Chapter 12 "Ang Kaharian ng Fuertevil"

508 20 3
                                    

(Ang nilalaman ng libro)

"Fuertevil Kingdom the Hope of Terea" By: Earith Neplim

Ang Fuertevil Kingdom ay ang kaunaunahang kaharian sa Kontinente ng Terea.

Itinatag ito ni Ferdinand Fuertevil Neplim na noon ay haligi ng familya Neplim, hango ito sa apilyedo ng kanyang Ina dahil sa Pagmamahal nya dito, namatay ang kanyang ina habang itinataguyod nya ang Kanyang kaharian.

Nabuo nya ito sa pamamagitan ng pag-iisa ng mga magsasaka,  at mga manglalakbay na mangangalakal.

Dahil sa pag-iisa ng mga ito nakabuo sila ng isang matibay na pamayanan at tuloyang  umunlad hanggang maging isang kaharian.

Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng Fuertevil Kingdom at nakarating na ito sa mga karatig na lupain.

Dahil sa pagunlad ng Fuertevil Kingdom, maraming pamayanan ang sumunod sa yapak nito

At isa-isang naglitawan ang mga kaharian sa Kontinente ng Terea.

Dahil dito naging isang simbolo ang Fuertevil Kingdom sa Buong Terea.

Dahil sa paglitaw ng maraming kaharian sa Terea tuloyang yumaman at naging tanyag  ang kontinente ng Terea sa malalayong lupain.

At dahil din sa yaman at katanyagan ng Terea, marami ang mabighani dito at isa na dito ang

 Ellusionada Empire mula sa kanlurang lupain.

Nung unang ay maganda ang ipinakitang hangarin ng Emperio,

Isa na ditto ay ang pakikipagkalakalan sa mga kaharian sa Terea.

Subalit hindi nagtagal at nabunyag din ang tunay na pakay nito sa Kontinente.

Ganun paman huli na ang lahat bago pa nila ito napaghandaan

Naipasok na ng Emperio ang kanyang buong hukbo sa Kontinente at agad na kinubkob ang Fuertevil Kingdom

Matibay ang depensa ng Fuertevil Kingdom Subalit gamit ang lahat ng hukbo ng  isang Emperio

Hindi rin ito nagtagal at tuloyan itong bumagsak sa kamay ng Ellusionada Empire.

Huli na nang malaman ng mga karatig na kaharian ang sinapit ng Fuertevil Kingdom

Kung kaya hindi sila nakapagpadala ng hukbo para tulongan ito.

Sanhi ng pagbagsak ng Fuertevil Kingdom, lubha itong ikinagulat ng iba pang mga kaharian

Hindi na sinubukang lumaban ng iba pang mga kaharian sa terea at tuloyan na silang nagpasakop sa Ellusionada Empire.

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon