Chapter 20 "Ang Sanggol na Mula sa mga Luha"

442 18 10
                                    

(Samatala sa Karwahe ng Main Pillar)

"Ama bakit kanina ka pa walang kibo dyan?"

"Naghihintay po ang Mahal nyong anak na marinig ang inyong kwento"

".......Iniisip ko nga ito anak, kaya medyo natutulala ako.,.. marami kasing malulungkot na pangyayari ang naganap sa panahon na yon"

................

(at inumpisahan ng Main Pillar ang kanyang Kwento)

     Labing pitong taon na ang nakalilipas nang isakatuparan ng Illusionada Empire ang kanilang maitim na pakay sa Kontinente ng Terea., Inumpisahan nila ito sa pamamagitan ng pagsakop sa pinaka-una at pinakamakapangyarihang kaharian dito, yun ay ang Kaharian ng Fuertevil. Bagamat hindi handa ang aming kaharian, nahirapan parin ang Emperio na pasukin ang kaharian gamit ang buong hukbo nito.,

Noong panahong iyon ang hari ng Fuertevil Kingdom ay ang aking Ama at ako ang humahawak sa buong hukbo ng kaharian, dahil sa tungkolin ko na dapat kung gampanan para sa kaharian iniwan ko ang aking Asawa na noo'y kabuwanan na ng kanyang panganganak upang pamunuan ang aming hukbo.,

Sa kabila ng tapang at kabayanihan ng mga mandirigma ng aming kaharian, wala rin itong nagawa na pigilan ang isang buong hukbo ng Emperio ng Illusionada.

Nang bumagsak ang pangunahing depensa ng kaharian, agad kung binalikan ang aking asawa., ang pagbagsak ng pangunahing depensa ay hudyat ng pagbagsak ng aming kaharian.

Pinuntahan ko ang aking asawa para dalhin sya sa isang ligtas na lugar.

Ganun na lamang ang aking pagkabigla ng madatnan ko ang aking asawa na umiiyak at puno ng dugo ang kanyang kasuotan.,

Hindi na halos sya makapagsalita sa takot at pagkabigla.,

Nasabi nya na naipanganak na nya ang aming anak subalit nagtungo doon ang Emperador at Kinuha niya ito.

Matagal din bago kami nabiyayaan na magkaroon ng anak., ganun nalang ang aking pananabik na makita at makapiling ang aking magiging anak, subalit ang lahat ng ito at naglaho na parang isang panaginip kasama ng pagbagsak ng aming kaharian.

Wala nang magagawa ang aking pagsamo, ano mangoras ay darating na ang mga walang pusong kawal ng Emperio,. kailangan naming makalayo bago pa mahuli ang lahat.,

Agad kong binuhat ang aking asawa at tumakas kasama ang iba ko pang mga kapatid.,

Ang aking amang hari ay nagpaiwan upang lumaban hanggang sa kahulihulihang sandali ng kanyang buhay at kanyang kaharian.

.....................

Isang araw na ang nakakalipas mula nang kami ay tumakas mula sa bumagsak naming kaharian, napansin kong parang malaki parin ang tiyan ng aking asawa at ng pinakiramdaman ko ito ay mayroon pang gumagalaw sa loob. Isang araw pa ang lumipas at ipinanganak ng aking asawa  ang isang malusog at magandang sanggol.

Dahil sa pagdating ng isang sanggol nagkaroon ng liwanag ang aming buhay.

At ipinagpatuloy namin ang aming laban para sa aming kaharian.,

"Ako po ba ang sanggol na yun Ama?"

"Oo anak ang sanggol na nagbigay liwanag sa aming pagiisip ay walang iba kundi ..ikaw"

...........

Kinuha ng Emperador ang aming anak bilang kapalit ng kamamatay lang nyang anak na babae, namatay ito habang ipinapanganak., Ang sanggol ay inako nilang kanila at ito ay isinunud nila sa pangalan ng kanilang yumaong anak, tinawag nila itong Leony.,

Nakilala si Prinsesa Leony sa kanyang talino, sinasabing marami sa tagumpay ng Emperio ay dahil sa husay nyang mag-isip, kaya naman malaki ang tiwala sa kanya ng Emperador at iginagalang nito ang kanyang mga desisyon.,

Dahil sa kanyang kakayahan, sa murang edad nya ay pangalawa sya sa Emperador na pinakamakapangyarihan sa Emperio ng Illusionada.

"Yun ang kwento sa likod nito,"

"Hindi alam ng Emperador ang tungkol sayo, kaya pilit ka naming itinago sa mga mata ng Emperio, mabuti na ngalang at nagustohan mo rin ang manatili sa loob ng palasyo kaya hindi na kami nahirapang gawin ito.,"

"kaya gusto kong makita ka nya ay para ipaalam sa kanya na sya ay nagmula sa pamilyang Neplim at tungkolin rin nya na ibangon ang ating kaharian"

"Salamat po Ama sa pagsasabi nyo sa akin ng katotohanan, kung ganun sya pala ay ang aking kakambal"

"Nagkakamali ka anak"

...........

"Hindi kambal ang nasa sinapupunan ng iyong ina, iisa lamang ito, gamit ang kakayahan ng pamilya Neplim madali lang itong malaman, lahat ng kabilang sa pamilyang Neplim ay nagtataglay ng ibat- ibang kakayahan tulad ng pagpapagaling (healing ability) at matinding pakiramdam "

"ang aking kapatid ay may kakayahang makakita kahit mayhadlang, at sigurado syang isa lamang ang nakita nya noong una palang"

"Pero papaano po nangyari yun Ama, papaano.. saan ako nagmula kung ganun"

"Isa lamang ang malinaw na nakikita naming dahilan"

"Ang Luha ng iyong ina ay maykakayahang lumikha, Tulad ng Dyosa sa Alamat ng Terea na si Earith"

(sa mga nakalimot po ng alamat ng Terea... ayon po sa alamat ang kontinente ng Terea ay nagmula sa mga luha ng Dyosa na si Earith, nung una ang tawag sa kontinente ay Tear of Earith at nangmaglaon ay tinawag nalamang itong Terea., mahaba pa ang kwento sa likod nito at masasama ito sa ibang chapter )

"Dahil sa masidhing pagnanais at pagmamahal ng aking asawa sa kanyang anak ang mga luha nya ay lumikha ng isa pang sanggol sa kanyang sinapupunan at ang sanggol na yun ay ikaw Earith"

"Tinawag ka naming Earith bilang pasasalamat sa dyosa ng paglikha"

"Katunayan lang iyon na ang kwento sa likod ng kontinente ng Terea ay hindi lang isang alamat kundi isang katotohanan"

"at yun ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng bagong pag-asa sa katauhan mo"

"Nang dahil sa pagdating mo nagkaroon kami ng lakas para muling itayo ang ating nawasak na kaharian, at inumpisahan namin ito sa pagtatatag ng Umbrella Pillars Association."

"Yun din ang dahilan kong bakit habang nakikita kita patuloy akong nakakakita ng pag-asa"

"At hanggang sa mga huling araw na makikita kita patuloy akong aasa"

"Ako rin po Ama., nalalapit man ang araw na itinakda nya,. ang katotohanang buhay pa tayo hanggang ngayon ay isang malinaw na pagasa mahal kong Ama"

...............

".....Hooo.. hooo.. andito na po tayo sa palasyo, "

..............

Itutuloy>>>>>>>>>>>

 

A/N: sana po nagustohan nyo ang aking kwento ^_^

    Kala nyo kambal sila ano :P  kambal lang siguro sila ng tadhana.

   

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon