Hindi maari baka sya ang Las................
Biglang nagmulat ang mata nya... hindi ko na alam ang nangyari bigla nalang syang napunta sa likuran ko.
May hinawakan sya na parte ng katawan ko tapos hindi na ako makagalaw. hindi manlang nagbago ang tibok ng puso nya?
"Sino ka paano ka nakalapit sa akin nang hindi ko namamalayan". tanong nya sa akin, ibang klase ang boses nya nakakatakot pero parang masarap pakinggan ito.
"Ha!? hindi ko alam!!.. bakit ako ang tinatanong mo?,"
"Isa kaba sa mga tinatawag nilang death guards?" madiin nyang tanong
"Ako ang anak ng may-ari ng palasyong ito," nilakasan ko ang loob ko
"Ako ang dapat magtanong sayo?" nanginginig ang boses ko
"Anong ginagawa mo dito? Ikaw ba ang tinatawag nilang Last Shadow?"...
"wala ka sa posisyon para magtanong, hawak ko ang buhay mo binibini"
Sigurado akong sya ang Last Shadow walang sinumang makakaakyat dito sa roof top.
Isa lang ang pwedeng daanan patungo dito yun ay ang tarangkahan na binabantayan nung isang death guards, nagkalat ang bantay sa labas.. papaano.......?
"wala ako sa posisyon magtanong pero pwede akong magsalita",.... yan ba ang sinasabi mo sa mga taong pinaslang mo?. Maaring hawak mo ang aking kamatayan pero hindi ang aking buhay,"
"Ikaw bilang mamamaslang kamatayan lang ang pwede mong ibigay at panghawakan subalit kami parin ang may hawak sa aming mga buhay"
"mas nakakaawa ka kaysa sa mga taong pinaslang mo".. mariin kong sinabi
"Kung papatayin mo ang aking ama, inalis mo narin ang aking dahilan para mabuhay, at handa narin akong mamatay, kaya ngayon dedesisyonan ko na ang katapusan ng aking buhay"
"Kahanga-hanga ang katapangan mo binibini, ang mga taong pinaslang ko ay nagsusumamo sa kaninang mga buhay kaya ako ang nagdedisyon na tapusin ang buhay nila".
"Hindi na masarap tapusin ang buhay nang taong nagdesisyon nang mamatay"
Binitiwan nya ako,.. alam kung Itutuloy nya ang kanyang balak na taposin ang Ama ko.
"sige kung hindi mo ako tatapusin sisigaw ako at siguradong maaalarma ang mga death guards at ang mga bantay". lumuluha na ang mga mata ko.
Bigla sya tumigil at........ namalayan ko nalang nasa harap ko na sya, halos isang dangkal lang ang pagitan nang aming mga mukha, at naramdam ko naunti-unting may lumalabas na patalim mula sa ilalim ng braso nya patungo sa aking leeg.
Ipinikit ko ang aking mga mata, "ito na yata ang katapusan ko" sabi ko sa sarili ko.
iba talaga ang tunog ng kanyang puso wala parin itong pagbabago kahit sa oras na papaslang na sya ng tao.
subalit kong ganitong musika ang maririnig ko sa oras ng aking kamatayan parang masaya narin ako.
At ako ay napangiti....
Nang ngumiti ako biglang nagbago ang tibok ng puso nya, maganda paring pakinggan pero mas mabilis na ito,.....
Iminulat ko ang mata ko at nagtama ang aming mga mata....
Hindi ito ang mata ng isang pusakal na mamamaslang.....
Bigla syang lumayo sa akin pero nakatitig parin ang mga mata nya...
Tapos tumalikod.......
"Isang linggo"... sabi nya, hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin sa isang linggo.
"Bibigyan kita nang isang linggo para makasama ang Ama mo"
"Pagkatapos ng isang linggo babalik ako para tapusin ang buhay ninyong dalawa"
"At ako ang nagdesisyon nun.... tandaan mo"
Tumalon sya sa gilid ng bubong at nagpatihulog sa lawa...
Nagkagulo ang mga bantay ng may marinig silang lagaslas ng tubig.
"Binibini ayos kalang ba dyan" tanong ni Jess na humahangus patungo sa akin.
"ha OO ayos lang ako".... hindi parin ako makagalaw parang namanhid ang buo kung katawan.
Paunti-unti akong lumakad na parang wala sa aking sarili patungo sa gilip ng bubong kung saan sya tumalon.
"Ako nga pala si Earith........ ikaw anong pangalan mo? Ikinagagalak kong makilala ka"
At tuloyan nang naglaho ang nakabibighaning tunog ng kanyang puso....
Itutuloy>>>>>>>>>>>>>>>
A/n
Ano kaya ang naghihintay na pangyayari sa isang linggong ibinigay ng Last Shadow.
Abangan ang susunod na kabanata....
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...