Chapter 15

440 21 1
                                    

***This part is for you, @iamSuperLyca_ Enjoy! ☺

JEWEL

Chapter Fifteen

Instant day off naming dalawa ni Arnulfo. Sabi sa news gabi, may bagyo daw na padating. And unfortunately, sakop ang Batangas. Hindi pa naman umuulan dito, pero makulimlim na. Parang anytime eh babagsak na ang ulan. Malamig na din ang hangin.

So he decided na mag-stay na lang kami sa bahay. Mas mahirap daw kasing abutin ng bagyo sa labas.

I don't know kung aware ba si Tatay Noli na hindi na kami masyadong nagbabangayan ni Arnie. Hindi naman kasi siya palakibo eh. Pero ako, parang susuka na ng rainbow sa sobrang kilig everytime na kinukulit ako ni Arnie.

"May itatawag na pala ako sa'yo." Sabi niya sa akin habang nakatambay kami sa duyan sa may puno ng mangga.

"Ano naman?"

"Ginawan kita ng nickname.. Imbes na Jewel ang itawag ko sayo, Jekay na lang. Combination ng Jewel Kaye. Ayos ba?" Tanong niya sa akin.

"What? Ang bantot kaya ng Jekay. Ayoko nun. Parang ang baduy."

"Hindi naman ah. Di ba, wala namang tumatawag sa'yo ng ganun?"

"Wala nga. Sino ba namang tatawag sa akin ng ganun? Dhuh." Sabi ko and rolled my eyes at him.

"Exactly, walang tumatawag sayo ng ganun. Ako lang. Ako lang dapat ang tatawag nun sabi. Pet name ko yun sa'yo." Sabi niya at ngumiti sa akin. Etong si Arnie, hindi ko maintindihan kung possesive o ano eh.

"Bahala ka. Basta, wag mo namang ipagsisigawan sa iba na ganun ang tawag mo sken. Baduy level 999999."

"Ay grabe kang maka-baduy ha. Humanda ka saken." Lumapit siya sa akin at kiniliti ako ng kiniliti.

Well, mahina ako sa ganyang kilitian. Tawa ako ng tawa. I'm really ticklish.

"Arnie, ano ba?! Hahahaha." Iwas ako ng iwas sa kanya. Since nakahiga ako sa duyan, hindi naman ako makaiwas ng ayos.

"Bawiin mo muna yung sinabi mong baduy ako."

"No! Hahaha Baduy ka at ang ideas mo. Hahahaha Tama na." Feeling ko, paga na ang bladder ko sa katatawa.

"Bawiin mo muna. Hindi kita titigilan."

Iwas ako ng iwas. May kasama pang pagpadyak. Shit, dinaig pa namin ang teenagers kung magharutan. Gusto ko na namang sumuka ng rainbows na may kasamang unicorns.

"Ayaw mo pang bawiin ha. Eto sayo.." he said and tickled me again.

At sa kaiiwas ko, nagbaliktad yung duyan and I fell flatly on the ground. Buti na lang hindi napasubsob ang mukha ko dahil kung nangyari yun, malamang na pumutok ang labi ko.

That's when I stopped laughing. Hindi naman ako nasaktan kasi hindi naman masyadong mataas yung pagitan ng duyan sa lupa.

"Jekay, ayos ka lang? Sorry. May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya. Mabilis naman akong nakatayo at nagpagpag ng damit ko. Tumalikod ako sa kanya.

"Uy, galit ka ba?" Tanong niya at sinundot sundot pa ako sa tagiliran ko. Umiwas naman ako para magmukhang galit ako. Pero ang totoo, nakikiliti ako.

"Sorry na. Sorry na please.." bulong niya sa akin. Iniharap niya ako sa kanya. Tumungo naman ako para hindi niya mahalatang napapatawa ako. Hinawakan niya ang baba ko at pilit na itinunghay ang mukha ko. Nag-poker face lang ako sa kanya.

"Sorry na ha.. Promise, hindi ko na uulitin." It's obvious in his tone that he really feels sorry for what happened.

Sinimangutan ko siya lalo. Napasimangot din siya at napayuko. Ang cute niya lang nung ginawa niya yun. Guilty na guilty siya.

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon