(Jesserie Point of View)
Andito na ako sa lumang palasyo ng Fuertevil, kakaunti lang ang bantay dito di gaya ng inaasahan ko, bakit kaya?.,
Base sa path na sinusundan ko anduon sya sa itaas.,
Madali lang para sa akin ang makarating doon.,
Kailangan ko lang itali itong lubid sa palaso., madali lang akong makararating sa itaas kailangan ko lang lampasan ang 3 bantay na yun.,
Si Miden na bahala sa kanila ha.
"Miden ikaw na bahala sa kanila, libangin mo muna sila"
"aw aw"
Nagtungo si Miden sa kinaruruonan ng mga bantay.
......
"Oy tingnan nyo ang cute naman ng tuta na to saan kaya to galing?*puppy eyes* "cho cho ang amo pa at ang cute nya *himas*..
.....
Ito na pagkakataon ko.....
At pinakawalan ko ang palaso na may nakataling lubid.."Tsuuk" tumusok iyon sa batong bubong ng palasyo.
........ginamit ko ang lubid para makaakyat.
Mabuti at umabot yung lubid hanggang dito sa toktok.
......
Huh! Ayon sya sa mismong lugar kung nasaan yung huling path.,,
Mukhang nakahanda syang umatake., dahil nakababa ang kanyang depensa,,.
Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito.,
Gagamitin ko ang pinakasigurado kong atake ang final blow ng death arrow.
Sa ganitong distansya hinding hindi ako magmimintis.....
Ito na ang iyong katapusan Last Shadow..."sa ngalan ng Hunters guild ang kamatayan mo ang magaalis sayo sa Hunters Black list.. kasihan nawa ako ng Inang kalikasan."
(sayang at magkasalungat ang ating landas)
Death arrow.... Final Blow..---------------à
(earith Point of view)
"Napaka bigat ng ginawa nyong pagkakamali, Ganun paman nagpapasalamat ako dahil sa akin mo nasabi ang tungkol dito, ako talaga ang dapat makaalam ng lahat ng ito at wala ng iba., ngayon alam ko na ang tungkol sa buhay nya mas maiintindihan ko ang tunog ng musikang nanggagaling sa kanyang puso.,"
"umalis kana bago ka pa makita ng mga bantay., wala akong karapatan na tapusin ang buhay mo., kung mayroong taong dapat gumawa nun yun ay sya"
.....
"kung ganun ikaw na ang bahala sa..... arghhhhh..."
"Hah!!! .. anong?"
Bigla nalang may palasong lumagos sa kanyang dibdib...
"Anong nangyari??.. Saan galing ang palaso?"
Tiningnan ko ang dereksyon na pinagmulan ng palaso.
Nakita ko ang isang babaeng may hawak na pana., kakaiba ang tibok ng puso nya, bata pa sya subalit buo ng ang loob nyang tumapos ng buhay.
Sa pagkakaalam ko isang grupo lang ang maykakayahang gumamit ng pana ng ganun ka epektibo sa layong iyon.
Isa syang Hunter.....
"Sino ka bakit mo ito ginawa?"
"Binibini sa pagkakaalam ko ay iniligtas ko ang buhay mo( hays di man lang nagpasalamat >^<) ., baliwala ang paghawak ng pana kung hindi mo ito kayang gamitin"
"Tapos na ang aking misyon, paalam na sayo"
........
Agad syang nagpatihulog pababa mula sa toktok ng palasyo.,
Anong gagawin ko?... kailangang madala sya agad sa pagamotan sa lalong madaling panahon.
Tatawag ako ng karwahe..,
........Huwag na Iha.." pinigilan nya ako
"hindi na rin ako magtatagal,... bumaon na ang palaso sa aking puso,.."
"aahh., ngayon alam ko na rin ang pakiramdam nang may isang matulis na bagay.. na..na..... nakabaon .. puso"
"Mapalad parin ako.... dahil..dahil madali ko lang itong mararamdaman...samantalang ....sya ..ay..narararamdan ito sa lahat ng kayang mga ...araw.."
"Makinig ka Iha..... hindi ko alam kung bakit wala kang spirito,.. subalit ang kawalan mo ng spirito marahil ang dahilan kung bakit ka nakalapit ka sa kanya... at hinayaan ka nyang pakapasok sa kanyang isipan,....dahil wala syang nararamdamang masamang aura mula sayo"
"Mapanganib ang mga spirito ng bawat tao,.. dahil ang iba ay nababalot ng kadiliman ang iba ay poot at pagkaingit., mapalad ka at hindi ka nabahiran ng alin man sa mga ito"
"Kung sakaling magkakaroon ka ng spirito.., wag mong hahayaang mangibabaw ito.. sa puso at isipan mo.."
....Opo.... yun po ay gagawin ko. (kung ganun wala pala akong spirito)
"Magtiwala ka sa naririnig mong mga musika at wag itong pagdudahan, ang lahat ng yun ay pawang katotohanan.. naniniwala akong magagawa mong ibalik sa kanya ang kanyang buhay..... gaya ng magawa mong mabuhay ng walang spirito."
"aaah.. ang .. halimoyak ng mga bulaklak dito ay... nagbibigay sa akin ng kapayapaan.. a...at.. kapanatagan.. salamat at mamamatay ako ng ma..pa..ya..pa................."
.................
Tumigil na sa pagtibok ang kanyang puso..
........paalam sayo nawa ay makamtan mo ang kapayapaan sa kabilang buhay.
.....
Mabuti na rin at mula sa nababagabag na tibok ng kanyang puso ay napalitan ito ng kapanatagan sa kanyang mga huling sandali..,
..........
..............anong gagawin ko? hindi pwedeng manatili dito ang kanyang katawan.
Aalis na sana ako para humingi ng tulong sa mga bantay ng........
..biglang may bumukas na parang isang lagusan sa gitna ng hardin...@
At narinig ko ang pamilyar na musika...
Parang ang tagal kong hindi ito narinig.,, kada tunog ay parang bumabaon sa aking dibdib..
Dahil marahil alam ko na ang tungkol sa buhay nya ng higit pa sa kanya.
Kitangkita ko sya habang lumilitaw mula sa pagiging isang anino.,
"....Magandang gabi sayo Binibining Earith Neplim"
.............
Hindi ako sumagot dahil siguradong hindi magiging maganda ang gabi nya sa kanyang makikita.
Itutuloy>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Fiksi Sejarah>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...