Chapter 3 "Nakabibighaning Tunog ng Puso"

728 24 2
                                    

              "Zuji at Ren magbantay kayo sa labas, Jess sa itaas ka," at isa isa na silang kumilos, yung lalaking may malaking ispada siguro ang kanilang pinuno, naiwan sya dito sa kwarto kasama ng Ama ko.   Wala pang isang minuto ang nakakalipas ay biglang nagbago ang tibok ng kanyang puso mas bumilis pa ito sa dati, ilang sandali lang ay biglang may pwersang bumalot sa buong kwarto, nagmumula ito sa pinuno ng "death guards" . Nakakatakot ang itsura nya halatang marami narin sya pinaslang, hindi ko rin gusto ang tunog na nanggagaling sa puso nya nakakairita ito.

         "huh!   ano ito...., Pati ang  3 pa nyang kasama nagbago rin ang tibok ng puso ng mga ito,.. bumilis lahat mukhang may naramdaman sila. Naririnig ko ito kahit malayo sila sa kinatatyuan ko. Sa aking kakayahan nalalaman ko ang kaibahan ng mga tao gamit lamang ang pagkakaiba ng tunog ng kanilang mga puso, iba ito sa bawat tao na parang mukhang pagkakakilanlan, Noon ay parang bangungot ito sa akin, subalit ngayon ito ang nagsisilbing mata ko sa mapagbalat kayong mundo. 

Dumating na kaya ang Last Shadow?..bigla akung kinabahan..

    "Ama dun muna ako sa kwarto ko" mas mapapanatag ang loob ni Ama kung wala ako dito, tutal  maririnig ko rin naman kung sakaling magtungo dito  ang Last shadow, saka andito naman ang death guards.

"sige anak.,"

Hindi alam ng Ama ko ang pagbabago ng sitwasyon, walang pagbabago sa kanyang reaksyon.

    Lumabas ako ng kwarto, ang totoo hindi ko talaga matagalan ang aura na bumabalot sa kwarto subrang init nito na hindi ko maintindihan, saka ng tunog ng puso nya ibang klase. 

        Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa aking kwarto...may bigla akong narinig na ibang tunog...kakaiba ito sa mga narinig ko na...marahan kalmado...at walang kahit anong pagbabago na tibok ng puso. .. ang musica nito ay parang nakakaadik na pabango sa aking pandinig... Nagmumula iyon sa Itaas ng palasyo.. dali dali kong tinungo ang hagdan at umakyat ako sa tuktok ng bubong ng palasyo. Sa tarangkahan ng tuktok ng bubong nakita kung nakatayo yung isang meyembro ng death guards si Jess yata yun sa pagkakatanda ko. Subalit hindi sa kanya nanggagaling ang tunog na yun. 

"Saan ka pupunta magandang binibini"... tanong nya, nung una akala ko ay isa syang babae ang haba kasi ng buhok nya.

"Magpapahangin lang sana ako" ..at pinalampas nya ako, may aura din na bumabalot sa katawan nya tulad ng pinuno nila hindi ko ito maintindihan.

malakas na ang tunog na naririnig ko ibig sabihin malapit na ako sa pinagmumulan nito.

Kinakabahan ako kasabay ng aking pananabik, habang papalapit ako ay lalong para akong dinuduyan sa tunog ng kanyang puso, ngayon lang ako narinig ng ganito, akala ko bawat tibok ng puso ay pagkatakot o pagkabagabag lang, meron din palang parang umaawit at nakabibighaning pakinggan.

Malawak din ang tuktok ng palasyo maraming nakatanim na puno dito, dito ako madalas magtambay kung gusto kung magpahangin. 

Sa di kalayuan may natanaw akong nakahiga sa gitna ng malawak na hardin ng bulaklak. 

Ginagawa ko rin ito kapag gusto kung panuorin ang mga bituin, at dito din sa gitna ng mga bulaklak. 

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang tunog ng kanyang puso nang malapitan. 

Kakaiba ang pakiramdam ko para akong lumulutang kasama ng hangin at ang tibok ng kanyang puso ay musikang nagduduyan sa akin. 

Iminulat ko ang mga mata ko at dahan dahan akong lumapit, 

natutulog ba sya!? nakapikit  ang mga mata nya,.... malapit na ako sa kanya sapat na para makita ko ang mukha nya,..

huh!!" isa lang din syang teenager tulad ko,  ma-amo at mapayapa ng mukha nya, subalit ngayon ko lang sya nakita...... HINDI MAAARI ITO....baka sya ang.........La.....

Itutuloy>>>>>>>>>>>>>>>>>

Sino kaya itong may nakabibighaning tibok ng puso?.......sasusunod na kabanata.

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon