Chapter 17

417 20 7
                                        

JEWEL

Chapter Seventeen

"Jewel, lika dito."

"Why?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Basta, lumapit ka dito."

"What if I don't like?"

"Bahala ka. Ikaw din. Wala ka munang kiss buong linggo."

"Yay. Ang kapal po ng face. Okay lang." sagot ko sa kanya. Grabe, ako pa ang tinakot niya na walang kiss ng isang buong linggo. Eh siya naman lagi ang hindi nakakatiis.

"Aba. Matapang ka na ngayon ha." Naniningkit ang matang sabi sa akin ni Arnie habang palapit siya sa akin.

"Matagal na, Arnulfo."

Lumapit siya sa akin. Akala ko naman yayakapin niya ako sa likod o hahalikan at magpa-public display of affection kami dito sa bakery. Ihahanda ko na sana ang sarili ko kaso hindi naman pala yun ang gagawin niya. Pinunasan niya lang ang pawis ko sa noo at sa likod. Disappointed uh? Pero sweet pa din siya.

"Ang sweet ko no?" Tanong niya sa akin.

"Slight lang." sagot ko sa kanya.

"Alam mo, grabe ka na talagang babae ka. Bakit kaya nagustuhan kita? Eh ang sama naman ng ugali mo."

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mata. "Simple lang ang sagot diyan. Dahil ako si Jewel Kaye Sy. Maganda, maganda, at maganda."

"Wow! Hahahahaha. Iba ka din e ano? Hahaha siya, oo na. Maganda ka na."

"Good. Akala ko pa naman kokontra ka."

"Naku, hindi po. Takot ko na lang sayo."

Pinisil niya ang ilong ko. Hahalikan niya sana ako sa noo ng may tatlong istorbong dumating.

"Nakakaumay kayong dalawa." Sabi ni Bryan.

"Wala kang pakealam." Sagot naman ni Arnie.

"Haha. Pareng Arnie, malapit na ang liga ha. Manager ka ulit. Naihanda ko na ang design ng jersy natin."

"Yan. Diyan kayo magaling eh. Kelan ba ulit ang liga?"

"Next week na ang opening."

"Next week na? Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?"

"Chill ka pre. Okay naman na lahat eh. Magbibigay ka na lang ng pambayad sa uniform. Hehe."

"Tsk. Kagaling niyo talaga. Pa-uniform na, pa-tinapay at drinks pa kayo."

"Ganun talaga ang Manager. Kita mo naman diba, ang gagaling naman ng players mo." Sabi naman ni Roy.

"Kaso, may isa pang problema."

"Ano?" Tanong ni Arnie sa tatlo. Ako eh nakikinig lang sa usapan nila. Hindi ko kasi alam kung ano yung liga na pinag-uusapan nila.

"Kailangan natin ng muse. Si Trisha naman na muse natin last year eh buntis na."

"Ako! Ako na lang ang Muse niyo." pagpi-prisinta ko ng sarili ko.

"Ikaw? Jewel, alam mo ba ang gawain ng Muse ng liga?" tanong sa akin ni Arnie.

"Hindi. Pero alam ko ang ibig sabihin ng Muse. Pasado naman ako diba?" Tanong ko sa kanila at nag-pose sa harap na nila na parang lalaban ako ng Miss Universe.

"Oo nga, pwede na si Jewel. Okay ba sayo, Arnie?"

Tiningnan ko si Arnie with the puppy look in my eyes. Tinaasan niya ako ng kilay. Ibig sabihin, hindi siya pumapayag.

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon