JEWEL
Chapter Thirteen
One week na akong nagtitinda sa bakery. At ngayong Sabado, day off naming dalawa ni Arnie. Binigyan niya ako ng 1,050. Bayad daw sa pitong araw na pagtitinda ko.
"Bakit may bayad pa yung services ko? Eh free board and lodging na nga ako dito sa bahay niyo."
"Kase binibigay mo naman yung best mo sa pagtitinda. Diba, napapagod ka din naman. Gamay mo na yung pagtitinda sa bakery. At tumaas yung benta nung ikaw ang tumao dun."
"Ginagawa ko lang naman yun para maiwasan kong ma-bore ako. Atleast sa bakery, marami akong nakakasalamuhang tao araw araw.."
"Ayun na nga. Ngayon, natutunan mo na bawat paghihirap mo, may reward in the end. Kagaya niyan, masasabi mong worth it ang perang yan kasi nagtrabaho ka para diyan."
"So akin na talaga to? Kung tutuusin, pang-kape ko lang ang perang to. Pero salamat din. Alam ko na ang value ng pera ngayon." Nakangiting sabi ko.
"Ang laki na ng pinagbago ng ugali mo mula nung unang dating mo. 40 days na lang, uuwi ka na ulit sa inyo.."
Nakaramdam ako ng bigat sa kalooban ko sa sinabi ni Arnie. Ang bilis naman ng araw. 40 days na lang pala, babalik na naman pala ako sa Manila.
Pero bakit may parte ng isip ko na nagsasabing dito na lang ako? Na sana mas magtagal pa ako dito..
"Arnie.."
"Oh?"
"Tara sa bayan. Tarang gumala. Tarang mag-stroll. Gusto kong sulitin yung 40 days na natitira ko dito."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman! Ililibre kita. Tutal, may pera naman ako oh. Dali na, please.."
"Hayst. Osige. Magpapaalam muna ako sa tatay."
Habang nasa daan kami inisip ko kung anong gagawin ko pag bumalik na ako sa Manila. What if tumulong ako kay Jigger sa pagpapatakbo ng business namin?
Alam kong they are expecting something from me pagbalik ko. Looking back at the days na naging hard headed at self centered ako, gusto kong magsisi dahil puro disappointment lang ang ibinigay ko sa family ko.
"Ang tahimik mo ata?" Sabi ni Arnie.
"May iniisip lang ako."sagot ko in a louder voice para madinig niya dahil maingay din naman yung motor.
"Yung pag-uwi mo?"
"Oo.."
"Wag mo na munang isipin yun.. I-enjoy mo na lang lahat."
Hindi na ako sumagot. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.. Hindi ko na namalayan kung paano nangyari. Pero naramdaman ko na lang na nakayakap na pala ako sa kanya.
-----------
Inilibre ko si Arnie sa Jack's Coffee House. Hindi man sing sosyal ng Starbucks, pero okay na din. Pasado naman sa panlasa ko.
Nagpunta din kami sa plaza at tumambay sa Yellow House. Tawa kami ng tawa ni Arnie dahil sa mga couples na nagde-date din dun. Ang babata pa nila para mag-boyfriend at girlfriend.
Nakilaro din kami sa mga batang naglalaro dun ng football at nakigulo din kami sa mga kabataang nage-skateboard.
Kumain kami ng sundae cone sa 7-11 at nagpa-cute sa mga CCTV dun. Ang epic kung papanoodin yun ng security. Nag-stay kami dun ng isang oras para mamula ng mga nadating na mga costumers. Maraming mga taga-Manila na ang aarte. As in sobrang arte. Meron pang mga nagpapa-cute kay Arnie. Ang lalandi!