Chapter 1 "Liham Mula sa Last Shadow"

1.1K 28 9
                                    


                     Malalim na ang gabi pero balisa parin ang mga bantay ng palasyo na tinitirahan nang Pangunahing Haligi ng Umbrella Pillars Association(UPA). Panhik-panaug sila sa mga hagdan at labas-masok sa mga tarangkahan. Sa bakuran nagkalat rin ang mga bantay at mga asong handang lumapa sa sinumang magtatangkang pumasok.    

                Hindi mo sila masisisi nakatanggap ang aking Ama ng liham mula sa isang mala-alamat na mamamaslang na kilala sa tawag na "Last shadow". Wala pang nabuhay pagkatapos makatanggap ng liham mula sa kanya.

                    "This night is your chance to look at your Last Shadow"                  

Ito lagi ang nilalaman ng kanyang liham,  gamit ang itim na tinta at may tatak ng kanyang dugo.

            Nakakatakot ang mga kwento tungkol sa "Last Shadow" Hindi na mabilang ang mga taong pinaslang nya, halos lahat may mga katungkolan at mataas na posisyon sa lipunan. Bihasa sya sa paggamit ng ibat-ibang uri ng sandata at wala syang awa kung pumatay. Ang sinumang makakita sa kanyang mukha ay hindi na mabubuhay para ipagsabi ang tungkol dito, tiyak na mamamatay  bata man  o matanda. Ang pangalan nya ay kumalat sa buong Kontinente na parang isang buhay alamat.

            May kwento din na sinasabing pinaslang daw nya ang lahat ng naninirahan sa isang bario sa di malamang dahilan, ang bario "Unides", ito ay isang mapayapang bario na pinaninirahan ng hugit kumulang isang daang pamilya na ang ikinabubuhay ay pagsasaka lamang, hindi parin matukoy hanggang sa ngayon ang tunay na dahilan nang pagpaslang sa kanila.

           Kapag naiisip ko ang kalunos-lunos na sinapit ng mga pinaslang nya nagaapoy ako sa galit. kung mayroon lang akong kakayahan para harapin sya.....

          Di magkamayaw ang kalabog ng mga dibdib ng mga bantay, natatakot sila sa pwedeng mangyari sa buhay nila. kinig na kinig ko ang bawat tibok ng kanilang puso. bawat tibok ay tunog na mensahe sa akin. ang tunog na naririnig ko ay ang pagkabalisa at pagkatakot. 

           Ngunit iba ang sa aking Ama paiba-iba ito, sa tuwing makikita nya ako nagiiba ang tibok ng puso nya bigla syang kinakabahan mula sa pagiging kalmado. Handa sya sa ano mang mangyayari subalit natatakot sya para sa akin. 

         Hindi ko hahayaang mawala sya, sya nalang ang natitira kong pamilya, wala mangmagagawa ang aking kakayahan para galusan ang "Last Shadow", handa akong ibuwis ang sarili kung buhay para sa ama ko at sa layunin ng UPA. Maraming tiwali at masamang nanunungkolan, subalit hindi ang aking ama, ako ang higit na nakakaalam dahil nababasa ko ang mensahe sa bawat tibok ng kanilang mga puso. Tapat ang aking Ama sa tungkolin nya na itaguyod at ibangon ang aming nawasak na pag-asa. 

 Itutuloy>>>>>>>>>>>>


Sasusunod na kabanata, Kilalanin ang "Death Guards" at ang Kontinente ng Terea.






The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon