anak?"
"Nakita ko ang Last Shadow, akala ko nga katapusan ko na"
"Nakahanda na sana akong mamatay pero, hindi nya ito itinuloy"
"at sabi nya bibigyan daw nya tayo ng isang linggo, tapos babalik sya para tapusin ang buhay nating dalawa"
Hindi nakapagsalita ang aking Ama, Ni minsan hindi pa sya nagduda sa mga sinasabi ko.
"Sige anak, matulog kana para makapagpahinga ka, kung isang linggo nalang ang nalalabing araw natin, Ituturing natin itong mga Gintong Araw."
"Naiintindihan ko po Ama, Sige po pupunta na ako sa kwarto ko"
"ihahatid na kita anak"
(Earith's Father Point of View)
Mukhang napagod sya at nakatulog agad sya.,
Nakita nya ang Last Shadow subalit bakit subrang payapa ng mukha nya at walang takot sa mga mata nya.
Ano kaya ang kanyang ginawa para bigyan pa sya isang linggo para mabuhay, kahit ako minsan ay nahihiwagaan sa sarili kong anak.
Subalit kahit ano pa man ang nangyari, malinaw na ang dahilan kung bakit sya umalis nang hindi tinatapos ang buhay ko.
"Isang linggo...."
Buong buhay ko ginugol ko sa paglilingkod sa lipunan at para maitaguyod ang aming nawasak na kaharian, wala na akog itinira para sa sarili kong buhay.
Hindi ko rin na isip na may anak pala akong naghihintay ng aking pagkalinga at pagmamahal.
Nagpapasalamat narin ako sa Last Shadow, kahit papaano ay naintindihan ko na kahalagahan ng isang araw sa buhay.
At ang nalalabing araw sa buhay ko ay gugugulin ko para ipadama sa aking anak ang aking presensya at pagmamahal.
Kailangan ko na ring matulog dahil bukas ang umpisa ng aming mga Ginintuang Araw.
itutuloy>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...