JEWEL
Chapter Fourteen
I can't stop smiling.. I never thought that I have the ability to feel this way. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Kahapon pa akong ganito mula nung umuwi kami ni Arnie galing sa bayan.
Wala naman kaming formal na usapan, pero pakiramdam ko yun na yun eh. We already established a mutual understanding."Geez.." nasabi ko na lang at nagtakip ng unan sa mukha. Hindi kasi mawala sa isip ko yung yakap ni Arnie sa akin kahapon. Pati yung ngiti niya sa akin habang pauwi na kami. Pati yung paghatid niya sa akin sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko.
'Malala na ata ako.'
I stood up and and checked my face on the mirror. Nakangiti pa din ako. Ano ba kasi ito? I feel like I'm stupid. Gustong gusto ko ng lumabas ng kwarto pero kinakabahan naman akong makita si Arnie. Not that I don't want to see him. Actually, gustong gusto ko talaga siya makita. Kaso, iba na ngayon eh. May something na. Pero baka magtaka naman sila kung hindi ako lalabas ng kwarto.
'Bahala na nga.'
I went to the door and opened it slowly.
"Good morning!" Arnie greeted me in a husky voice. Halatang bagong gising lang.
"G-good morning din. Hehe. Kanina ka pa diyan?" Tanong ko. Pagbukas ko kasi ng pinto ng kwarto, nakatayo na siya dun sa labas.
"Hmm. Hindi naman. Kagigising ko lang. Hindi kasi ako makatulog kagabi."
"Oh bakit naman?" Tanong ko at naglakad papunta sa kusina. Kailangan ko kasing mag-mumog. Nakakahiya naman eh, kagigising ko lang.
"Siguro kasi may isang tao 'dyan' na nag-iisip sa akin.."
Muntik ko ng maibuga yung tubig na nasa bibig ko. Ako ba ang pinariringgan niya? Grabe, ako nga itong hindi agad nakatulog kagabi. Baka siya ang nag-iisip sa akin. Hmp.
"Talaga? Grabe naman." Sabi ko na lang at pumunta naman ako sa labas ng bahay. Siya, nakasunod lang sa akin.
"Grabe nga eh. Ikaw ba, nakatulog ka ng ayos?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman." Sagot ko at hinanap ko yung walis na gagamitin ko sa paglilinis ng bakuran.
"Talaga lang ha? Eh bakit lalong sumingkit yang mga mata mo?"
Napahawak ako sa mga mata ko. Hay, as if namang mararamdaman ko kung mas sumingkit nga ang mga mata ko.
"Sari sari ka na." Sabi ko na lang at nag-simulang maglinis sa may garden nila.
Alam kong nanonood lang siya sa ginagawa ko. I can feel his eyes. Kaya kahit hindi ako lumingon sa kanya, alam kong nakatingin lang siya. And I hate the feeling. Feeling ko hindi ako makakapag-focus knowing that he's there watching me.
"Arnie, can you just go inside the house?" Sabi ko sa kanya.
"Oh bakit? Wala naman akong ginagawa ah.." painosente niyang sagot sa akin.
"Basta. Dun ka na lang sa loob."
"Paano kung ayaw ko?"
"Hay naku, bahala ka nga." Sabi ko na lang sa kanya at inirapan ko siya.
Hindi naman na sumagot sa akin si Arnie. Ipinagpatuloy ko lang ang pagwawalis. Pero nagulat ako nung niyakap niya ako sa likod.
"Arnie! Ano ka ba, wag mo nga akong ginugulat." sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya.