Jesserie's Point of View
Dito na ako magpapalipas ng gabi sa lugar kung saan kami magkikita ni Jemi.Matapos kung maglagay ng bitag sa paligid humiga na ako para matulog, si Miden naman ay syang nagbabantay sa paligid hindi talaga sya natutulog kasabay ko, nanatili syang gising upang bantayan ako.
Hindi pa lumalalim ang aking pagtulog ay narinig ko ang tahol ni Miden, tahol na nagbabadya ng panganib.
dahandahan akong bumangon at kinuha ang aking pana,
Agad akong nagpalabas ng detection aura, ito ay umaabot ng 500 metro depende sa lakas ng aura ng kalaban.
Meron isang aura....limang..pong metro!!... sampung metro... mula sa likod ko.. pa..pa..ano sya nakalapit ng...hindi namamalayan ni Miden..
si Miden ay patuloy sa pagkahol sa kakahuyan.?
"Ikinagagalak kung makita kang muli Binibining Hunter"
Ibang klase tumigil sya sa sampung metrong distansya na parang alam nya kung saan nakalagay ang mga bitag ko.
"Sino ka!!?" hindi parin ako humaharap upang hindi nya mahalata ang aking mga balak.
"Ganyan ba kayong mga hunter, hindi nyo kinikilala ang inyong bibiktimahin?"- Last Shadow
"Anong ibig mong sabihin!?" nagtataka kong tanong
"Kaming mga assassin kinikilala naming mabuti ang aming biktima bago namin sila taposin, nang sa ganun ay walang masayang na panahon at buhay" -Last Shadow
"Kung ganun isa ka palang assassin., naparito kaba para taposin ang buhay ko?"
"Sa pagkakaalam ko ikaw ang dapat na tatapos sa buhay ko,... bakit mo iniwan ang misyon mo ng hindi pa ito natatapos?" -Last Shadow
Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin..at napilitan akong humarap sa kanya.
hindi ako makapaniwala sa aking nakita.,
....................I...Ikaw!!?"
"Bakit para kang nagulat? iniisip mo ba talagang ganun mo lang ako kadaling tapusin?" - Last Shadow
Kung buhay pa sya sino yung tinapos kong buhay sa itaas ng palasyo., hindi ako pwedeng magkamali sa bakas na sinundan ko..pero ito sya at buhay.,
"Ang totoo nyan hindi ko naman talaga inisip na ganun lang kadali kong matatapos ang aking misyon."
"At handa ko itong ituloy anong mang oras.." humanda na ako sa pagattake, hindi kami gaanong mabisa sa malapitan, kailangang dumistansya pa ako... kailangan ko si Miden sa ganitong pagkakataon, subalit kailangan kong mabigyan ng signal si Miden ng hindi nya nalalaman..
"Wag kang mag-alala alam kong hindi mabisa ang mga hunter sa malapitan kaya bibigyan kita ng sampong metrong distansya, sapat na ba yun para magamit mo ng mabisa ang iyong pana?" -Last Shadow
Nagbibiro ba sya? bibigyan nya ako ng sampong metrong distansya..masyado naman yata nya akong minamaliit balibhasa ba babae ako? sasamantalahin ko na ang distansyang ito, pagsisisihan nya ang kanyang kayabangan..
"Masyado ka naman yatang bilid sa sarili mo assassin... "
Nagpakawala ako ng sunod-sunod na palaso..
nihindi manlang sya umalis sa pwesto nya at ang mga palaso ay lumampas lamang sa kanya..
"Anong problema binibining hunter, ang sabi ko bibigyan kita ng sampung metro distansya pero hindi ko sinabing hindi ako aalis ng pwesto.." -Last Shadow
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...