Chapter 22 Day Six "Ang Replika na walang Kaluluwa"

410 15 3
                                    

(Earith Point of View)

"Magandang umaga Anak"

Ha,.. umaga na?.,Bakit ganun yung panaginip ko?.., "Magandang umaga din po Ama"

Parang maykislap sa mga mata ni Ama ano kaya ang magandang nangyari?

"Ama mukhang iba ang umagang ito para sa inyo ah., may maganda po bang nangyari"

"Hindi lang ito maganda para sa akin Anak, maganda ito para sa lahat"

"Pumayag na si Prinsesa Leony na gawin ang aking panukala na itayong muli ang Fuertevil Kingdom"

"Ngunit paano po nya napapayag ang Emperador Ama na sa una palang ay ninais nyang tuluyang wasakin ang ating kaharian, dahil itinuturing nya itong hadlang sa kanyang Emperio"

"Walang impossible kay Prinsesa Leony,. ang talino nya ay namana nya siguro sa ninuno natin nagtayo ng Fuertevil Kingdom"

"Bukas ay magtutungo sya dito sa Palasyo para pagusapan ang tungkol dito"

"Bukas po Ama?...

"Oo anak bukas.. bukas din ang itinakda ng Last Shadow na araw hindi ba?"

"Bukas pagkatapos ng pagpupulong,. matapos kung ibigay kay Prinsesa Leony ang buong palasyo., haharapin ko ng buong puso ang aking katapusan,.. sa kamay ng Last Shadow"

"Ang ibinigay na araw ng Last Shadow ay naging liwanag sa aking isipan, at naging pag-asa ng ating kaharian,. At isang karangalan para sa akin na mamatay sa kanyang mga kamay"

"Sa pamumuno Prinsesa Leony ang Kaharian ng Fuertevil ay mananatili sa kamay ng isang Neplim at ang lakas nito ay manunumbalik at magbibigay pagasa sa buong Terea"

"Pero Ama hindi mo na kailangang mamatay,.. kung wala kanang kapangyarihan sa kaharian wala ng dahilan ang Emperio para ipapatay ka..!"

"Subalit at katapusan ko ay napagdisesyon na noong una palang na nagtungo dito ang Last Shadow., binigyan ako ng Last Shadow ng pitong araw dahil sayo,. Ang pag-asang ibinigay ng Last Shadow ay dahil sa tapang na ipinamalas mo anak, Ikaw nga ay isang tunay na liwanag sa amin."

"Pero Ama....!"

"Maiintindihan mo rin ako balang araw anak"

"Aalis muna ako para makipagpulong sa mga pinuno ng Umbrella Pillars Association kailangan maintindihan nila ang tungkol dito upang hindi magkaroon ng problema si Prinsesa Leony"

"Sige po Ama magiingat ka.."

...........

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon