Sorry, it took me so long to update this story. :)
JEWEL
Chapter Nineteen
"Ang boring naman." Reklamo ko kay Arnulfo after naming kumain ng lunch. Nasa bakery pa din kami. Busy siya sa pagsusulat sa logbook niya.
"Gusto mo ba ihatid kita sa bahay?"
"Ayaw. Boring din naman dun. Tsaka baka tanungin lang ako ni Tatay Noli tungkol sa atin."
"Oh, anong gusto mong gawin para mawala ang boredom mo?" tanong niya sa akin habang itinatago ang logbook niya. Tapos na siya siguro sa gawain niya.
"Pwede ba tayong umalis? I mean, can we stroll around town again?"
"Hmm. Pwede naman. Kaso, maya mayang konti na lang pag medyo hindi na masakit sa balat ang init ng araw."
"Yes! Sabi mo yan ha. Walang bawian!"
"Opo. Lakas mo sa akin eh."
"Dapat lang naman no!" sagot ko sa kanya sabay irap.
Natatawa siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. My heart started to beat faster. Hayst. Lagi na lang ganito basta nasa malapit lang siya.
"Pasalamat ka na lang at mahal kita kaya pinagbibigyan ko mga trip mo."
"Sus, eh di salamat." sagot ko sa kanya.
"Pilosopa." sagot niya sa akin at nakangiting tumitig sa akin. Seriously, his stare will be the death of me.
"Oh, bakit ganyan ka makatitig diyan? I know, I'm beautiful kaya wag kang pa-obvious diyan." biro ko.
"Oo nga eh.. ang ganda mo. Ang ganda ganda mo. Hindi pa din ako makapaniwala na etong magandang babae sa harap ko eh girlfriend ko na ngayon."
"My God! Ano ka ba, Arnulfo! Ang baduy mo ha!" sagot ko at lumayo sa kanya. I just acted na aayusin ko yung patas ng loaf breads sa rack. Pero yung totoo, gusto na talagang sumabog ng mga butterflies sa tiyan ko. Nakakainis kasi!
"Aba, ano naman kung baduy? Atleast, ikaw ang dahilan ng kabaduyan ko."
"Heh! Shut up, okay! Sari sari ka na diyan."
"Naku nga, kinikilig ka lang eh."
"Excuse me. Hindi ako kinikilig."
"Weh? Hindi nga?" Tukso niya sa akin habang unti unting lumalapit sa akin.
"Hindi talaga!" Sagot ko at tumingin na lang sa kisame ng bakery para hindi ko siya matingnan.
"Sige nga.. Patunayan mo nga."
"Patunayan na ano?"
"Patunayan mong hindi ka kinikilig." natatawang sabi niya sa akin.
"Hindi kinikilig, san? Sa sinabi mo?"
"Oo. Pati na din sa akin.." sabi niya at tinitigan na naman ako.
"Pwede ba, Arnulfo! Let's stop this nonsense. Para lang tayong tanga."
"Pag nagmamahal, normal na talagang maging tanga."
"San mo naman natutunan yan? Lumayo ka nga!" Sabi ko sa kanya at bahagya siyang itinulak palayo. Lumalapit na naman kasi eh.
"Oh, bakit mo ako pinalalayo? Kinikilig ka lang eh."
"HINDI. AKO. KINIKILIG."
"Haha. Sige nga. Kung kaya mong makipagtitigan sa akin ng isang minuto ng hindi napapangiti o kinikilig, ililibre kita sa bayan."