chapter 26 "Dalisay na Dugo Bilang Papugay"

379 15 3
                                    

(Earith Point of View)

Kinakabahan ako sa maaaring maging reaksyon nya sa kanyang makikita.

......

"huh"

......."ang matandang supremo???"

..........nalumanay lang ang kanyang tinig.

Nilapitan agad nya ito at hinawakan ang dibdib na noon ay nakabaon pa ang palaso.

Bahagyang nagbago ang tibok ng kanyang puso..at ang musika ay nakalulungkot sa akin.

Nalulungkot sya subalit hindi mo ito makikita sa kanyang mukha.

Tinanggal nya ang palaso mula sa dibdib at gumuhit sya ng pakrus sa kanyang dibdib gamit ang talim ng palaso.

Alam kong nagluluksa sya, kahit papaano ay itinuring nya rin itong kanyang tunay na magulang.

Subalit bakit hindi ko ito nakikita., naririnig ko lamang ang mga ito mula sa kanyang puso.

Gusto ko syang lapitan o kaya ay yakapin subalit wala akong lakas para gawin yun., 

.....naka tingin lang ako sa kanya 

Hindi man lamang sya nagtanong sa kung anong nangyari,?

Marahil ay napagalaman nya na ang lahat gamit ang matalinong pagsusuri.

Tumayo sya nabuhat ang walang buhay na katawan ng kanyang itinuring na Ama.

Nagbukas muli ang isang lagusan...

Paalis na sya,.. subalit ang aking mga paa ay pawang mga walang buhay at ayaw ding gumalaw.

.....

Ano pa ba ang ikinatatakot ko sa maaaring mangyari?

Ano pa ba ang dapat pumigil sa akin para gawin ang nais ko?

.....wala naman dapat.. 

"Sandali lang.. Hero"

Bigla syang napatigil sa paghakbang, marahil ay dahil sa narinig nyang muli ang pangalang iyon.,

....at niyakap ko sya mula sa kanyang likuran....

...."Bakit hindi ka magsalita??"

"Bakit ayaw mong ilabas ang iyong lungkot"

"Bakit hindi mo hayaang dumaloy ang iyong luha"

.....

...at ang tuluyang dumaloy ay ang aking sariling luha.......

......

"Huwag mong ilapat ang katawan mo sa akin dahil ang katawan ko ay nababahid ng dugo" 

"Huwag mong dungisan ang dalisay mong pagkatao, para sa isang taong nabubuhay sa kadiliman" 

"Ang katawan mo lamang ang nababahid ng dugo subalit ang puso mo ang aking niyayakap, at walang saysay ang dalisay kong pagkatao kung ikaw ay mananatili sa kadiliman" sagut ko na nanginginig ang aking boses..

"Nang una kong marinig ang musika ng iyong puso nabighani agad ako dito, at sa unang pagkakataon ay nakarinig ako ng musikang nagbibigay ng kasiyahan sa akin, kahit iyon ay galing sa taong syang tatapos ng aking buhay"

"Yun ang dahilan sa likod ng aking mga ngiti"

".......yun ba ang dahilan?... Nakapagtatakang sa puso isang tulad ko ay may maririnig kapang magandang musika."

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon