Chapter 13 Day Three "Ang Katotohanan sa Likod ng mga Bulaklak"

494 17 3
                                    

(Earith Point of View)

Umaga nanaman.....Haaay ano nanaman kaya ang naghihintay sa amin sa araw na ito.

bakit kaya ganun yung panaginip ko...?

 nasa libingan parin daw ako ng aming mga ninuno at naririnig ko himig ng puso ng Last Shadow habang ako at nakahiga sa puntod ni Ina.,

Ano kaya ibig sabihin nun?..... ganun pa man isang mapayapang gabi nanaman yun para sa akin., bakit kaya lagi ko syang napapanaginipan, at ang musika ng kanyang puso ay hindi maalis saisipan ko.

May plano kaya si Ama sa araw na ito? hmm nasaan kaya sya?.....

Parang medyo maingay yata ngayon., bumalik na siguro ang mga tagapagsilbi ng palasyo.

Lumabas ako ng kwarto ko at lumakad sa pasilyo patungong bulwagan kung saan nanggagaling ang ingay.

Nagulat ako nang tumambad sakin ang magkaramiraming tao.,, may mga bata at matanda.

"Anak ko gising kana pala., napapansin ko nitong mga nagdaang araw mukhang maganda ang tulog mo."

"Oo nga po Ama.., Ano pong meron Ama? sino po ang mga bisita natin.,"

"Hindi mo ba sila nakikilala sila ang mga pamilya ng mga tagapagsilbi ng palasyo., gusto kong magdaos nang isang salo-salo para sa mga tapat nating tagapag silbi."

"Maligo kana at magbihis anak ngayong araw ay dito lang tayo sa palasyo kasama ang matatapat nating lingkod"

"Parang maganda po yang naisip mo Ama, sige po..."

"Ah sya nga po pala Ama ano po balita sa pagamutan?"

"ang sinasabi mo ba ay yung death guard?"

"opo Ama... kumusta po kalagayan nya may balita po ba ang mensahero?"

"Oo nga pala.. buti nabanggit mo.. sabi ng mensahero na maayos naman daw ang lagay nung death guard sa katunayan naglakad na sya palabas ng pagamutan na parang walang nangyari."

"aah mabuti naman po kung ganun.. sige po Ama"

"sige anak hihintayin ka namin"

Mabuti naman at ok lang si Jess, pero wala sya dito sa palasyo sa mga oras na ito, dati-rati ay nararamdaman ko sya na nasa kakahoyan sa labas ng palasyo. marahil ay hindi parin maayos ang kalagayan nya.

Agad akong naligo at nagbihis,

Kasuotan ng isang prinsesa ang ipinasuot sa akin ni Ama, sayang naman daw kung hindi ko isusuot ang mga yun,

gulat na gulat ang lahat ng ako ay bumaba ng hagdanan patungo sa bulwagan.

Naglalakihan ang kanilang mga mata, ngayon lang yata sila nakakita ng isang prinsesa.

Nagpugay sa akin at akmang luluhod pa sila, agad ko silang pinatayo.

"Hindi na po ninyo kailangang gawin yan hindi po ako ganap na prinsesa dahil wala na ang aming kaharian."

"andito ako sa harap nyo ngayon bilang isang kaibigan"

nagpalakpakan sila at makikita ang ligaya sa kanilang mga mata.

"ahaha napakaganda talaga nang aking anak"

"si Ama talaga hayaan nyong yung iba ang magsabi hindi kayong Ama ko ehhihi"

"Talaga pong kabighabighani ang iyong ganda mahal na prinsesa." sabay sabay nasabi ng aming mga panauhin.

"Salamat po..... "

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon