JEWEL
Chapter Twenty-four
"Jewel, maghiwalay na tayo.."
"What.. What are you saying?" my lips quivering from too much tension enveloping me.
"Jewel.."
I turned to the person who called me. Great. Anong ginagawa dito ni Jigger? Siya ba ang susundo sa akin? Nadinig ba niya ang pag-uusap namin ni Arnie?
"Jigger.."
"Come, we'll take you home. Gustong gusto ka ng makita ni Mama."
Inilahad ni Jigger ang isang kamay bilang pagyaya sa akin. Gusto kong tumakbo sa kanya at magsumbong.. Magsumbong na nasasaktan ako ngayon. Gusto kong isumbong na yung taong unang minahal ko ay pinipiling pakawalan ako.
Ibinalik ko ang tingin kay Arnulfo. He's shedding some tears. Bakit siya umiiyak? Hindi ba dapat ako lang ang may karapatang umiyak sa gabing ito? Ibinigay ko sa kanya ang lahat dahil nagtiwala ako. Ang dami kong gustong isumbat sa kanya. Ang dami kong gustong itanong. Pero di ko alam kung saan mag-uumpisa. Natatakot ako na pag nagsimula akong magsalita ay masabi ko lahat ang hinanakit ko. Ayokong makita ni Jigger na naging mahina ako dahil sa isang lalaki.
I'm a tough girl. I should not break down just because of a guy.
"Jewel, maniwala ka.. Para sa ating dalawa ang desisyon ko. Para sa mas ikabubuti mo ang gagawin ko. Please, maniwala ka." Arnie said almost pleading. Parang hindi man lang siya nai-intimidate sa presensya ng kapatid ko.
"Really?" I spat. "Then, please enlighten me."
"Hindi ako karapat-dapat sayo.." nakayukong sagot niya sa akin. Kahit na nagagalit ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang maawa sa kanya. Nararamdaman ko kung gaano siya nanliit marahil dahil sa estado ng pamumuhay niya.
"Talaga ba? Wala ka na bang iba pang rason? Bakit? Naisip mo ba yan sa simula pa lang na tumuntong ako dito sa bahay niyo? Alam mo naman sa simula pa lang kung gaano kalaki ang pagkaka-iba natin! Pero nilakasan mo pa din ang loob mo sa pagsasabi at pagpaparamdam na mahal mo ako, hindi ba? Shit! Naniwala ako sayo! I defied everything for you! I thought you were different, but I was wrong!" Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha ko. I don't care anymore kung panoodin man kami ni Jigger.
"Totoo lahat ng iyon! Huwag mo naman sanang pagdudahan ang pagmamahal ko sayo. Kaya nga ginagawa ko 'to kasi mahal kita, Jewel. Mahal na mahal kita." He came closer to me and held my hands.
"Is this what you called love? Eto ba ang version mo ng pagmamahal? Ang paikutin ako sa mga palad mo at pag hulog na hulog na ako sayo, saka mo ako bibitawan?" Puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya.
"Intindihin mo ako, Jewel. Balang araw, magpapasalamat ka dahil ginawa ko 'to. Please, don't be mad at me."
"Eh gago ka pala eh! Makikipaghiwalay ka sa akin tapos makikiusap ka na huwag akong magalit sayo? Sinaktan mo na ako, ginagawa mo pa akong tanga!"
Lumapit pa siyang lalo sa akin at nang tangkain niyang yakapin ako'y itinulak ko siya. Ayokong mapalapit sa kanya. Ayaw ko kahit dulo ng daliri niya na mapadikit sa akin.
Kitang kita sa mukha na nasaktan ko ang damdamin niya dahil sa ginawa ko. Still, it cannot match the pain I'm feeling now. Unti-unti pa din siyang lumalapit sa akin. I'm in pain. I'm hurting because I can see that he's hurting too. And I hate to see him hurting.
"No! Diyan ka lang. Don't you dare come closer to me. Hindi ba't nakikipaghiwalay ka? Wala ka ng karapatang lapitan ako." Matigas kong sabi.
"Jewel, pakinggan mo naman muna ang mga dahilan ko."