Chapter 24 "Ang Kwento sa Buhay ng Last Shadow"

448 12 2
                                    

(Supremo Rodrigo Point of View)

Ang Kwento tungol sa Pagkatao ng Last Shadow

"Ang Bario Unides....,"

"Ito ay isang pamayanan sa bandang silangan ng Dating Fuertevil Kingdom, ang mga mamamayan dito ay payapang na mumuhay sa pamamagitan ng pagsasaka.,"

"Ayon sa Alamat,... Noo'ng ang Terea ay bago pa lamang ang unang nanirahan dito ay ang mga matatapang at malalakas na mga mandirigma na kung tawagin ay mga Ancient, hindi pa matukoy kung saan sila nagmula, subalit pinaniniwalaang andito na sila sa Terea mula ng isilang ang Terea mula sa mga luha."

"Hindi pa rin matukoy ang dahilan kung bakit mula sa pagiging mga matatapang at malalakas na mandirigma ay namuhay silang bilang mga mapayapang magsasaka sa kasalukoyang panahon dito sa Bario Unides."

"Subalit ang kapayapaan ay natapus sa Unides., ng dahil din sa bahagi ng isang alamat....."

"limang taon bago bumagsak ang Kaharian ng Fuertevil, Isa sa prinsesa ng kaharian ang umibig sa anak ng pinuno ng Bario Unides, Hindi naman tinutolan ng magkabilang panig ang pagiibigang at pinili nilang mamuhay sa mapayapang Bario Unides., Namuhay sila dito ng mapayapa at biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol."

"Lingid sa kaalaman ng nakararami may bahagi ang alamat na nagsasabing Kapag ang Dugo ng matatapang at malalakas mandirigmang Ancient at dugo ng kilalang mahiwagang lahi ng Neplim ay nagsama ang Anak nito ay magiging syang pinakamalakas at makapangyarihan sa buong Terea."

"At ang lahat ng ito ay nalaman ng Assassins Guild,.. Binuo ang assassins guild upang mapanatili ang kaayosan sa buong Terea sa pamamagitan ng pagpigil sa mga maiitim na balak ng ilang mga tao lalo na yung nasa kapangyarihan, dahil sa pamahirap at mapanganib na mithiin kinakailangan ng Assassins Guild ang pinakamalalakas na mandirigma sa buong Terea".

"Nang malaman ng Assassins Guild ang Tungkol sa bagong silang na sanggol, agad nila akong inutosan para dukutin ito., Dahil ako ang Shadow Master sa mga panahong iyon madali ko lamang itong nagawa."

"Kinupkop ng Assassins Guild ang sanggol at isinailalim sa matinding pagsasanay.. ang pagsasanay na ginawa sa kanya ay higit sa pagsasanay ng isang assassin, inumpisahan ito ng sya isa palamang sanggol hanggang sa sya ay matutong lumakad, at ako ang naatasang gawin ang lahat ng pagsasanay sa kanya.,"

(A/N: Baka po nagtataka kayo kung paano sinasanay ang isang sanggol, ganito po yun,.... sinasanay ang isang sanggol sa maraming paraan halimbawa nalang dito ang sanayin sya sa mainit at malamig na paligid, sinasanay din silang hindi umiyak kahit nagugutom o kahit nakakaramdam ng sakit, at pinatutulog din sila ng nakabitin sa isang mataas na lugar. Ilan lamang po yan mga pagsasanay na pwedeng pagdaan ng isang sanggol sa Assassins Guild)

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon