Chapter 6

374 16 3
                                    

JEWEL

Chapter Six

Pakiramdam ko, 48 years na kaming nagbibiyahe. And I really hate it na wala man lang akong ipod o kahit na mp3 na pwedeng pakinggan ng music para hindi ako nagtitiis sa mga jukebox na pinatutugtog ng driver namin sa radio ng kotse.

It's almost 5:30pm. Anong oras pa ba kami makakarating sa pupuntahan namin? Wala na akong nakikitang buildings. Mga tricycle at jeep na din ang nakakasabay namin sa kalsada.

"Greg, saan ba tayo pupunta?"

"Sa Nasugbu, Mam."

And as if on cue, nakita ko na yung signage na "Welcome to Nasugbu". I've never been in this place before kaya wala akong idea kung ano bang hitsura ng place na pupuntahan namin.

"Malayo pa ba?" Inip na tanong ko.

"Medyo po."

I hopelessly let out a sigh. Kakayanin ko ba talaga ang parusang ito? Eh mukhang di ako mage-enjoy dito. Tipikal na probinsya. Malayong malayo sa kinasanayan ko.

After almost an hour, narating din namin ang dapat naming puntahan. Parang ayaw ko ng bumaba mula sa sasakyan. Parang gusto ko ng bumalik sa amin and ask for Papa's forgiveness.

Pero nandidito na ako. At ipinamukha ko sa kanila na kayang kaya ko ang parusa nila. So, I might as well face this.

I went out of the car and saw a small house. Yes, small house. Kung ikukumpara to sa bahay namin, parang kasing laki lang to ng maid's quarter. Madilim na kaya di ko maaninaw kung ano bang hitsura ng paligid. Maliban sa tunog ng mga kuliglig, wala na akong madinig na ingay.

"Pasok na po tayo, Mam."

Wala sa loob na sumunod na lang ako kay Greg. Siya na din ang nagdala ng mga gamit ko. Nag-alangan lang ako nung pumasok na kami sa bahay. Naliliitan talaga ako. Good thing na concrete yung bahay. Malinis namang tingnan pero hindi ko talaga feel.

"Dito ako mag-stay sa bahay na to?"

"Opo, Mam. Bahay po ito ni Mang Noli. Dating family driver niyo po."

Then a man came out of a room. Medyo nag-freak out pa ako kase putol yung kanang paa niya. Nakasaklay lang siya habang papalapit sa amin.

"Ito na ga ang bunso ni Johann? Aba'y dalagang dalaga na pala eh. Baka iya'y di makatagal dine."

I rolled my eyes at hinayaan ko na lang mag-usap yung matanda at si Greg. I roamed around the small house. Inusisa ko yung kitchen pati ang banyo.. At yung dalawang kwarto. Yung isa, obvious namang yung matanda ang gumagamit dahil konti lang yung gamit sa loob. Yung isa namang kwarto, may posters ng Eagles at Rolling Stones sa dingding. May acoustic guitar din na nakasabit sa dingding. Ina-assume ko na lalaki din ang may ari ng kwarto.

So, kung dalawa lang ang kwarto dito sa bahay na to? Saan ako mag-stay? Kawasang sa sofa nila na gawa sa kawayan? No! Ayoko!

Lumabas agad ako ng kwarto at hinanap yung matanda. Hindi ko siya nakita sa maliit na living room nila kaya lumabas ako. Nakita ko siyang nakatanaw sa palayong sasakyan.

Oh my God! Iniwan na ako ni Greg!!

"Oh anak, umalis na yung kasama mo. Pinakakain ko nga eh bilin pala ng iyong ama na bumalik din sa Maynila ngayong gabi. Ikaw ga eh kumain na?"

At ngayon ako nakaramdam ng gutom. Ngayon lang kumulo ang tiyan ko ng ganito.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Ay siya, halika sa kusina. May piritong isdang galunggong pa. Samahan mo ng kamatis at patis eh tuga ng kainin. Ako eh tapos ng kumain." Sabi niya at pumunta kami sa kusina. Sa mesa, may nakahanda ng pagkain. Yun pala yung may takip kanina.

Nakatingin lang ako sa pagkaing nasa harap ako. Seriously, eto yung kakainin ko? Eh hindi ko nga alam kung malulunok ko yan eh.

"Hmm.. Wala bang ibang pagkain?" tanong ko.

"Naku wala eh. Ang anak ko eh nasa seminar sa Mindoro. Sa isang araw pa ang uwi. May tindahan diyan sa kanto. Kaso eh gabi na, pihadong sarado na yun. Kung ayaw mo niyang isda eh may pagkain diyan sa ref. Kaso, ikaw ang magluluto. Pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga."

"What? Ako pa ang magluluto? Hindi ba sinabi sayo ni Papa na sanay akong pinagsisilbihan?" Iritadong sabi ko.

"Alam ko. Kahit hindi sabihin ng ama mo, alam kong buhay prinsesa ka. Kaya ka nga ipinatapon dine dahil kailangan mong matuto. At dine sa pamamahay na are, ako ang masusunod. Nakikitira ka lang kaya dapat makisama ka. Kung ano ang nasa hapag, kainin mo. Magpasalamat ka."

I was caught off guard at the seriousness of his tone. Masyadong seryoso si Manong kaya hindi na lang ako umimik. Pinanood ko na lang siya habang papunta siya sa kwarto niya.

"Siyanga pala, areng kwartong katabi ng kwarto ko ang titigilan mo. Kwarto yan ng anak ko pero ipapagamit na lang namin sayo. Ikaw ang mag-ayos ng gamit mo dahil wala kang katulong dito. At sarhan mo na din ang pinto at mga bintana. Sigiraduhin mong naka-lock kung ayaw mong pasukin ka ng mga aswang at pagpyestahan yang dugo at bituka mo."

Asus naman! As if namang maniniwala ako sa mga aswang. They are not real. Dhuh. At dahil hindi naman na ako makakakain, tinakpan ko na lang ulit ang pagkain at kinuha ko ang luggage ko na nasa salas ng bahay.

'Aswang aswang ka diyan! Walang aswang! Ang tanda na naniniwala pa sa aswang'.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok ng humangin. Malamig ang hangin and I feel goosebumps everywhere. Nagdalawang isip pa ako kung isasara ko ba yung bintana. Pero baka pasukin pa ng magnanakaw ang bahay na to at maging kasalanan ko pa. Isinara ko ang bintana. Nung isasara ko na ang pinto, nakaramdam ako na para bang may mga matang nakatingin sa akin. Similip ako sa labas. Wala naman akong makita dahil madilim nga ang paligid.

'Paano kung totoo nga ang mga aswang? Hindi! Matapang ako. Kayang kaya ko silang labanan.'

"Shit!" Napamura ako sa gulat ng may pusang biglang lumitaw sa may pintuan. Saan ito nanggaling? Bakit di ko napansin kanina? Paano kung ito yung aswang tapos nagbalat kayo lang bilang pusa?

Sa sobrang kaba ko, naisara ko ng malakas ang pinto at inilock yun. Nagmadali akong makapunta sa kwarto at inilock din ang pinto. Medyo hiningal pa nga ako eh.

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Geez, walang aircon. Isang stand fan lang ang nandon. Tapos yung hihigaan ko, wala man lang foam. I mean, mukha naman siyang may foam kaso manipis lang. Siguradong sasakit ang likod ko dito.

At dahil wala akong choice, humiga na lang ako sa "kama" na nandoon. Hindi ko sigurado kung makakatulog ba ako ng maayos ngayong gabi. Sana pala dinala ko yung mga pagkain na ipinadadala ni Mama.

Parang gusto ko na tuloy umuwi. :(

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon