(Jess Point of View)
Mabuti at nanumbalik na ang lakas ko, ang akala ko talaga matutuloyan na ako dun sa lason,.
Kumusta na kaya sya,.. isang araw na ang lumipas na hindi ko nagawa ang misyon na subaybayan sya.,
Pinagbawalan ako kahapon ng pinuno na umalis dahil hindi pa maayos ang makiramdam ko.
"Hoy Jess mukhang malalim iniisip mo ah sigurado ka bang ok kana?"
"Oy Ren ikaw pala., bakit ka naparito?"
"Ipinatatawag ka ng pinuno sa kanyang silid"
"Ah sige susunod na ako"
.....................
"Pinuno pinatatawag mo raw ako"
"Itutuloy ko na ba ang misyon ko na subaybayan yun anak ng chairman”
"Kalimutan mo na ang misyon na yun Jess"
"Hah.., pero pinuno., bakit..?"
"Dahil ba dun sa nangyari sakin., hindi na mauulit yun pinuno"
"hahaha sa nakikita ko mukhang nagustohan mo na ang misyon na yun., yung misyon ba talaga o yung anak ng chairman.."
"Hindi naman sa ganun pinuno pero naumpisahan ko na yun, kaya gusto ko ako mismo ang tumapos nito"
"Masyado kang defensive Jess ahahaha., gusto kong kalimutan mo muna ito sa ngayon, dahil mainit kana sa assassins guild."
"Sa nakikita nila ikaw ang dahilan ng kanilang kabiguan na taposin ang Chairman"
"Hindi lang magaling sa pakikipaglaban ang Last Shadow, kahangahanga rin ang kanyang kakayahang mag-isip, kahit alam ng himpilan na maykinalaman sya dito hindi rin nila ito mapatunayan dahil wala silang malinaw na ebidensya"
"Kaya lang dahil sa ginawa nya nabaling sayo ang galit ng himpilan ng mga assassin,"
"Ganun paman nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil bumalik ka sa amin ng buhay Jess"
"Patawag po pinuno hindi na po yun mauulit"
"hahaha ang pinamalas mo ay isang katangian na kailangan ng isang Death Guards kaya wala kang dapat ihingi ng tawad"
"Maiba ako, ipinatawag kita dahil may mas mahalaga akong misyon para sa inyo ni Ren"
"Magtungo kayo sa Lumang daungan ng Fuertevil, dadarating doon ang isang barko na lulan ang anak ng Emperador, gusto kong bantayan nyo ang daungan para sa kaligtasan ng anak ng Emperador"
"Magbabantay lang sa daungan dalawa pa kami ni Ren?, para namang meron pang may kakayahang magbayad sa assassins guild maliban sa Emperio"
(Ang Totoo alam kong kaya nyang mag-isa ang misyon, subalit may masama akong kutob sa assassins guild)
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, pero sa nakikita ko di pa tuloyang nanunumbalik ang lakas mo"
"Kayo po ang masusunod pinuno., aalis na po ako"
"Puntahan mo na si Ren,. alam na nya ang tungkol dito"
"Opo pinuno"
......................
(Siguradong magugulat sya pagnakita nya ang anak ng Emperador ,............)
(Earith Point of View)
Haay... umaga na pala? Parang magdamag akong gising @_@
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...