Chapter 33

174 5 0
                                    


JEWEL


Chapter Thirty-three



Pilit niyang inabala ang sarili sa mga inuwing mga papeles na kailangan niyang pag-aralan. Kung minsan, kahit talaga weekends ay trabaho pa din ang inaatupag niya lalo na tuwing nalalapit ang board meeting.

Nang mapagod ay nagpahinga muna siya bago nagbabad sa bathtub niya. Kahit papaano ay nakatulong ang warm bath para ma-relax ang mga nerves at strained muscles niya. Pinagsawa niya ang sarili sa paborito niyang bath salts at sa halimuyak ng lavender mula sa scented candles na sinindihan niya. After almost an hour and almost reddish skin at napagdesisyunan na niyang tapusin ang pagliligo. She fixed herself and picked a floral dress na isa sa mga madalas niyang isuot tuwing nasa bahay siya ng magulang.

She looked so carefree and fresh. Malayong malayo sa tigress na itinatawag sa kanya ng mga tao. Bihira niyang ipakita sa mga tao ang ganitong ayos. People are used to seeing her all dolled up, prim and proper--just like a usual corporate woman.

It was ten minutes to twelve o'clock nang bumaba na siya papuntang dining area. They always eat their lunch at exactly twelve noon. Hindi pa siya ganap na nakakalapit sa dining area ay naamoy na niya ang mga nakahain sa dining table. Nakaramdam agad siya ng gutom dahil hindi naman siya nakakain ng maayos nung agahan.

Nakahanda na ang mesa pero wala pa doon ang kanyang ina kaya sinilip pa niya ito sa kitchen. Huli na para bumalik siya dahil nakita na siya agad ng kanyang ina.

"Come, Jewel. Look, Arnie helped me in making dessert for our lunch today." magiliw na sabi ng ina.

She looked at him. He's wearing a white apron on top of his blue poloshirt. She never knew that apron will looked good on him. Kung sabagay, nakita na niya itong naka-apron dati pa tuwing nagluluto ito sa bahay o kaya nama'y sa bakery ng mga ito. She dismissed those memories. Ayaw niyang mag-throwback sa katanghaliang tapat.

"Why are you still here?" hindi niya natiis na itanong.

"Jewel Kaye, hindi ganyan dapat ang trato mo sa mapapangasawa mo." saway sa kanya ng ina.

"Hindi pa ako pumapayag, Ma. Kaya hindi ko siya mapapangasawa."

Her mother gave her a warning and disapproving look. Siguradong pagsasabihan na naman siya nito kapag natapos ang tanghalian.

"It's okay, Tita. Naiintindihan ko naman po si Jewel. She doesn't want me here." salita ni Arnulfo saka ito bumaling at tumitig sa kanya. "But I really planned to spend this day in this household para makita ka naman. Kahit hindi tayo mag-usap, ayos lang sa akin."

Masyadong magpa-awa si Arnulfo sa harap ng magulang niya. Akala mo naman ay kung sinong matino na hindi nakakagawa ng kasalanan. She just rolled her eyes at him at bumalik na siya sa dining area para doon na lang maghintay ng pagsisimula ng tanghalian nila.

Her father and brother were already at the dining table when she went back. Nandoon pa din ang kakaibang tingin at ngiti sa kanya ng kapatid. Kung maaari lang niyang ibato sa mukha nito ang tinidor niya ay nagawa na niya. Hindi man ito nagsasalita ay alam niyang inaasar na siya nito.

Arnulfo sat again beside her. Bahagya niyang inilayo ang kanyang inuupuan para mas lumaki ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Kung napansin man ito ng binata ay wala na siyang pakialam pa. Ang kailangan niya ay makalayo dito dahil nahihirapan siyang huminga ng maayos tuwing nasa malapit lang ang binata. His presence is too overwhelming at ayaw niyang ma-intimidate dito.

Nagsimula ang tanghalian kasabay ng kwentuhan ng magulang niya kasama si Arnulfo. Siya nama'y nanatiling tahimik at nagmamasid lamang. Wala naman siyang maii-contribute sa pinag-uusapan ng mga ito. And besides, baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya.

JEWELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon