JEWEL
Chapter Twenty-six
Tahimik siyang nakaupo sa isa sa mga sun lounger sa bakuran nila. May dala siyang libro na paunti-unti niyang binabasa tuwing may extra time siya. Pasulyap-sulyap din siya sa kapatid at tatlo pang kaibigan nito na naglalaro ng basketball sa di kalayuan.
It's Saturday morning. And a part of their parents' requirements is to stay at their house during weekends. And they abide it religously. Minsan kasi tuwing weekdays ay hindi sila nakakauwi dito sa bahay ng magulang nila lalo na at ginagabi sila galing sa trabaho. Mas pinipili na lang nilang umuwi sa kani-kanilang condo dahil nakakapagod din namang mag-biyahe.
Nang madinig niyang sumigaw ng time out ang kapatid niya ay napalingon siya sa mga ito. Papalapit na ang mga ito sa pwesto niya dahil katabi niya ang table na may mga refreshments.
"Good morning, my dear sister." bati sa kanya ng kapatid niya at umupo pa ito sa tabi niya. She felt her brother's sweat when their arms brushed.
"Nakakadiri ka, Jigs." she said annoyed. Agad namang may lumapit na maid at inabutan siya ng malinis na towel.
"Ang arte." sagot naman ng kapatid niya nang makita siyang pinupunasan ang braso niyang nadikitan ng pawisang braso nito.
Binati siya ng mga kaibigan ng kapatid. She greet them back with a smile. Kilala niya ang mga ito. Madalas kasi pumupunta ang mga ito para tumambay kasama ni Jigger. Ang mga ito ay anak ng mga kasosyo nila sa negosyo. They're part of the society's top sought after bachelors.
Sayang nga lang at nag-asawa na si Blue. Gustong gusto pa man din niyang nakikita lagi ito dahil crush niya ito noon at mabait ito sa kanya. Kungsabagay ay napapanahon naman na itong mag-asawa. He's almost thirty-three years old just a year older than her brother.
"Jigger, when are you going to settle down?" she asked out of the blue.
Napatigil sa pag-inom ang kapatid niya. Ang mga kaibigan naman nito ay pilit na pinipigil ang pagtawa.
"Why? You can't wait to get rid of me?"
"Of course not. Alam ko namang kahit may asawa ka na, you'll never stop bugging me. So, ano nga? Kailan ka mag-aasawa?" pangungulit niya dito.
"Remember my promise five years ago?"
"What? Hindi ka mag-aasawa hangga't hindi pa ako settled down?" she asked in disbelief.
"Yep."
"Are you serious? At your age, anak ka na ni Papa noon. And you're six years older than me. You should marry first before I do. I bet, our parents has been dying to have grandchildren of their own. They're not getting any younger, too."
"Bakit kaya hindi ikaw ang unang magbigay ng apo sa kanila? You're not getting any younger too. Kaming mga lalaki, kaya naming mag-anak kahit forty na kami. Eh kayong mga babae, may expiration date ang kakayahan niyong magbuntis." her brother said and laughed with his friends.
Agad siyang pinamulahan ng pisngi. Great. Her brother lectured her in front of his bachelor friends.
"Atleast, I'm still in my twenties." she snapped.
"Yeah. Late twenties. Come on, sis. You're biological clock is ticking. We can hear it from here." tukso muli ng kapatid niya.
Ang singkit niyang mga mata ay lalo pa atang nanliit sa pagtingin niya sa kapatid niya. The nerve! Bakit sa kanya napunta ang usapan na ito? If she only knew that this would end up this way, hindi na sana siya nagtanong pa.