(Last Shadow Point of View)
Ang Hinpilan ng Assassins Guild..... masyadong mataas ang siguridad nila ngayon ah.
Halatang may kinatatakutan sila.,
Baka nakakalimutan nila na dito ako nakatira at alam ko ang kahit kasuloksulokang bahagi ng Himpilang ito ng higit sa kanino man.,
Isandaan lahat ng mga bantay, di hamak na mas marami ang bantay sa palasyo ng Mian Pillar.
Hindi ba nila alam kung bakit ako tinawag na Last Shadow?, yun ay hindi lamang sa liham na pinadadala ko, kundi dahil namaster ko na ang lahat ng uri ng Shadow Abilities, at ako ang huling makagagawa noon dahil wala ng susunod.
.................
Tulad ng inaasahan ko wala talagang silbi ang mga bantay dito...
Magtutungo ako sa silid ng matandang supremo.
.............
"Mukhang ginabi kana yata ng dating?".............
"Yun ay dahil nakipaglaro pa ako sa Hunter na inutusan nyo?"
"Alam mong hindi ko magagawa ang sinasabi mo, subalit wala din akong magagawa para pigilan ito"
"Ano lang ang magagawa mo? Ang magsanay ng mga pusakal..,"
...........
"Alam ko na ang kwento sa likod ng aking misyon na tapusin ang Main Pillar."
"At natitiyak kong taliwas yun sa mithiin ng Assassins Guild"
"Malinaw na hindi iyon para sa kapakanaan ng nakararami kundi sa kapakanaan lamang ng Emperador"
"Bakit mo hinahayaang mangyari ang mga ito, bilang myembro ng kataas-taasang himpilan may kakayahan ka na tumotul dito, gamit ang nakasulat sa Assassin's Oath."
"Naiintindihan ko ang sinasabi mo subalit ako ay isa lamang at lahat sila ay nagkakaisa sa kanilang desisyon at kabilang na doon ang kataas-taasang Supremo."
...........
"Kung ganun malinaw na ang Kataas-taasang Himpilan ay lumabag sa Assassins Guild Oath"
"Bilang tanda ng katapatan sa inyo tatapusin ko ang Mian Pillar, at yun ang magiging pinakahuling misyon ko sa utos ng Himpilan, at ang susunod na misyon ko ay galing sa utos ng Assassins Guild Oath at yun ay ang tapusin ang lahat ng lumabag dito kahit maging kapalit pa ito ng aking buhay."
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...