Chapter 4

470 21 2
                                    

JEWEL

Chapter Four

I am soo damn bored..

Parang hindi ko na kayang tumagal dito sa bahay! Gahd, pagod na akong mag-cooking lesson. Kahit anong tiyaga ni Mama, hindi talaga ako matututo. It kills me na bukas na ang party ni Sab at hindi ako pwedeng lumabas ng bahay. I already bought a new dress for that party at sobrang nakakainis talaga na hindi ko yun magagamit dun.

I miss the outside world.. Pag hindi ako kinukulit ni Mama, sa room ko lang talaga ako nagi-stay. Maghapong panonood movies at pagi-Instagram na lang ang ginagawa ko. Ni hindi man lang nga ako nasisikatan ng araw. Miss ko na mag-drive. Miss ko na din ang mga friends ko. Naku talaga! Pag natapos na tong punishment sa akin, hahanapin ko ang manyak na yun na anak ng Bise Presidente at tutuluyan ko na talaga siya. The nerve! Urgh!

"Hi, baby! Anong ipinapadyak mo diyan?"

Napatingin ako kay Jigger na hindi ko na namalayang pumasok sa room ko. I stood up from my bed at nagtatakbo kay Jigger. I jumped and hugged him like a koala.

"Jigger! Bakit ngayon ka lang? Nakakainis ka naman. Halos mamatay na ako sa pagkabagot dito." Paghihimutok ko.

"Haha. Jewel, sabi ko sayo na weekend ako pupunta dito. Bumaba ka na nga, ang bigat mo na eh. Tara na lang sa theatre room. Isinama ko ulit si Blue para tatlo naman tayo."

"Hmpt. Tara na nga." Lumabas na kami ng kwarto ko pero nakakapit pa din ako sa braso ni Jigger. Mabuti naman at dumating na siya. Pakiramdam ko tuloy he is a savior.

"Hi, Blue!" Masiglang bati ko sa kababata ni Jigger.

Si Blue ang nag-iisang anak nina Tito Jarred at Tita Jazz na bestfriend ni Mama at Papa. Honestly, nagkaroon ako ng crush kay Blue. Madalas ko kasi siyang makita noon. Eh di naman maitatanggi na ang cute cute niya kaya ako naman, nagkagusto agad. Aside from his pretty face, mabait din siya at thoughtful. Dahil six years ang tanda nila sa akin ni Jigger, lagi niya akong binubunso. At gustong gusto ko yun. Feeling ko nun, princess ako at siya ang aking prince. Medyo napadalang na lang ang pagkikita namin nung nag-start na silang humawak ng business. Naging busy na kasi sila ni Jigger parehas.

"Jewel, hi! Dalagang dalaga ka na ah."

I flipped my hair in a seductive way and smiled sweetly at him, "Oo nga eh. Madaming nagsasabi na lumaki daw akong maganda."

"Well, there's no doubt about it. Talagang maganda ka."

Ngumiti ako sa kanya at ibinaling ang mukha ko sa ibang direksyon. Hindi kasi nila pwedeng makita na nagba-blush ako. Syet! Medyo kinikilig ako.

"Anong papanoodin natin?" Tanong naman ni Jigger.

"Kahit anong maganda diyan. Ikaw, Jewel?"

"Huh?" Natarantang tanong ko. Ang nadinig ko lang kasi sa sinabi ni Blue eh 'maganda' at 'Jewel'. Sinabi ba niya ulit na maganda ako?

"Tinatanong ng kuya mo kung ano daw gusto nating panoodin. Sabi ko kahit anong maganda na lang. Ikaw? Baka may gusto kang panoodin?"

"Ahh. Hehe. Kahit ano na lang. Bahala ka na, Jigs."

Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Jigger sa akin. Syet. Baka malaman pa niyang may hidden desire ako sa bestfriend niya.

We all settled in our seat. Nagsimula na ang movie na pinili ni Jigger. Ang masaklap lang, nasa gitna nila akong dalawa. Katabi ko si Blue. Okay lang naman yun kaso para kasing naiilang ako sa presence niya. Na malapit lang kami sa isa't isa at naamoy ko yung pabango niya. Naging concious tuloy ako sa presence niya. Napansin ko tuloy na ang kinis ng balat niya. Sabagay, mayaman din naman siya kaya dapat lang na makinis siya.

Pati yung mukha niya, ngayon ko lang natitigan sa malayo. Ang ganda ng mga pilikmata niya. Parang sa babae. Samantalang ako,gumagamit pa ng mascarra. At yung adams apple niya.. Grabe! Ayoko sa lalaking may adam's apple. Pero siya lang ang nakita kong pinagbagayan nito.

"Jewel!"

"Fuck! Bakit ba, Jigger! Magkatabi lang tayo. Bakit kailangan mo pang sumigaw?" Iritang sabi ko sa kapatid ko.

"I've been asking you kanina pa. Parang wala kang nadidinig. Nakatitig ka lang kay Blue." Iyamot ding sagot niya sa akin.

Oh-kay. I was caught staring at Blue.. Nakakahiya. Lalo akong nahiya nung nginitian ako ni Blue na para bang amused na amused siya sa akin. Shit! Bakit kaya di na lang ako lumubog sa kinauupuan ko ngayon?

"Bakit ba kasi?!" Pagtataray kobsa kapatid ko.

"Aalis sina Papa bukas. Wag na wag kang tatakas at aalis ng bahay ha. May pupuntahan din kasi ako bukas. Walang magbabantay sayo."

What? Wala silang lahat bukas... At bukas din ang party ni Sab. A wonderful idea lit in my mind.

'Ang talino mo talaga, Jewel Kaye!'

----

"Sure ka bang ayos ka lang dito, baby?" Malambing na tanong sa akin ni Jigger.

I just nodded at him. Kailangan convincing ang arte ko. Nagtiis akong hindi lumabas ng kwarto ko mula kaninang umaga para mapaniwala ko silang masama ang pakiramdam ko. That way, hindi magdududa ang mga maids namin na wala ako dito sa kwarto ko mamaya.

Two hours after Jigs left the house, nag-umpisa na akong mag-ayos. Kanina pa din kasing tawag ng tawag ang mga friends ko. Isinakto ko din kasing nanonood ng teleserye ang mga maids namin sa baba.

Sa terrace ng kwarto nina Mama ako dumaan. May hagdan kasi dun na para sa fire exit. It was hard going down this freaking stair dahil naka-dress ako. I threw my high heels kn the ground dahil 3ft ang tatalunin ko mula sa huling step nung hagdan.

It was kinda painful sa paa. Pero kailangan kong tiisin para lang sa party. I made sure that the guards are not near my area. When the coast was clear, nagtatakbo ako palapit sa bakod namin. Dito din kasi ako dumadaan pag tumatakas ako nung highschool pa ako. Five feet ang taas ng bakod namin pero may matutungtungan naman sa pag-akyat. Yung malalaking paso ng halaman na kinuha mula sa harapan ng bahay.

Kailangan ko ng makalayo sa bahay namin dahil nagpasundo ako sa isa sa mga friends ko. Tatalon na sana ako ng tumunog naman ang cellphone ko.

"Hello."

'Jewel, malapit na ako sa inyo. Papasok na ako sa village niyo.'

"Okay, aabangan na lang kita sa daan malapit dito sa bahay namin. Thanks."

I took in a deep breath bago tumalon. I wore my high heel shoes bago naglakad papunta sa kabilang side. Kailangan makapunta ako sa gilid ng bahay namin ng hindi napapansin ng mga guards. Our house is the last house na makikita dito sa village. Nasa pinakadulo kami, siguro for security reasons.

When I heard a car approaching, nagmadali ako ng lakad. Nakakainis itong si Lea, sinabi na kasing sa kabila siya mag-abang. Pag may sasakyan kasing papunta sa area namin, ibig sabihin, sa bahay namin pupunta dahil medyo malayo ito sa ibang mga houses sa village. Baka magtaka yung mga guards namin kung bakit may kotseng titigil malapit sa amin.

"Shit."

I walked as fast as I could. Nang malapit na ako sa dadaanan ni Lea, humarang na ako sa gitna at pinara ang kotse. Tumigil naman ang kotse. Goodness, akala ko babanggain pa ako. I ran to the car and opened the door on the passenger side.

"Lea, I told you na sa kabilang street ka maghintay.." sabi ko pagkabukas na pagkabukas ng pinto.

And when I saw who was inside the car, my world came to it's end.

"JEWEL KAYE! ANO NA NAMANG IBIG SSBIHIN NITO?!"

"Papa!"

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon